Yugto XXX

4K 83 6
                                    

Dedicated to:JeyyEmm

×××

Sa madilim na kuwarto na pinapasukan ng liwanag ng buwan ay taimtim na nag-iisip ang nakakatandang lalaki.

Ang kanyang baba ay nakapatong sa mga kamay nitong nakasiko sa mesa.

Nagkakalapit na ang kanilang landas ng pamilya ni Alejandro.

Ang nakakatawa'y maging ang kanilang mga anak ay naglalaban para lamang sa iisang babae.

Tulad nila para sa kamay ni Cynthia. Ang kanilang kababata.

Magkababata sina Cynthia, Alejandro at Diego. Sila'y mga ulila at nakatira sa ampunan. Walang araw na hindi sila ang magkakasama.

Sa dalawang taon na naging magkaibigan ang tatlo ay nabihag na ni Cynthia ang puso ni Diego. Bata pa sila ng sobra kung tutuusin ngunit si Diego ay nakakadama na ng pag-ibig sa batang babae.

Sampung taong gulang pa'y nahuhumaling na. Natutunaw sa ngiti't nabibighani sa mapupungay na mata ng kababata.
Naikuwento na niya ito sa kaibigang si Alejandro ngunit siya'y pinagtawanan.

Hindi naman daw maaaring sila'y magkatuluyan sapagkat napakabata nila't walang mapupuntahan. Sila'y mga ulila at ang pagmamahal ay hindi dapat nila inaatupag. Saka'y magkakapatid sila't dapat ganun lamang.

Hindi nawalan ng pag-asa si Diego. Patuloy niyang sinamba ang kagandahan ng kababata.

Pagtapak nila ng edad na dose anyos ay may umampon kay Cynthia. Mayaman ang umampon rito.

Nailayo ito sa kanila kaya't labis silang nalungkot.

Pagkaraan naman ng kalahating taon ay sumunod si Alejandro. Gaya ni Cynthia ay mayaman rin ang umampon rito.

Nagustuhan nila ang kisig ni Alejandro kahit pa bata ito. Sa pagkakadinig ni Diego ay magandang modelo raw ito para sa kanilang pangalan kaya't siya ang nababagay nilang ampunin. Isama pang matalino ito.

Nalungkot si Diego dahil siya'y naiwan ng kanyang mga kaibigan.

Nagdaan ang ilang buwan.... taon... ngunit walang umampon rito.

Hanggang sa siya'y nabigyan ng pagkakataon na isabak sa isang paligsahan ng mga mautak.

Nanalo ito't biniyayaan ng pagkakataong mag-aral.

Desisyete na siya nang palarin.

Nakapasok siya sa isang paaralang pang mayaman. Hindi naman mapaghahalataang mula ampunan ito dahil sa kanyang porma na isinaayos ng naghanda ng paligsahang napanalunan.

Dito'y natagpuan niya ang kababatang matagal nang inibig at sinamba. Si Cynthia.

Lalo itong gumanda. Lalong naging kabighabighani.

Ngunit bumagsak ang pag-asang mapapasakanya ang dalaga sapagkat nobyo pala nito'y ang kaibigan ring si Alejandro.Pakiramdam niya nun ay pinagtaksilan siya.

Pinaglaruan at inutakan.

Sabi ni Alejandro ay wag atupagin ang pagmamahal o kung ano ngunit siya pang mismo ay huhuli sa puso ng kanyang iniibig.

Anong klasing pagkakaibigan iyon!

Palihim siyang sumunod sa magkasintahan. Nang magkarun siya ng pagkakataong maka usap si Alejandro ay inilantad niya ang kanyang sarili.

"Kaibigan!" Tuwang tuwa pang bati ni Alejandro nang sila'y magkatagpo. "MAbuti't ika'y nakalabas na sa kulungang ating kinalakihan. Nakakatuwang makita kang muli, kababata."

Isang malakas na suntok ang isinagot ni Diego. Napaghiga namanh ang binata sa lupa.

"ISa kang traydor! Isang taksil at huwad na kaibigan. Wala kang pananagutan sa iyong salita. Isang sinungaling!"

Nagtataka lang na iniangat ni Alejandro ang tingin sa kaibigan. Tumayo ito't pinunasan ang dugong nagmula sa pumutok na labi.

"Anong ibinibintang mo? Walang katuturan at katotohanan!" Saad nitong naiinis.

Nanlisik ang mata ni Diego sa kawalang malay ng kaharap.

"Ang sabi mo sa akin nun ay hindi dapat ang pagmamahal na naramdaman ko kay Cynthia. Ngunit bakit ngayon siya'y inangkin mo na?!"

Huminga ng malalim si Alejandro. "Noon iyon, Diego. Iba ngayon. At isa pa'y nag-iibigan kami. Hindi namin ginustong pareho kami ng maramdaman!"

"Ngunit hindi mabubura ang katotohanang pinagtaksilan mo ako. Kaibigan kita ngunit tinapakan mo ang naramdaman ko nun para sa isang bagay na binali mo rin lang namang ngayon!"

"Noon iyon, Diego. Napakatagal nun at bata pa lamang tayo! Kaibigan pa naman kita at--"

"Hindi! Hindi na kita kaibigan. Wala akong kaibigan na traydor at bumabali ng sariling salita. Isa kang sinungaling. Isa kang -"

"Hindi mababago ng iyong mga salita ang aming pagmamahalan ni Cynthia. Patawad nalamang sa laki ng iyong pride!"

Umalis si Alejandro at iniwan si Diego na galit na galit.

"Magbabayad rin kayo. Magkakabayad kayo sa kataksilang ginawa niyo sa akin," sumpa ni Diego sa sarili habang matalim ang tingin kay Alejandro.

Simula nun ay nagpursige si Diego na malampasan ang lahat ng galing ni Alejandro.

Mula pag-aaral hanggang sa mga palaro.

Dahil rito ay naging tanyag siya. Kinahuhumalingan ng lahat ng babae't binabae.

Ngunit ang babaeng ninanais lamang niya ay hindi mapasakanya. Matapos lagi ng kanyang pagkapanalo ay makikita niya ang ngiti't halik ni Cynthia sa tinalong si Alejandro. Sa lahat ng kanyang pagkapanalo't pagwawagi... hindi man lang niya napanalunan ang tanging minimithi. Ang pag-ibig ni Cynthia.

Pagkaraan ng mga taon ay nakapagtapos na sila.

Parehong negosyante sina Alejandro at Diego. Si Cynthia nama'y isang doctor.

Lumuwas sina Cynthia at Alejandro matapos mabalitaang ikinasal na ang mga ito. Si Diego nama'y nagbago ng pangalan at nagpakalayo.

Sinundan niyang maigi ang kilos nina Alejandro.

Sa relasyon ng mga ito na inabot na ng dalawang taon ay hindi man lang nanganak si Cynthia.

Kaya't naisipan ni Diego na magpakita sa babae. Nasasabik siya sa babae.

Gabi-gabi ay siya ang lumilitaw sa kanyang pantasya. Gabi gabi ay siya ang nagpapa-alala ng lamig tuwing gabi sa kanyang pag-iisa.

Nang mabalitaang umalis si Alejandro at naiwan si Cynthia ay lumuwas si Diego patungo sa iniibig.

Inakyat niya ang balkonahe ng babae. Nang makapasok ay kanyang pinanuod ang paghimbing nito.

Nakakatuwa naman. Sa yaman nila'y nagawang makapasok ni Diego ng kay dali. Sadya sigurong kampante ang mga ito.

Dahan dahang tinungo ng lalaki ang kama ng babae. Hinawi nito ang buhok na nakatabing sa magagandang mata ni Cynthia at idinaan niya ang kamay sa pisngi nito.

Bahagyang kumunot ang dalaga ngunit agad humimbing muli. Napangisi si Diego.

Aking iniibig na Cynthia, sadyang isinilang ka ng isang dyosa. Mata mo'y mapungay, sa labi mo ako ay natatangay.

------ itutuloy.

Sa nabitin, may susunod agad. =D binabalaan ko na po agad kayo sa kadugtong...

//am back! XD// wag po sanang disappointed. Sorry po.//

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon