Dedicated to: misswritercc
_______________Tumulo ang luha sa aking mga mata at mabilis akong niyakap ni kuya.
Hindi ko kasi maintindihan. Ako? Nawalan ng alaala?
Bakit?
"It's alright, princess. Tutulungan kitang makaalala. Andito lang kami, I'm here."
Tiningala ko siya ngunit malabo ang kanyang mukha sa paningin ko.
"Anong nangyari, kuya? Bakit? Bakit?"
Hinagod niya ang likod ko at hinalikan ako sa noo. Tinignan niya ako sa mata at masasabi kong napakalapit ng mga mukha namin. Pero ang nakakapagtaka ay hindi ako naiilang. Bagkus ay kumportable ako at pakiramdam ko ay ligtas ako sa bisig niya. Na sa kanyang piling ay hindi ko kailangang mag-alala.
"Una sa lahat, please call me Alexander or Alex. At gusto kong simulan ang pagpapaliwanag na you forgot 3 years of your life, Anna."
"Ha?"
"Anna, 17 ka na... And it has been three years since you've left our hometown."
Napakunot ang noo ko at napatago sa dibdib niya. No.. hindi maari.
"Ku-este Alex... Kung- kung andito na nga kami at tatlong taon na nga po ang lumipas, bakit andito ka? Sumama ka ba? Saka anong nangyari sa three years na iyon?"
Humigpit ang kapit ko sa damit niya. "Saka bakit wala akong maalala?!"
Humagulgol na ako at lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Inaaalo rin ako ni mama at papa sa likod.
Narinig kong nagsalita si papa pero hindi ko alam kung anong sinabi niya. BAsta malipas ang ilang minuto ay inilalayo na ako kay Alex.
"Hu-huwag-!"
Lalo akong kumapit kay Alex. Parang ayoko humiwalay sa kanya. His warmth is bringing comfort to me. Ayokong mailayo sa kanya.
"Shh, shh..."
Inilapit ni Alex ang bibig niya sa tenga ko kaya dama ko ang mainit niyang hininga. "Andito lang ako, princess. I'll hold your hand. Don't worry."
Tumango ako saka huminga ng malalim. Umupo pa rin siya sa tabi ko at hawak nga niya ang kamay ko. Tinignan ko siya sa mata at dun ko narealize na nung gabing nakasama ko siya sa ilalim ng ulan ay tinatak ko sa isip ko na gusto ko siyang tulungan. Gusto ko siyang makilala. Pero ngayong nalaman ko na tatlong taon na pala ang lumipas at nakalimut na ako. Anong nangyari matapos ang gabing iyon?
Nagawa ko ba siyang samahan at kaya siya andito? May namamagitan ba sa amin?
Alam niya ba na minahal ko siya matapos ang gabing iyon?
Nakuha ng doktor ang atensyon ko at saka niya ako tinanong ng kung ano ano.
Matapos iyon ay naramdaman kong tinurukan niya ako at nakatulog ako na ang huling nakita ko ay si Alex.
____________________
Nasa isang classroom ako. Maingay sila at sa tabi ko ay may babaeng kumaka-usap sa akin. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Pero itong babaeng katabi ko ay masayang nagkuwekuwento.
Pero ang kumuha ng atensyon ko ay ang pakiramdam na may nanunuod sa akin. At nang mapansin ko iyon ay unti unting nawala ang mga mag-aaral at unti unting dumilim ang paligid.
Tumaas ang balahibo ko at ang tangi kong naririnig ay ang malakas at mabilis na tibok ng aking puso.
Akin ka lang...
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.