Dedicated to:xLRM473
_____________________________Pumasok si Carlo sa library ng ama nang hindi kumakatok kaya't sumama ang tingin ni Alfonso sa anak.
Napataas naman agad ang kilay ng nakakatanda nang masilayan ang kalagayan ng binata.
Napakagulo ng buhok nito at puno ng tuyong dugo ang kamay na maraming sugat at napakadilim ng paningin nito.
"Base sa mukha mo, hindi gumana ang plano," nang-uuyam na saad ng nakakatandang Mendoza habang nakasandal sa swivel chair nito.
"Manahimik ka!" Galit na sigaw ng lalaki.
Umiling lang si Alfonso at umupo ng deretso.
"Anong pumasok sa utak mo at dito ka nanggugulo?"
"Gusto ko lang," huminga ng malalim si Carlo.
"Gusto ko lang makilala ang Dakota ng mas higit sa sinabi mo."
Ngumisi si Alfonso.
"Anong meron si Anna? Bakit siya?"
Tumalim ang tingin ni Carlo.
"Eh, pa. Matanong kita. Bakit si Cynthia Romero?"
Imbes na mainis ay ngumiti pa ang nakakatanda.
"Magaling ka, Carlo."
"Tsk! Tama na nga ang mapaglarong utak mo, papa! Kung gusto mong mapabagsak ang mga Dakota, tulungan mo ako."
Lumapit si Carlo sa mesa ng ama niya at hinawakan ang magkabilang bahagi. Inilapit niya ang mukha sa ama.
"Tulungan mo akong mapabagsak ang mga lalaking umagaw sa minamahal natin."
__________Dahan dahang binitiwan ni Alexander ang kamay niya sa hawak ng dalaga pero humigpit lang ang hawak ng dalaga.
Nagipigil lang n tawa si William habang pinapanuod ang kaibigan.
Saktong makakalaya na ang kamay ni Alexander sa kapit ng himbing na dalaga ay dumating ang mga maulang nito.
"Anak ko.." pabulong na tawag ni Amanda ng masilayan niya ang anak nito.
Hindi pinansin ng matanda si Alexander bagkus ay inagaw na niya mismo ang kamay ni Anna na unti unting hinahanap ang kamay ni Alexander.
Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Anna nang makaramdam ng paghawak ng kanyang kamay. Isang pag-aakala na kay Alexander iyon.
"Salamat, hijo."
Tumango si Alexander kay Richard at hinayaan ang mga magulang ni Anna na masarili ang dalaga.
Linapitan niya si William at inabot ang cellphone niya rito.
Kumunot ang noo ni William pero tinanggap niya iyon.
Nang mabasa niya iyon ay nanlaki ang mata nito at tinignan si William na may halong lito.
"Tito," tawag naman ni Alexander.
Lumingon ang lalaki.
"Kailangan lang po naming mauna at may aasikasuhin lang po kami."
Tumango ang matanda.
Lumabas na si Alexander at hinila sa balikat ang kaibigan.
Binitawan niya agad ito nang makalabas sila. Nagptiuna si Alexander pero nakikisabayan si William sa kanya habang hawak ang cellphone ng kaibigan.
"Anong ibig sabihin nito, 'tol?" Kinakabahan at naguguluhan na tanong ni William.
"Hindi ba halata? Sinusubukan akong sirain ng gagong may pakana nito!" Batid sa kanyang mukha at tono na hindi siya natutuwa.

BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.