Pang Labing Apat na Yugto-His

6.6K 165 8
                                    

Matagal na nagtitigan ang  dalawang lalaki.

Takot sa nagdududa...

May galit sa may pag-asa ..

Sa huli ang nagsalita ang nakakatanda.

"At sino naman ang ama mo?"

Nabigla ang binata sa tanong nito. Hindi kaya'y sinusubukan siya kung sino nga siya o...

Sinisigurado niyang siya ang anak nito?

"Minsan lamang sinambit ng aking ina ang kanyang pangalan. Hindi ako nagkakamaling ang pangalan niya ay Alejandro Dakota...

Sapagkat nang sabihin niya iyon ay iniwan niya na ako..."

Nagkasalubong ang kilay ni Alejandro sa sinabi ng binata..

Iniwan siya??

"At bakit naman? Kailan? Ano pa ang kanyang sinabi? Paano mo nasisiguradong ako ang Alejandro na tinutukoy mo?"

Tumungo ang binata. Hindi na niya naiisip na siya ay ginagawang bilanggo.. ang mahalaga ay malaman na niya ang totoo.

"Hindi ko alam sa kanya. Basta't ang sabi niya ay hindi ako maililigtas kung nasa puder niya ako. At kung sa pagturing ko sa iyo bilang ang binabanggit ni inay... ay naka ayon na po kung kilala niyo ang aking ina at may namamagitan sa inyo..."

Nangibabaw ang katahimikan sa kuwarto.

"Kilala ko nga si Cynthia Romero... higit sa kakilala," basag ni Alejandro sa nakakabinging katahimikan.

Inangat ng binata ang kanyang tingin.. masyado pang maaga para umasa pero nakinig siya.

"Asawa ko si Cynthia. Siya ang babaeng minahal ko ng sobra. Siya ang babaeng inalayan ko ng ginto at kayamanan... ngunit bigla na lamang niya akong iniwan..." nabalot ng lungkot ang boses ng nakakatanda.

Halos hindi na makita ng binata ang lalaking mabangis na nakilala niya.

"Hindi ko malaman kung bakit. Nakakapagduda sapagkat napakasaya namin... lalo pa't magkaka anak pa kami."

Nagkatitigan sila. Kung gayon... si Alejandro nga ba ang ama niya?

"Pinasundan ko siya... pero nakakatakas lagi. Hanggang sa nalaman ko ang dahilan ng paglayas niya. May nanakot sa kanya... may nagtatangka sa kanya."

Bumabalik na ang lamig at galit sa boses niya. "Kapag talaga nalaman ko kung sino ang gumawa sa asawa ko nun, babaon ang bala sa ulo niya."

"Kung gayon po ba... ka-kayo po ang tatay ko? A-at hindi totoong iniwan mo kami?"

Lumapit si Alejandro sa binata at lumuhod. Hinawakan niya sa balikat ang binata...

Sa unang pagkakataon ay biglang ngumiti ang nakatatanda. "Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko? Kaya pala... kaya pala nakuha mo ang mata ng aking magandang asawa... dahil anak ka niya. At ngayon... tunay ngang anak kita."

-//-//-//-
Tinanggal ni Alejandro ang pagkakagapos ng binata sa upuan at tinawag ang isang tauhan upang ipagamot ito.

Nagulat pa ang nautusan ngunit hindi ito nagsalita. Takot nalang niya sa kanyang amo.

"Bago ka sumama... gusto kong malaman, binata. Ano ang iyong ngalan?"

Nilingon siya ng binata at ngumiti...

"Ako po si Alexander... itay."

-//-//-//

Ayan!! Knows niyo na si stalker. Name... history... xD

Bunos na mga itey .. baka mapause muna kay Anna... pagbibigyan ko po ang mga takang taka na kay mister stalker ^_^ .

VOTE
COMMENT

Sana nagustuhan ninyo ang napaka ikli kong update >

>>Alexander sa taas =P hehe like ko ang eyes eh *0*

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon