Dedicated to:@maxishome
×××××××
Araw ng biyernes at nagtitiis ang mga estudyante sa mga reviewer nila.
"My gawd, Anna. Nakakapagod na!" Reklamo ni Julia habang papunta sa cafeteria. Tumawa lang si Anna.
"Last na 'to. Tiisin mo na."
"No way! Aba, sobrang pagtitiis na ito. Sana lang naman makaperfect tayo sa exam! Gash, ang ating brains, naghahang na sa daming infos!"
"Ang daming reklamo. Hay, naku!"
Nang maka pila na sila ay napansin ni Julia ang absence ng kanilang taga libre.
"Asan si Carlo?"
Napa isip si Anna.
Oo nga.
Lumingon lingon sila ngunit hindi naman nila makita si Carlo.
"Alam mo, baka kasama lang ang kabarkada niya. Hindi lang tayo ang kaibigan nun!" Saad ni Anna nang hindi makita ang lalaki.
Kumibit balikat lang si Julia.
"Hay naku. Hindi dapat ganun ang nanliligaw, ano? Dapat, laging present!"
Kumunot ang noo ni Anna. "Ano nanamang manliligaw, ha?"
"Alam mo na! Ang manhid mo naman, te! Nanliligaw kaya si Carlo sa iyo."
"Psh. Ikaw, burahin mo na nga yang guni guni mo. Hindi niya ako nililigawan, ano?"
"Oh, edi sino? Iyong si Alexander?" Taas baba pa ang kilay ni Julia.
Biglang namula si Anna nang marinig ang pangalan ng lalaki.
Hindi na nga siya nakatulog kagabi dahil sa lalaki.
Eh, kasi. Kakaiba iyong kabog ng dibdib niya habang nagtatawanan sila. Ang close bigla ni Alexander saka nung papa niya. Porke daw nakilala pala ng ama niya ang ama ni Alexander?
Hindi lang iyon! Kagabi ay napaginipan niya ang lalaking nakilala niya sa ilalim ng ulan nung nakaraang tatlong taon.
"Oy! Natulala ka naman diyan? Nabanggit lang si Alexander, eh!" Nanunukso na saad ni Julia kaya't bumalik sa kanya ang atensyon ni Anna.
"Hi-hindi, ah!"
Lumawak lalo ang ngiti ni Julia. "Asus! Hindi daw, eh, bakit namumula ka na rin diyan?"
Napahawak sa pisngi si Anna at dama niya ang init ng mukha.
"Huwag mo na nga akong tuksuhin!"
Tumawa lang si Julia.
"Hmmm... matanong nga kita, tuloy ba date ninyo bukas?"
Kumunot ang noo ni Anna. "Anong date nanaman?"
"Date! Di ba, may kasunduan na kayo na ipapasyal mo siya dito sa atin bukas?"
Inalis ni Ann ang kamay sa mukha at napa isip nanaman. Iyon iyonh isa sa dahilan kung bakit hindi siya makatulog, eh.
Hindi naman kasi niya alam kung saan dadalhin ang lalaki. Saka kahit pa sabihing nagkapalagayan na ng loob si Alexander at ang papa niya ay pupuwedi na siyang sumama rito.
Isang estranghero pa rin si Alexander kahit ano pang gawin niya.
"Tsk! Alam ko na. Hindi mo alam kung san siya dadalhin."
Napakamot sa ulo si Anna sa sinabi ng kaibigan.
"Ayan! Naku, buti nalang at may hinanda ako para sa iyo, best friend."
"Ha?"
"Teka sandali, order muna tayo."
Nag-order naman sina Julia at Anna sa manang at saka naghanao ng vacant.
Nakahanap sila at naupo roon. Pagkapuwesto nla ay may kinuha si Julia sa bulsa ng kanyang palda.
Inilabas niya ang isang pink na papel mula rito.
"Ito," saad niya pagka abot nito kay Anna.
"Para san 'to?" Tanong naman ni Anna nang kunin niya.
"Buklatin mo nalang," sagot ni Julia at saka sumubo sa kanyang pagkain.
Ngumunguyang pinanuod ni Julia ang kaibigan.
"Ang daming lugar nito, ah!"
"Ah. Oo ngaman. Ngara sa ngayt ngyo yan ngi Alksyander."
Hindi naintindihan ni Anna ang sinabi ng kaibigan. Itinaas ni Julia ang palad sabay lunok at uminom ng tubig.
"Para sa date niyo kako ni Alexander iyan. Para alam mo kung saan. Mamaganda iyan!"
"Pansin ko. Eh, sa dito naman ang mga tambayan natin."
Tumango tago si Julia.
"Uh ha, uh ha. Saka kung nais ka niyang makilala edi puntahan niyo ang mga lugar na nagpapasaya sa iyo. Nakilala ko lang naman ang mga lugar na iyan nung naging kaibigan kita, eh."
"Ehh, dapat ba? Sanctuary natin ito. Para sa atin lang sana."
Umiling si Julia. "Ay, ewan. Basta, ka vibes ko si Alexander kaya gora ka, sis. Support kita jan."
Umiling nalang si Anna saka itinabi ang papel.
****
Uwian na ay tumungo sa parking lot ang magkaibigan.
Nakakuha kasi ng liham si Anna sa kanyang mesa na may kikitain raw siya rito.
Mapapansing kaunti ang tao rito sa parking. Naka tambay kasi iyong marami sa may basketball court dahil may palaro sila. Last game daw bago mag finals kaya nag eenjoy sila run.
"Anna Molina ba?" Tanong ng isang lalaki kay Anna nang makarating sila roon.
Nasa mid twenties ang lalaking nagtanong sakanya kaya natakot siya. Pero dahil sa hawak ni Julia sa kanyang tabi ay nagkalakas siya ng loob na tumango.
Ngumiti ang lalaki.
"Dito po, miss."
Idinala sila sa tapat ng isang van.
Maya'y sapilitang ipinasok si Anna at inilayo si Julia.
Napasigaw si Julia at Anna ngunit agad tinakpan ng panyo ang kanilang mga bibig.
Maya'y nahilo't nawalan ng malay.
Itinago nila si Julia sa ilalim ng isang ouno at ini aktong nakatulog roon.
Pagkaraan ay pinaharurot na ang van palayo sa eskuwelahan.
Saktong alis ng van ay siyang dating naman ng isang magarang sasakyan.
Itinabi ng may-ari ang kanyang sasakyan sa harap ng gate at inantay ang paglabas ng kanyang inaantay.
Paglipas ng kalahating oras ay nagtaka ng subra ang lalaki.
Uwian na, bakit wala pa siya?
Lumabas ng sasakyan si Alexander at tumungo sa loob. Hahanapin niya si Anna.
------
What's nangyayari, sa tingin niyo?? Last UD of the night! Whoo, nakatatlo rin ako =P haha, tnx for reading ^_^
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomansAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.