Yugto XLV

3.2K 61 7
                                        

Nang marinig ang mga salitang iyon ay natulala na lamang si Anna. Hindi niya alam kung paano ilalayo ang sarili sa kaguluhan na kinaroroonan niya.


Napakagulo nito.


"Nagulat ka?"


Napa-iling si Carlo sa itinanong niya. "Ano pa pala kapag nalaman mo kung sino talaga ako," tinignan niya si Anna sa mata. "-bestfriend?"


Mark?


Nawala sa isip ni Anna ang gulat nang makarinig nang mga putok mula sa labas ng malawak na kuwarto. Ibinaling niya sa paligid ang kanyang mga mata. Napangisi lang si Carlo/Mark.


"Mukhang nakapasok na ang Knight-in-Shining-Armor mo."


Lumayo si Carlo sa kanya at tinungo ang kanyang upuan sa tabi ng dalaga. Si Amanda naman ay naiwang gulo ang isip at natataranta. Ang nasa isip niya ay nakapukos sa kanyang asawa na hindi alam kong iniwan bang buhay.


At isa pa'y sa kanyang anak na ngayo'y nanginginig sa kanyang inuupuan habang nakatingin sa malawak na pinto kung san sa kabila ay hindi nila tiyak kung ano ang nagaganap.

~~~~~~


Hingal na si Alexander sa pakikipaglaban. Hindi niya pansin ang lagkit ng dugo na tumalsik sa kanyang suot o mukha. Ang mahalaga sa kanya ay ang mahanap si Anna sa malawak na mansyon.


Pagpasok niya palang ay napaungol na siya sa inis dahil sa daming kuwarto na makikita sa bawat palapag na makikita sa gilid ng mansyon. Hindi lang iyon dahil sa kanyang kanan at kaliwa ay may mga daanan pang panigurado niya ay mas marami pang kuwarto ang naroroon.


"Infinite, kailangan nating mahanap ang target agad."


Nakatanggap ng mga response si Alexadner mula sa kanyang radyo na nakakabit sa kanyang tenga.


"God, help me," dasal ni Alexander at tinungo ang grand stairs para tunguhin ang pinakadulo ng masnyon.


Oh, please be there, princess. Please, Anna. Call out to me.


Hindi alam ni Alexander kung san talaga maghahanap pero kada yapak ng paa niya ay lumalakas ang tibok ng puso niya.


SA daan naman ay may mga nakaputukan siya, mga nakipagsuntukan at kung ano ano pa. Nakatanggap siya ng ilang palo mula sa mga kahoy na dala ng mga ito pero wala iyon dahil nararamdaman niyang malapit na siya.


Malapit na talaga.

----------


Habang nakikipaglaban si Alexander sa gitna ng buong mansyon ay nakikipagputukan naman ang ama niyang si Alejandro sa likod ng mansyon. Sa edad niyang 46 ay medyo mabagal na siya pero ang paghihiganti niya para sa kanyang pamilya ang nagbibigay lakas sa kanyang lumaban.


Giyera nila ito ni Diego/Alfonso pero pumasok pa ang anak niya at nadamay ang anak niyang si Alexander.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon