Finale

6.5K 99 8
                                    

Kumakabog ang dibdib ni Anna habang naghihintay sa likod ng kurtina. Sabi kasi ng mama niya ay nasa taas siya ng grand staircase at kinurtinahan nila ito para sa paglabas niya.

Wala naman sana kay Anna iyon kaso kinakabahan siya. Napakaraming tao sa labas, dinig niya iyon.

Ngunit, andoon kaya ang taong hinahanap niya? O baka pinapa-asa lang siya ni Adien?

"Let us welcome our celebrant, Miss Anna Molina!"

Matapos ang announcement na iyon ay bumukas ang kurtina at may spotlight na tumutok sa kanya.

Saglit siyang napapikit sa liwanag. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa ibaba. Halos mga kaklasi niya at guro ang naroroon. May mga pinsan at kamag-anak din siya sa baba.

Mula sa gilid niya ay may lumabas na lalaking nakamaskara. Maging naman si Anna ay suot ang puti niyang maskara.

Siguro ay chaperon niya ang lalaki dahil inalay nito ang braso niya. Kumapit naman si Anna at lumakas ang kabog ng puso niya. Hindi lamang niya maintindihan kung bakit.

Nginitian na lamang niya ang mga bisita niya para mabawasan ang kaba sa kanyang puso.

Inalis niya ang kanyang kapit sa lalaki nang makababa siya ng hagdan at nakakagulat na biglang nawala sa tabi niya ito.

Hindi na lamang niya iyon pinansin at nakipag-usap siya sa mga bisita.

Napakahaba ng gabi... nagdaan na ang ceremonya para sa debut. Mula kandila, sayaw, at regalo. Ngunit wala pang "certain person" na nagkabit ng kuwintas sa kanyang leeg. Hanggang ngayon ay hawak-hawak niya pa rin ito.

Siguro nga ay hindi na darating ang kanyang hinihintay. Sapat na ang inisip niya para mawalan siya ng gana.

Nagsasayawan ang mga bisita at si Anna ay isinasayaw ng kanyang ama. "Hindi ka ba masaya?"

Tiningala siya ni Anna. "Masaya po."

"May hinahanap ka ba?"

Ngumiti lang siya ng tipid saka umiling. "Ayoko nang maghanap kung wala naman siya..."

"Anak, bakit ka ba kasi maghahanap ng meron? Kaya ka nga naghahanap kasi wala, di ba?"

"Papa, naman." Mahinang tinapik ni Anna sa dibdib ang ama. "Nagbibiro ka pa, eh."

"Tama naman ako, ah? Saka, anak. Hindi mo na kailangang maghanap. Dahil siya ang maghahanap sa iyo. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay."

Tumango si Anna at niyakap niya ang kanyang ama.

Nagulat naman sila nang biglang namatay ang ilaw.

"Pa? Anong nangyayari? Kasama ba ito?"

Walang makita si Anna sa kadiliman. Lalo siyang natakot dahil hindi sumasagot ang papa niya. Tahimik rin ang paligid. Naramdaman nalang niya na nawawala sa kanyang bisig ang ama.

May malawak na espasyo na nakapaligid kay Anna. Wala siyang makapa.

Nasilaw si Anna sa spotlight na dumapo sa kinatatayuan niya. Wala pa rin siyang makita.

"Ano pong nangyayari?" Malakas na tanong niya ngunit walanh sumagot.

Nakarinig nalamang siya ng musika sa paligid.

"Princess?"

Lumingon si Anna sa pinanggagalingan ng boses. Sa likod siya ay may pares ng paa ng lalaki na na-iilawan.

"A-Alex? I-ikaw ba iyan?"

Naglakad palapit ang lalaki sa liwanag at lumantad sa kanya ang lalaking nag-escort sa kanya pababa ng hagdan.

Nakamaskara pa rin ito ngunit ang tanging nakikita ni Anna ay ang mga mata nito.

"Alexander?"

Lumapit si Anna sa lalaki ngunit ang mga kamay niya ay nabitin sa ere dahil namuo ang luha sa kanyang mga mata.

"Kung ikaw iyan, magpakita ka. Huwag mong itago ang mukha mo..."

Inalis ni Anna ang sarili niyang maskara at tinapon sa tabi. Kitang kita na ang basa niyang mata at ang luha niya ay tumulo sa pisngi.

Ini-angat lang ng lalaki ang kanyang palad na parang may hinihingi. Nalito pa si Anna pero inilabas niya ang kuwintas sa loob ng glove niya. Ini-abot niya ito sa lalaki.

Inikutan siya ng lalaki at hinawi nito ang kanyang buhok sa likod.

Lumapat sa kanyang leeg ang kuwintas nang ikabit ito ng lalaki.

Hinawakan ni Anna ang pendant.

"I love you, Anna. I really do," bulong ng lalaki sa kanyang tenga.

Nilingon siya ni Anna at mahigpit na niyakap.

"kailangan bang kabahan ako at malungkot ako bago ka magpakita? Alam mo bang namiss kita? Ang tagal kitang hindi nakita. Nakaalala na ako pero ni minsan hindi mo ako binisita. Balak mo ba talaga akong paasahin, ha? Namiss kita ng sobra tapos ngayon ka lang magpapakita!"

Humahagulgol na si Anna sa dibdib ng lalaki habang niyayakap niya ito. Inalis ng lalaki ang kanyang maskara at tinapon din ito sa tabi. Ginantihan niya ng yakap ang babae at siniksik lalo ni Anna ang mukha sa dibdib ng lalaki.

"I'm sorry, princess. I'm so sorry."

Inilayo ni Anna ang mukha at tiningala ang binata. Nakita niya ang mukha ng kanyang iniibig kaya lalo siyang naiyak.

"Sorry ka ng sorry! Alam mo bang pinatawad na kita simula pa noon? Naaalala ko ang mga mata mo nung una pa tayong nagkita pero ang tanging kasalanan mo lang naman ay nung nagsinungaling ka!"

Hinawakan ni Alex ang pisngi ng dalaga.

"Hindi lang naman iyon. Hindi kita nabantayan ng maigi kaya napapahamak ka. Nasaktan ka dahil hindi kita naililigtas agad. Sa-"

"Tama na, Alex. Ang mahalaga andoon ka kapag nangangailangan ako. Ang mahalaga iniligtas mo ako mula kay Mark. Saka mahal na mahal kitang loko ka, alam mo ba iyon?! Mahal na mahal!"

Ngumiti si Alex at mabilis na hinalikan ang dalaga.

Sa paligid naman nila ay nakatago ang iba pang bisita. Ang ina ni Anna na nanunuod ay muntim pang magsalita kung hindi lang tinakpan ng kanyang asawa ang bibig nito.

Ngiting ngiti naman si Richard habang pinapanuod ang maligaya nilang dalaga.

Sa taas naman ay tahimik na ngumingiti si William. Sa wakas, masaya na rin si Alex.

________

Nagliwanag naman sa buong hall at nagpalakpakan ang mga bisita. Nahulog pa ang mga balloons na nakatago pala sa malaking net sa itaas.

Ang saya saya ni Anna habang kasayaw at kasamang tumatawa ang minamahal niya.

Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nakilala niya lang sa ilalim ng ulan at ang lalaking minahal niya matapos ang gabing iyon ay ang siyang nagmamahal sa kanya ngayon.

"You're my obsession."

Nagtitigan sila at ngumiti si Anna sa sinabi ni Alexander. "At simula ngayon, you're my posession. Are you alright with that?"

Tumango si Anna.

"I wouldn't mind."

They sealed the promised with a kiss.

Sinilang na ang magjowang obsessed at posessive sa isa't isa. Who could break them?

______________
SOOOO.......! Kung sabihin kong tapos na ang story, magrereklamo ba kayo?

Haha, well, do I need an epilogue? ANYWAYS, may mga mistakes ako sa timeframes at mapapansin niyo iyon kapag sharp ang isip niyo while reading.

Tinatamad lang akong alahanin kung saang part but they are everywhere!

Anyways, mag-e-edit nalang ako kapag mabasa ko ulit ito. =D. Mag-iisip ako ng magandang conclusion para sa story.

Siguro pasilip kung paano na sila bilang magnobyo. Haha. ^^,

LOVE LOTS! ♥

**I hate editing, huhu**

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon