//madaming typo, di q inedit//
"Anak?"
Tiningala ni Anna ang kanyang ina na sumalubong sa kanua mula sa kusina. "Bakit po, ma?"
"Kailan na nga ulit exam niyo?"
"Sa 21 hanggang 24 po, ma."
"Ah, mabuti naman. Eh, anong oras ng mga klase mo nun?"
"Mga nine po ng umaga hanggang eleven. Babalik po ng ala una saka uwe na po ng alas tres."
Tumango ang ina. "Oh, siya. Pagbutihin mo, anak, ha?"
Ngumiti si Anna sa ina at ipinaalam ang sarili upangpumanhik sa itaas. Nang makarating sa kuwarto ay inilabas na niya ang mga gamit sa mesa niya.
Review week nila ngayon kaya dapat alam na niya kung anong mga gamitang dadalhin. Ito kasi ang bag na mula pa nung biyernes. Hindi na niya naayos dahil naging abala siya para sa matalik na kaibigan.
Habang iniaayos ang mga libro at notebook mula sa bag ay bumalik sa isipan niya ang napag-usapan nila ni Carlo.
Ano bang sinasabi ng binata sa kanya? Bakit naman iyon pa ang itinanong nito? Nagbabalak ba siyang manligaw?
Umiling siya. Masyadong nagugulo ang utak niya nang dahil sa mga lalaki.
Inaabala na nga siya ng mysterysong lalaki, dadagdag pa si Carlo.
Saglit na tumigil siya sa pag-aayos at pumikit. "Ano ba, Anna? Ikaw ang nagpapahirap ng sarili mo, eh..."
Naghilot siya ng sentido at kinalma niya ang kanyang paghinga. Hindi maaaring ganito ang kanyang iniisip, eh, malapit na ang pagsusulit nila. Baka bumababa pa ang grado niya kapag nasa walang kuwentang bagay ang pukos nito.
-//-//-//-
Inabot na ng gabi ang kanyang pagbabalik aral nang katukin siya ng ina. "Anak, kain na muna tayo. Nasa baba na ang papa mo."
Tumango si Anna at iniwan ang ballpen sa nakabukas na libro. Maraming papel at libro sa mesa niya. Talagang inaabala ang sarili sa pag-aaral.
Binati niya ang ama nang makita itong naka upo sa sala. "Hello, pa," nakangiting saad niya at humalik sa pisngi nito.
"Kumusta ka naman, Anna..." tanong ng ama at inilapag sa mesa ang sinturon na kinalalagyan ng baril.
"Ayos lang naman po, pa. Medyo pagod lang po ang utak, hehe," tugon niya.
Ginulo ng ama ang buhok nito at tumawa. "Ang sipag mo talagang mag-aral. Proud na proud kami sa'yo, anak."
"Kain na tayo, mahal, Anna... "
Masayang kumain ang pamilya. Nagkakuwentuhan at mukhang ibinabalik nila ang lahat ng mga oras na hindi nakukumpleto ang mga ito.
Nawala na sa isip ni Anna lahat ng problema.... lahat ng mga pasakit sa ulo... maging ang mga alanganin...
-/-/-/-/-/-/-
Nagtatago siya sa gilid ng bahay kung san hindi ito naaanigan mula sa loob at sa mga kapitbahay.. pinakikinggan niya ang mga tawanan ng pamilya ni Anna mula sa maliit na bintanang nakabukas.
Napapangiti ang lalaki sa tuwing naririnig niya ang mga kuwentuhan nila.. natutuwa siya sa tuwing si Anna na ang nagbabahagi ng kanyang araw.
Napapaisip pa ang lalaki sa magiging kinabukasan nila ng sinisinta kapag dumating na ang araw na sila naman ang magsasama. Kapag sila naman ang magkakaroon ng pamilya. Hindi niya maikukubling nasasabik na siya. Kahit pa abutin ng buwan ang paghihintay niya ay parang araw na lamang iyon...
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.