Yugto XIX

5.8K 134 8
                                        

Hindi pa rin umiimik ang ama ni Carlo kaya naisipan ng binata na baka wala itong balak sumagot.

"Ay, kahit hindi nalang po."

Ngunit bago makatalikod si Carlo ay nagsalit ang ama nito.

"Bakit? Ano naman ang kailangan mo sa Dakota na ito?"

Binalingan siya ng anak.

"May nakilala kasi akong Dakota sa may bayan."

Naningkit ang ama niya sa kanyang kalagayan.

"At siya ba ang dahilan ng iyong pagkakabugbog?"

Agad umiling ang binata.

"Hindi po, pa!"

Kumunot ang noo ng ama niya.

"Eh, bakit bugbog ka? Hindi ka naman nakikipagbasag-ulo."

"Nagkataong narun kasi siya nung diskitahan ng isang lalaki ang kasama kong mga babae." Pagsisinungaling nito.

Hindi naman napagdiskitahan ang mga kasama niya, di ba? Sumipsip lang talaga si Carlo?

"Anong pangalan ng Dakota na ito?"

Umupo na ang nakakatanda sa mala trono niyang upuan sa likod ng isang matibay at may kalawakang mesa na yari pa sa punong narra.

"Sa pagkaka alala ko ay Alexander."

Pinatong ng nakakatandang Mendoza ang mga siko niya sa kanyang mesa at tinanaw ang bintana sa kinatayuan niya kanina lang.

Alexander Dakota? Hmph! Mukhang nahanap na pala ng tarantadong iyon ang kanyang nawawalang anak. Pero paano nangyari iyon? Ang sabi naman ng tauhan ko ay patay na ang mag-ina?

"Pa...pa?"

Bumalik ang kanyang atensyon sa anak niya.

"Hmmm... saka na muna natin ito pag-usapan, hijo. Magpagaling ka sa kuwarto mo."

Mabibigat na hakbang ang ginawa ni Carlo palabas ng opisina ng ama.

Akala niya ay may makukuha siyang impormasyon mula sa matanda. Mukhang nagkamali siya.

Kailangan niyang kilalanin ng mag-isa ang Alexander Dakota na ito.

Nakapasok na si Carlo sa kanyang walang nakakapukaw atensyon na kuwarto at nilapag lang ang napaka gaang bag.

Hindi niya agad mapupuntahan ang dalaga dahil sa kalagayan niya. Masyadong bugbog ang katawan niya para makalayo pa.

Mula sa malapad na pader ng kanyang silid ay may hinila siyang tali sa gilid.

Nang hilain niya ito ay gumulong pababa ang nakarolyong malaking tarp kung san tinatago niya ang kanyabg mga kayamanan....

Ang mga litrato ni Anna ...

-/-/-/-/-/

Tinapos ko nalang muna diyan kasi iniisip ko pa iyong susunod. Kaso dalawang araw na kasi akong hindi nang UD kaya ito na muna.

Hindi naman kasi gumana si WiFi sa pinuntuhan namin... tuloy poknat, wiz akong nasulat =(

Kapagod! Sana nagustuhan niyo ang short na UD ko =)

Love lots! ♥

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon