Yugto XXVI

4.2K 112 12
                                    

Dedicated kay @Jeanthirdmae

=) sana magustuhan ang short UD na ito( thanks for reading and support guys!)

××××××

Naunang bumaba si Julia.

Nagtuloy naman sa kuwentuhan at biruan ang dalawa habang pauwi.

"Hindi ba nakakapagod na nagtratrabaho ka agad? Saka nineteen ka pa, Alex." Saad ni Anna nang mapag-usapan ang pagtratrabaho ni Alexander.

Umiling ang binata. "Inaral ko na iyon sa loob ng tatlong taon sa aming bayan. Saka masyang magtrabaho lalo na kung may inspirasyon," at binalingan niya ang dalaga.

Ngumiti lamang sa kanya ang dalaga. Pero ang epekto nun kay Alexander ay matindi. Lumalakas ang kabog ng dibdib niya at parang may kakaibang paglipad ng kung ano sa kanyang tiyan. Pag-ibig nga naman talaga.

"Oh, malapit na tayo, oh," saad ni Anna.

Tumango si Alexander.

Itinigil ni Alexander ang sasakyan sa tapat ng gate nila Anna.

"Salamat sa paghatid ,ah" nakangiting saad ni Anna.

"Walang anuman. Sa sabado, ha?" Nakangiting pagpapa-alala ni Alexander.

Tumango si Anna at tinanggal ang kanyang seatbelt. Kaso hindi niya natanggal.

Nakahanap ng pagkakataon si Alex at tinanggal agad ang kanya habang natatawa na parang natural lang. "Ako na."

Tumango ulit si Anna na pinapayagan ang lalaki.

Lumapit si Alexander at amoy na amoy niya ang pabango ni Anna. Nakakapanghina ng katawan...

Ngunit kailangang hindi niya ipahalata.

××××××

Pakiramdam ni Anna ay pumunta ang dugo niya sa mukha fahil nag-iinit ito.

Paano naman kasi. Ang napakalapit ng binata sa kanya. Ang pabango nito malamig sa ilong ay dinadala siya sa kalangitan. Ang nararamdaman niya ang paghinga n Alexander sa gilid ng mukha niya.

Parang slowmotion.

At nakadama siya nh disappointment nang lumayo na ang binata.

"Ayan," saad nito.

Nagpawala ng hininga si Anna na meron pala siya.

"Sa-salamat."

"Ayos ka lang? Namumula ka."

Nanlaki ang mata ni Anna at humawak sa pisngi.

Tumawa naman ang binata. "Ang kyut mo. Haha, pagbuksan lang kita."

Hindi na nagsalita si Anna at inantay na buksan ni Alexander ang pinto niya.

Nag-alay naman ng espasyo ang binata para daanan niya. Sa layo ng binata ay hindi niya na nagawang amuyin ng lubos ang pabango nito.

Ang landi mo, Anna! Ano nanaman bang pinag-iisip mo diyan? Mas matanda iyan ng dalawang taon! Kuya mo yan. Kuya.

Saway ni Anna sa sarili.

"God bless sa reviews," sabi ni Alexander at tinungo ang driver's seat.

"God bless sa trabaho." Ganting paalam ni Anna.

Bago nga lang naka pasok si Alexander sa sasakyan ay lumabas mula sa gate ang ina ni Anna.

"Magandang hapon po," bati ni Alexander at tumango.

"Sa iyo din, hijo."

"Ikaw ba si Alexander?" Dugtong ng nakakatanda.

Nagtaka si Alexander pero tinango niya ang kanyang pag-ayon.

Lumiwanag ang mukha ng matanda. "Kung gayon, ikaw ang nagligtas sa aking anak at kanyang mga kaibigan nung nakaraan? Aba, maari ba kitang imbitahan upang maghapunan sa amin? Tutal ay malapit lang ang iyong uuwian," yaya ng nakakatanda.

××××××××××

Sa loob loob ni Alexander ay nagtatatalon na siya sa tuwa. Parang bata man ang pag-iisip na iyon ngunit hindi na maiiwasan sapagkat napakasaya niya.

Nahihigitan ang kanyang inaasahan matapos ang pangyayaring iyon.

Akala niya ay si Anna lang mapapalapit sa kanya. Ngunit mali pala.

"Naku, maraming salamat po. Bakit naman po hindi!"

Ito na ang pagkakataon ko para mapasa akin si Anna nang walang halos pamimilit.

÷×÷×÷×÷×÷×÷×

Nagustuhan niyo ba? Ito na po muna ang UD ko sa ngayon. Maraming salamat sa pagbabasa! ^_^

Comment and vote =D

Feedbacks are recommended para masaya, hehe.

LOVE LOTS ! ♥

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon