Dedicated to : kimpie26
____________________"Kumusta na, bro?" Tanong ni William pagkapasok sa kuwarto ni Aries.
Nilingon siya ng tatlong naroon.
"Okay lang naman. Nanghihina lang," sagot ng nakahiga sa kama.
Binalingan niya ng tingin ang dalagang naka upo malapit sa kama ng kaibigan.
"Ikaw?"
"Ayos ka lang?"
Nanghihinang tumango lamang ang dalaga.
Sa kaba, takot at gutom ng dalaga ay hindi na niya magawang ngumiti. Halatang wala na itong lakas.
"Bibili na muna ako ng makakain mo, Julia. Hinang hina ka, eh."
Hindi na tumugon ang babae sa sinabi ni Draian.
Umalis ang huli at umupo naman si William sa couch na naroon.
"Nasabi mo na ba sa mga magulang mo na narito ka, Julia?"
Biglang naalarma si Julia.
Kinapkap niya ang sarili ngunit natigil nang maalala na wala sa kanya ang gamit at iba ang damit niya.
Naglabas ng cellphone si William at ibinigay sa dalaga.
Maliit na ngiti ng pasasalamat ang itinugon ni Julia at kinuha ito.
Matapos niyang texan ang ina na alam naman nitong abala sa trabaho ay ibinalik niya ito kay William.
"Salamat," halos bulong na saad nito.
"Wala iyon."
"Julia?"
Nilingon niya ang lalaking nakahiga sa kama.
"Hmm?"
"Mas mabuting iuwe ka na nila."
Kumunot ang noo ni Julia sa sinabi ni Aries.
Tinignan niya ito sa mata at nakita niya ang parehong maiitim na matang tumingin sa kanya nung hawak siya ng di makilalang lalaki.
Ngayon lang sila nagkakilala pero kakaiba ang nararamdaman niya kapag napapatingin siya sa mata ng lalaki.
Hindi man alam ni Julia ay ganun rin ang nararamdaman ni Aries. Kakaibang pag-aalala dahil sa itsura ng dalaga.
Daig pa nito ang nagpuyat ng tatlong araw sa katamlayan.
Dapat iniwan na lang nila ang dalaga sa mansyon. Oh, mas mabuti pang inihatid pauwe.
"Kumain ka na, Julia."
napalingon si Julia sa kararating na si Draian at may hawak na supot.
"Sapat na muna iyan para sa kumakalam mong tiyan. Pagtapos mo, kailangan na kitang ihatid dahil baka mag-alala sila sa iyo."
Tumango si Julia at tinanggap ang supot.
________________
Pagtapos kumain ng dalaga ay sinilayan niyang muli si Aries. "Pasensya na kung ako ang nagdulot para mapahamak ka..."
Umiling si Aries.
"Nangyari na. Ipahinga mo nalang."
Napatungo ang dalaga at sinundan ang maghahatid sa kanya na si Draian.
"Ingat..." bulong na lamang ni Aries na tanging siya ang nakakarinig.
××××××××××××××××××××××"Alexander, hijo."
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.