Dedicated para kay @PrincessMatrix
Maikli nanaman po ito =P . Sensya po ^u^...
Lamats sa mga nagvote at nagcomment nung last chap.
××××××××××
Pauwi na si Anna at ang kaibigan nang may tumigil na sasakyan sa gilid nila.
Bumaba ang bintana nito at lumantad ang nakangiting mukha ni Alexander.
"Hey! Anna and Julia, right?" Bati nito sa kanila.
Biglang lumiwanag ang mukha ni Anna sa di malamang dahilan. "Alexander? Anong ginagawa mo dito?"
"Oo nga," segunda ni Julia.
Nilabas pa ni Alexander ang ulo niya bago sumagot.
"Ahh, kasi nag-iikot ako dito. Sinusubukan kong alahanin ang pasimot sikot, tatlong buwan lang ako dito, eh."
"Talaga? Gusto mo, i tour ka namin??" Sabat ni Julia.
Nanlaki ang mata ni Anna sa sinabi ni Julia at kuminang naman ang mga mata ni Alexander.
"Tala-"
"Julia! Exam na natin next week," pinangunahan na saad ni Anna. Saka kahit naman kompurtable siya kay Alexander ay hindi puweding lagi niya itong masasamahan dahil may priority naman siya.
"Ah, kahit sa sabado lang, friend. Saka alam mo na? Relax muna tayo kahit isang araw. Isang linggo na rin naman tayo magrereview, eh." Mahabang paliwanag ni Julia.
Nangamba ng saglit si Anna dahil finals na kaya hindi puweding hindi niya seryusuhin ang exams nila.
"Oh, okay lang, Anna. No need to be pressured. Naiintindihan ko. Some other time, maybe?"
binalingan ni Anna si Alexander. Napa isip siya habang nakatitig sa napakaganda nitong mata...
Paano kung?
"Uhm, sa tingin ko, pwedi naman."
Nag-iba ang mukha ni Alexander. Mula sa pagtataka hanggang sa napasigaw ito ng:"Yes!"
Natawa si Julia at nahihiyang napangiti lang si Anna.
"NAku, thank you talaga, Anna. Bigay ko na ang number ko sa'yo para matexan mo ako kung anong oras sa sabado o kung tuloy."
Halatang excited ang binata dahil sa pagpayag ni Anna na samahan siya sa paglilibot.
Nagpalitan sila ng numero at palihim na nakikilig ang kaigan ni Anna.
Ang haba ng hair ni Bestfriend! Isip nito.
"Ihatid ko na kayo. Magkapitbahay na rin lang naman tayo, eh."pagyaya ni Alexander habang nakatingin kay Anna at sinyapan lang si Julia, sapat lang para hindi naman masnob ang kaibigan ni Anna.
"Sabay na tayo? Kasi, nagtext si manong na ginagamit daw nina mama at papa unh sasakyan namin." Pumayag na ang dalawa sa pag-aya ni Alexander.
Agarang lumabas ang binata at pinagbuksan ng pinto si Anna sa harap at si Julia si likod. Hindi na nagsalita si Julia dahil alam naman niyang may gusto ang lalaki sa kanyang kaibigan.
Isa pa, binulungan siya ni Alexander kung pupuweding sa harap nalang ang kaibigan niya. At wala ng reklamo si Julia.
××××××××
Ang totoo ay inabangan niya na si Anna sa labas ng school nila para sana "makasalubong" ito ngunit si Carlo naman ang kasakasama ng dalawang dalaga.
At dahil sa ayaw binabantayan niya ang sinisinta laban sa karibal ay sumunod siya at saka nagpark sa kabilang kalsada lang.
Mula rito ay napapanuod niya ang grupo sa loob ng resto.
Palihim siyang nagbubunyi habang pinapanuod ang napakawalang kuwentang pandadate ng kanyang karibal sa kanyang sinta.
Tuwang tuwa si Alexander sa ginagawa ng kaibigan ni Anna na si Julia dahil sa walang sawa nitong pananabat.
Hay, kung lamang makukunan niya ng bidyo ang nagaganap, walang sawa niya itong panunuorin sa bahay para makita ang naiinis na panggigigil ni Carlo kay Julia.
Napatawad na niya ng kaibigan ni Anna na si Julia sa panunukso nito patungkol kay Anna at Carlo dahil sa pagbubulilyaso niya sa date ng dalawa.
Makakatulong naman pala na laging magkasama ang magkaibigan, eh. Hindi agad nakakaporma itong karibal niya sa kanyang kabiyak.
"Kumusta na pala exam niyo?" Tanong ni Alexander sa dalawa.
Sa ngayon ay kailangang maganda ang pakikitungo niya sa kaibigan ni Anna para kapag humingi siya ng pabor dito ay madalian lang.
"Naku, nakakastress! My gulay. Hindi ba, Anna? Iyong isang ma'am pa natin hindi tayo pinatapos agad!" Sagot ni Julia habang nageemote pa.
Tumawa si Anna sa reaksyon ng kaibigan niya. At alam ni Alexander na tama ang ginagawa niya. Kapag patuloy na ganito, makakasundo niya ang dalawa at hindi siya mamomoblema di gaya ng karibal niya.
Humanda na ang Carlo Mendoza na iyan. Dahil ako ang kabiyak ni Anna. At wala ng iba.
××××××
Pasensya na po sa maikling UD na ito. Sana pa rin magustuhan niyo^_^.
hindi ko po na publish kahapon dahil walang internet. Grabi, ang saklap ><
Hindi bali at may kadugtong iyan! Ahihi.
Love lots! ♥
BINABASA MO ANG
Obsessed
Любовные романыAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.