Yugto XVI

7.4K 205 23
  • Dedicated kay everyone! sayang kung 1 lang xD
                                    

Malapit ng matapos ang review nila ng may kumalabit ulit kay Anna. Paglingon nito ay isang papel nanamang mula daw kay Carlo.

Binuklat niya ito.

Ayos lang din bang sumabay sa inyo?

Umarko ang kilay ni Anna. Napapadalas naman na ata ang pagsabay ni Carlo. Wala na ba silang mga lakad ng mga kaibigan nito? Saka nga, di ba?

Hindi naman kailangang lagi siyang sumabay sa kanila?

Napansin ni Anna na may P.S pa pala rito.

P.S. para may bodyguard kayo ^_~

=_=

Sa tanang seventeen years na nabuhay siya, kailan ba siya nangailangan ng bodyguard??

Natigilan siya saglit...

Speaking of bodyguard... tila ba hindi na dumadalas ang kakaibang takot sa puso niya...

Wala na ang pakiramdam na para bang nagmamatyag... wala ng mga text...

Ilang araw na ding ganun...

Sumuko na kaya siya?

Wala sa loob na napahawak si Anna sa kuwintas na niregalo sa kanya ng mysteryosong stalker.

Hindi na niya ito tinanggal sa leeg. Nasanay na siyang suotin ito.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman...

Matutuwa ba o malulungkot... o magtataka o lalong matakot...

Kasi.. paano kung may balak na iyong stalker niya? Paano kung may masama siyang plano na ikasisira ng kung anong meron siya??

Hala! Baka naman kidnapin siya!?

"Anna!"

Napatingin siya sa gurong nagbabantay sa kanila.

"Are you done with your reviewer?"

Kumurap si Anna at umiling saka tumungo upang tapusin ang kanyang reviewer.

-//-//-//-//

Kumunot ang noo ni Carlo habang tinitignan si Anna.

Bakit siya natulala kanina?

Sa pagkaka alam niya ay wala naman sigurong masama sa sinulat niya, di ba?

Napangiti siya...

Ahhh... baka naman natatamaan na sa akin?

Pinanindigan niya ang huling naisip.

Aba, dapat lang na mahulog na si Anna sa kanya, ano?

Pero alam naman ng binata na kulang pa ito, eh. Kailangan niya ng mas nakakain love na move para tuluyang magkagusto ang dalaga sa kanya.

I date niya kaya?

Regaluhan?

Kasi ang cheap masyado kung hanggang canteen lang at paghatid sa kanya ang gagawin niya.

Umiling siya at tinuloy ang pagsagot...

Bahala na sa pag-uwi kung ano gagawin.

-//-//-//-//-

"Anna! Nakita ko iyong pagpasa nanaman ng papel ni Carlo sa iyo. Anong sinabi??" Nangungulit nanaman si Julia sa kaibigan tungkol sa papel.

Kakatapos na kasi nila sa huling reviewer at uuwe na sila.

"Makikisabay daw, eh."

Nagningning naman agad ang mga mata ni Julia.

"Talaga??? Naku! May gusto na iyon sa iyo!!"

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon