Dedicated to: @misamikotowa23
________________________*kriing kriing*
Hinugot ni Richard and cellphone nito sa bulsa. Isang unknown number ang tumatawag sa kanya.
"Hello?" Bati niya sa kabilanh linya.
"Mr. Richard Molina?" Anang nasa kabilang linya.
"Ito nga. Sino ito?"
"Kabarkada po ni Alexander ito. Kailangan niyo pong pumunta sa ospital na itetext ko. Narito po si Anna."
"Ano? Anong nangyari sa anak ko??"
Nakuha ng lalaki ang atensyon ng ilang kasamahang pulis sa opisina.
"Pumunta nalang po kayo. Bye po."
Pinatay ng nasa kabila ang linya at napatingin nalang ang matanda sa kanyang cellphone.
Agad siyang tumayo sa kinauupuan at kinuha ang jacket.
"Maecelo, kaw na bahala rito."
Hindi na nagkarun ng pagkakataong magtanong ang natawag dahil agad lumabas ang nagmamadaling ama ni Anna.
Umiling na lamang ang naiwang mamamahala.
Mag-ingat ka, Molina.
__________________Sa kabilang dako naman ay nagwawala ang lalaking may pakana sa pagdukot kay Anna.
Anak ng sandaang tanga! Napakalayo na nga ni Anna, nahanap pa niya!
At nakakainis! May mga baril naman ang mga hunghang na iyon, pero taob sila! Buwisit! Buwisit!
Maraming basag na botilya at mga mamahaling gamit sa kuwarto ng lalaki. Ang mga kamao niya rin ay dumudugo sa lakas ng pagsuntok niya sa pader.
Hinarap niya ang salamin.
Ano bang wala ako? Ano bang wala ako at hindi ako magawang ngitian ni Anna ng ganun? Ano bang meron ang punyetang Alexander na iyon at gumaan agad ang loob niya!
Hindi ba niya makita na ako iyong bestfriend niya dati? Hindi niya ba maramdaman sa akin? Wala na ba iyong sinasabi niyang makikilala niya ako kahit pa maghiwalay kami ng kay tagal?
Sinuntok niya ito nang dahil sa galit at inis.
Dumaloy muli ang dugo sa kanyang kamao.
Napakasama ng tingin niya sa basag na salamin.
Kita niya ang mukha sa mga crack ng salamin.
Pinapangako ko. Akin si Anna. Akin siya. At si Alexander...? Hmph. Papatunayan kong wala siyang karapatan sa iyo. Dahil ako? Ako ang nauna!
_______________________Humihingal na nakarating ang ama ni Anna. Dineretso niya ang nurse station.
"Sa-saan ang kuwarto ni- ni Anna Molina?"
"Mr. Richard?"
Lumingon naman ang nakakatanda sa isang binata na tumawag sa kanya.
"Ako si Adien. Ako ang tumawag sa inyo. Dito po, sir."
Tumango na lamang ang nakakatandang Molina at sumunod rito.
Lumantad sa kanya ay ang anak nitong nakahiga sa kama at ang binatang si Alexander ay naka upo sa tabi ng dalaga. Hindi natutulog, bagkus ay talagang minamanmanan ang mahimbing na dalaga.
"Anna-"
"Shhh...." saway agad ng binata.
"Alexander, anong nangyari sa anak ko?" Nag-aalala ngunit mahigpit ang boses at matalim ang mata sa binata.
Hindi humarap ang binata.
Tumayo ito.
"Nadukot si Anna."
Susugod na sana ang matanda pero pinigilan siya ni Adien.
"Anong-? Eh, bakit hindi mo pina alam! Edi sana rumispundi kami!"
Nilingon siya ni Alexander.
"Pasensya na, tito. Ngunit nagkarun na kami ng lead kaya't hindi na kami nag atubiling sumugod. Napakalayo ng pinahdalhan sa kanya. At kung inantay pa po namin kayo-"
Huminga ng malalim si Alexander.
"MAgpasalamat na lang po tayo na ligtas si Anna, tito."
Kumalma si Richard. "Kailan?"
"Kailan siya nadakip?"
"Ang sabi ni Julia ay nang magsimula ang basketball game sa kanila. Ito ay nasa dakong alas tres. May nagpapunta sa kanila sa parking lot at drinuga."
Nakinig lamang ang matanda.
Nagpatuloy si Alexander.
"Sakto po kasing balak kong sunduin si Anna gaya nang pinagpaalam ko kaya nalaman ko. Kaso iyon ay isang oras na pagitan dahil inantay ko pa po at naghanap."
Tumango si Richard.
"Salamat, hijo. Pero gusto kong malaman. Nahuli mo ba sila?"
"Malalaman ko pa po iyon sa mga kasama kong naiwan roon..."
Tumahimik sa kuwarto.
_____________________
Muli, patawad sa maikling UD.
Bukas! Kapag di na busy. =D.
May pahabol silang papagawa eh. Haha. ^_^
LOVE LOTS!
P.S .
Music suggestions for each chapter?
Vote. Comment. =D
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.