~ ~ | His POV | ~ ~
Mula sa malayo ay pinanuod ko si Anna...
Mula sa malayo ay nakikita ko ang takot sa mga mata niya...
Ang kanyang mga pangamba...
Sa tatlong taon ay nabihag ako sa kanya. Laging nasa anino lang. Hindi ako stalker, hindi iyon ang tawag sa gaya ko. Dahil ako ay labis magmahal at marunong maghintay...
Mahal ko siya.
Mahal ko siya higit pa sa iba.
Siya ang buhay ko.
Ang liwanag ko sa dilim.
Ang taong hinahanap ng buong pagkatao ko...
Sa sobrang pagmamahal ay gusto ko siyang mapasa akin...
Kami lang...
Siya ...
Ako ...
Iisa at may pamilya..
Kaya hindi ko hahayaang makalapit sa kanya ang kahit sinong lalaki.
Akin siya, tapos.
Kami lang at walang makakapigil sa akin.
Hindi ako nanakit ni pumapatay. Ngunit kung may nagbalak na akitin ang aking iniirog ay ipapakita ko sa kanyang akin lang si Anna.
Hindi ko hahayaang agawin nila ang natatanging ilaw sa aking madilim na kaharian.
Hindi ko hahayaang manakaw ang aking diyamante na aking kayaman. Ang puso niya ay tanging sa akin naka-alay.
Kinuha ko ang aking kamera at kinunan ang obra ng Diyos na magiging akin din.
Tinitigan ko ang larawan...
Si Anna habang nagrerecite sa klase.
Nakangiti at malaki ang kumpyansa sa sarili.
Lumapad ang ngiti ko...
Ganito rin kaya siya kapag sinambit niya na ang mga salitang 'I do' sa aming kasal?
Hay... mga pangarap kong si Anna lamang ang makakatupad...
Muli kong binitawan ang kamera at hinayaang bumitin sa aking leeg...
Napasandal ako sa pader at mariing pumikit.
Ngunit ayokong matakot sa akin ang aking minamahal...
Mapait akong napangiti... nakakatuwang isipin na lumilingon sa akin ang aking minamahal.
Hinahanap sa dilim at pilit akong hinahagilap.
(Kaso hindi sa paraang nagmamahal...
...kundi natatakot.)
Bumuntong hininga ako at muling nilingon ang kina uupuan ng aking minamahal. Naka upo na siya at mukhang may sarili nanamang mundo, hawak hawak ang kuwintas na nakasabit sa kanyang magandang leeg.
Ngumiti ako.
Napupuno ng pag-asa ang nagmamahal kong puso.
Kung sa mata ng mga niligawan ko noon pa ay corny ako... sa mga mata niya noon, makata ako at puro magmahal..
Kapag kaya nakilala niya ako ay matatanggap niya ako? Kapag ba inako ko ang salang pagsibol ng takot sa puso niya ay mahalin niya pa rin ako...
Kay tagal kong nanuod sa dilim... sa malayo.
Kay tagal ko siyang minasid.
Ngunit noong pinaramdam ko na ang aking presensya ay hindi na siya gaya ng dati.
Wala na ang babaeng puno ng tawa at ngiti. Ngayon ay nabahiran na ng pangamba at takot ang kanyang mga mata.
Nasuntok ko ang pader na pinagtataguan ko.
(Sinisira ko ang buhay ng taong mahal ko...
Winawasak ko ang puso niyang puno ng ligaya...)
HINDI!
Mahal ko siya at magiging akin siya...
Sinilayan ko ang bulaklak na aking pipitasin sa takdang panahon. Isang mapagmahal na ngiti ang sumilay sa aking labi habang tinatanaw ang aking reyna.
Huwag kang mag-alala, mahal kong Anna... susunduin rin kita't patitirahin sa palasyong itinayo ko para sa ating panghabang buhay na pag-iibigan....
- - - - - -
Author's note:
Ewan. Parang kulang. Anyway.. ayoko kasi nung stalker na parang nasa JasMINE. Kasi ang brutal nun xD.
Gusto ko lang ipakita ang katauhan ng ating creepy 'lover'.
Comment your criticisms and I will gladly improve the way I write...
Truth to be told, I just keep writing... walang plano xD. Kasi naman... ending agad ang nasa utak ko. Kaya kayo na bahala sa taas baba ng story.. ako na sa ending. Hehe.
Vote if you liked the way he expressed his love.
Secret: Part of his emotion is based on how I feel about someone xD guess what part nalang haha.
Ciao!!
HAPPY NEW YEAR!
EDITED
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.