Dedicated to: MaryHyacinth20
______________
Dinala agad ng grupo ang mga sugatan sa ospital.
Nagtataka pa ang mga nurse at mga pasyente kung san ba nanggaling ang mga ito.
Ang ilan pa nga ay natatakot dahil sa itsura nilang mukhang papatay. Lalo na si Alexander.
"Gamutin mo ng mabuti kundi--"
"Sir, hindi niyo po kailangang manakot. Alam po naming malala ang kaibigan o kapatid niyo. So, please?"
Pakiramdam ni Alexander ay napahiya siya. Mali, napahiya pala talaga siya.
Tsk. Bakit ba nila ako nababanatan sa salita? Aish. Ah, oo nga pala. Kasi sa bakbakan, wala naman silang panama!
Umiling nalang siya sa naisip at nilapitan si Anna.
Ginagamot nila ang natamong galos nito sa kamay at paa.
Maging ang gilid ng labi nito na nagrashes dahil sa ginamit na lupot.
Binigyan din siya ng gamot para sa sakit ng sikmura. Matagal ding hindi nakakain ang dalaga.
Si Julia naman ay hindi mapakali sa labas ng operation room.
Pinagpapawisan ito at napapalakas na din ang dasal.
Nang magamot ang mga galos ni Anna ay pinahiga na muna siya upang magpahinga.
Umupo si Alexander sa tabi ni Anna. Hindi pa natutulog ang dalaga.
"A-alexander..." namamaos na tawag niya.
Inilapit niya ang inuupuan sa tabi nito at ipinatong ang kamay sa itaas ng ulo ni Anna.
"Ta-tawagin mo sina papa.... sabihin mo.. okay lang ako.. huwag iyong ganito."
Umiling si Alexander.
"Hindi puweding ganun. Dapat mapanagot ang gumawa nito sa iyo, sin- Anna.."
Muntik nang madulas si Alexander kaya't umakto siya na wala lang iyong pagkakamali niya.
Kumunot ang noo ni Anna upang salungatin ang binata pero bumuntong hininga na lamang ito.
"Adien, pakitawagan iyong papa ni Anna. Alam mo na sasabihin, 'di ba?"
Tumango ang kaibigan nitong nasa labas.
Umalis ito.
Naiwan si Alexander at si Anna.
"Salamat, Alexander."
Umiling ang binata.
"I'm sorry. I'm sorry for taking so long."
Ngumiti si Anna.
Napapansin na ni Alexander na antok na ang dalaga. "Sleep well, princess."
Pumikit na nga si Anna at humimbing na.
Minasdan ni Alexander ang mala anghel na mukha ni Anna.
Marahan niyang sinuyod ang itim na itim at madulas na buhok nito.
Hindi ko alam kung makakaya kong mahiwalay sa iyo. Hindi ko alam kung magagawa ko pang matulog kapag hindi kita nasisilayan. Buhay na kita, Anna. Ikaw ang nagbibigay buhay sa akin. Ikaw ang nagpapaligaya sa akin.
Anna, prinsesa ko at sinta. Sana ito ang huling pagkakataon na makaramdam ka ng takot. Sana ito na ang huling pagkakataon na maiwan kitang nag-iisa sa dilim.
Mahal na mahal kita, Anna. Mahal na mahal.
At ipinapangako ko ngayon sa iyo na narito lang ako. Narito ako para iligtas ka. Andito ako para bantayan ka.
Andito lang ako para ipadama sa iyo na hindi ka kaawa awa. Hindi ka maaagaw sa akin ng kay dali.
Ako ang magiging knight-in-shining-armor mo. Ako ang prince charming mo. At ako ang tanging kabiyak mo. Hindi iyong mababago. Hindi iyon mababali. Kasi, sa iyong sa iyo ako. At darating ang panahong nakatakda na magiging akin ka.
Humalik sa noo si Alexander at saka hinaplos ang pisngi ng dalaga.
Itaga nila sa bato ang lahat ng sinabi niya.
-----
Huwag niyo akong babatuhin! Huhu, ito lang makakaya ko ngayon, eh. pasensya na >
Pero sana okay lang muna ito. Kahit sabaw. =(
Love you all pa din =]
P.S.
May music na ang wattpad and kung may alam kayong kanta na bagay sa chapter na ito at sa past chapters, pm me in wattpad.
=D. Malay niyo gumanda. Haha salamat!
P.P.S.
Sorry kung hindi nakakakilig haha. At saka kulang. Sorry talaga.
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.