Bunos II

4.6K 79 10
                                    

Ginising ng nakangiting binata ang umiidlip na dalaga.

"Mahal, gising na."

Lalo lamang ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata at saka gumilid pa patalikod sa binata.

Natawa ang binata at kiniliti ang minamahal sa kanyang tagiliran.

"Waah!!!"

Agad namang gumising ang dalaga at yumakap siya sa kanyang tagiliran upang pigilan ang pangingiliti ng binata.

"A-alexander... tama na!"

Tawa lang ng tawa si Alexander ngunit napapaluha naman na sa kakatawa si Anna sa pangingiliti ng kanyang kasintahan.

"Gumising ka na kasi."

"Oo na!"

Tinigilan ni Alexander ang pangingiliti. "Kung hindi ka pa nagising malamang hindi mo na makikita ang pinakamagandang view."

Kumunot ang noo ni Anna. "Saan?"

Ngumisi si Alexander. "Ito na, oh. Nakikita mo na," pagmamayabang ni Alexander habang iprenipresenta ang kanyang mukha at dibdib.

Natawa nalang si Anna. "Kailan ka pa natutong magbiro?"

Kumibit-balikat ang lalaki. "Siguro noong nagmahalan na tayo."

Mahinang tinapik ni Anna ang balikat ng lalaki. "Tse."

Hinawakan ni Alexander ang kamay niya. "Pero seryoso, may gusto akong ipakita sa iyo."

Mula sa sofa ay hinila ni Alexander patayo ang dalaga at dinala ito patungo sa kabilang kuwarto kung saan may malawak na glass wall.

Mula sa malawak na glass wall ay pumapasok ang kulay kahel na liwanag ng paglubog ng araw sa dulo ng tila walang hanggang dagat.

"A-ang ganda," mahinang paghangang bulong ng dalaga.

Tumayo sila isang dipa malayo lamang sa salamin.

"Totoo. But I find it more beautiful with I am with you."

Namula si Anna at hindi makatingin sa binata.

"Ume-english ka pa," nahihiyang sagot lang ni Anna.

Napangiti tuloy si Alexander at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Anna.

"Pasensya na kung corny, Anna. Paano naman kasi, ang tagal-tagal kong naghintay at nagtyaga para lang tumuntong tayo sa ganitong sitwasyon. Iyong magkahawak ang ating mga kamay. Iyong kaharap kita at may napakagandang liwanag na nagpapatingkad sa iyong buhok at mga ngiti."

Sa pagkakataong ito ay inangat ni Anna ang kanyang ulo at tumingala sa mga mata ni Alexander na matagal niya nang kinahuhumalingan.

"Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung anong meron ako at minahal mo ako. Ganoon rin kung bakit maging si  Ca-"

"Mahal kita dahil ikaw ang nagbigay sa akin ng dahilan para mabuhay," pagputol ni Alexander sa pagbabalik tanaw ng kanyang sinisinta. Ayaw niyang alahanin ng dalaga ang masalimuot na nakaraan niya nang dahil kay Carlo.

Kinuha ni Alexander ang isa pang kamay ni Anna at hinarap niya ang dalaga sa kanya.

"Anna, naalala mo pa naman noong una tayong nagkita, di ba?'

Tumango ang dalaga.

"Tanda mo pa kung anong naging mga kuwento ko sa iyo?"

Tumango itong muli.

"Nung umalis ka noong gabing iyon, nakalimutan ko ang mga hinagpis ko na dahil sa mga babaeng iyon. Napalitan ng damdaming mas humigit sa naramdaman ko sa ibang babae."

Namumula nanaman si Anna.

Ngumiti si Alexander.

"Mahal na mahal kita, Anna, kasi kaka-iba ka, eh. Kahit pa sa mga mata mo ay ordinaryo ka lang, sa mga mata ko, ikaw na iyong dahilan ko para magpatuloy."

Binitiwan ni Alexander ang mga kamay ni Anna at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Noong gabing iyon, lumubog ang araw dahil sa pagtatapos ng masalimuot kong nakaraan. Pero ang mahalin ka ang nagbigay sa akin ng bagong bukas na haharapin muli. But unlike that night, I will never let you go."

Pumikit si Anna at ini-angat niya ang kanyang mga kamay upang yakapin rin ang kanyang minamahal.

"Salamat kasi minamahal mo ako. Huwag kang mag-alala, ikaw rin naman ang sunrise ko. Ikaw ang bagong yugto ng buhay ko na hinding-hindi ko tatapusin."

---note. ito po ang official na end chapter. Na-publish iyong draft ko kanina. Sorry po hehehe. Peace

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon