PangAnim na Yugto

11.2K 244 19
                                    

Nagliligpit na ng mga gamit ang lahat dahil uwian na.

Nang tumayo ako habang inaayos ang aking backpack ay lumapit si Julia sa akin. Nakikita kong nagdadalawang isip pa siya kung lalapit o hindi dahil halos sunggaban niya na ako kaninang umaga nang dahil lang sa kuwintas.

Nakakapanibago nga dahil hindi naman ganito si Julia. Napaka outspoken niya sa mga bagay lalo na sa naramdaman niya kaya hindi ko talaga maisip na magiging ganito siya sa akin.

"Anna," mahinang tawag niya.

Hinarap ko siya at nginitian. "Julia. Lika na?"

Tiningala niya ako at nakikita ko ang guiltsa mga mata niya. "Sorry talaga, Anna, ha," paghingi niya ng umanhin. Tumango lamang ako at inakbayan siya."Napaka babaw lang nun, Julia. Huwag kang mag-alala."

Paglabas namin ng building ay nagkuwekuwentuhan na kami na para bang walang naganap. Natigil ang aming tawanan nang may humarang sa aming dinadaanan. "Hi, Anna," saad nito.

Sa pagtingala ko ay nakita ko si Carlo. Wala sa loob na napangiti ako sa kanya. "Carlo."

Malawak ang ngiti niya sa akin. Naramdaman ko ang pasimpleng pagsiko ni Julia sa akin. Alam kong inaasar nanaman niya ako pero parang wala na akong pakialam pa kung ganun man.

"Uhm, puwedi ko ba kayong sabayan sa pag-uwi?"

Nanlaki ang mata ko. Si Carlo, makikisabay?

Matagal ko siyang natitigan dahil sa gulat.

Sino bang hindi, di ba?

"Ahem, mukhang kayo nalang. May sundo kasi ako, eh."

Napatingin agad ako kay Julia. Iiwan niya ako kasama si Carlo?

"Ah, ganun ba?"

"Eh, Anna, puwedi ba akong makisabay sa'yo?"

Binalingan ko si Carlo at nakatingin siya sa akin. Kung hindi ako naduduling ay tila umaasa siyang oo ang isasagot ko.

"Babye, Anna. See you bukas, friend!"

Bago pa ako naka angal ay nakalayo na si Julia. Nakaramdam ako ng pagkailang nang maiwan na kaming dalawa. "Ahm, lika na, Anna."

Tiningala ko siya at ngumiti lang.

Nang makalabas kami ng campus ay may ilang nagsilingunang estudyante sa amin.

Napatungo tuloy ako. Hindi na nakakapagtaka ang ganitong reaksyon. Sikat na ang kaguwapuhan ni Carlo rito sa amin.

"Bakit ka naman nakikisabay pauwi, Carlo?"

Papunta na kami sa paradahan ng dyep nang tanungin ko siya. May ilan kaming kasabay na mga kaklase at nakatingin din sila sa akin.

Binalingan ako ni Carlo na nasa kanan ko at nginitian. "Hmmm... di ko alam," sagot niya at kumibit balikat.

Napakunot tuloy ako ng noo. "Di mo alam...?"

Nang inulit ko ang kanyang sinabi ay puno ako ng pagtataka at gulat. Trip trip lang, ganun?

Tumawa siya at ikinagulat ko naman iyon.. bakit naman siya tumawa?

"Hayaan mo na nga," saad niya at tumingin sa malayo.

"Basta gusto lang kitang makasabay ngayon. Malay mo maging magkaibigan tayo..."

Natameme nalang ako sa sinabi niya.

Gusto niyang makipagkaibigan sa akin?

"Sakay na! Sakay na!!"

Pinapasok na kami ng barker sa isang dyep.

Nang makaupo kami ay napatingin ako kay Carlo na nasa kanan ko pa rin.

Seryoso ba siya?

Biglang humarap siya sa akin kaya lumingon ako agad sa kung san. "Nagtataka ka pa rin ba kung bakit ako nakisabay?"

Dahan dahan ko siyang hinarap. Nakatungo akong tumingin sa kanya dahil sa hiyabat ilang.

"Alam mo, Anna. Gusto ko lang makipagkaibigan. Agaran man o biglaan, gusto lang kitang makilala," saad niyang pinapantay ang aking tingin. Alam kong mahirap para sa kanya dahil na rin matangkad siya.

Tumango nalang ako.

Habang nasa dyep ay nagkaroon kami ng kaunting kuwentuhan. Pakikipagkilala sa sarili o simpleng kuwentuhan tungkol sa klase.

Nang makarating na sa kanto namin ay nakibaba na rin si Carlo.

Sabi ko na ngang wag na pero pinilit niya dahil sa kaya niya pa namang umuwe sa kanila bago mag gabi.

Nagtatawanan pa kami nang makarating kami sa tapat ng gate.

"Salamat sa paghatid, Carlo."

Nginitian niya ako ng malawak at tinanguhan. "Wala iyon. Ayos ka palang kasama, eh" Nagulat ako nang kinindatan niya ako.

"Sa susunod uli, Anna. Magkaibigan na naman tayo, di ba?"

Tumango ako at nginitian ko siya ng matamis.

"Bye!"

Iwinagayway niya lang ang kamay habang papalayo. Pumasok na ako ng gate na may malawak na ngiti.

Ngunit nang marating ko ang pinto ay nakaramdam ako ng kakaibang lamig sa katawan.

Lumingon ako sa kung san at kung hindi ako nagkakamali....

Nanunuod siya....

-/-/-/-/-/-

Author's Note:

Sorry kung maikli lang siya, guys. Wala pa kasi akong maisunod kaya ito na muna. Hope to have the next chapter longer. Thanks for waiting!

KEEP VOTING GUYS, ^_^

Sorry talaga sa kaiklian,,, i thought this was better than not uploading...

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon