Dedicated to: Jeanthirdmae
*patawad sa nahuling UD ko. Para sa inyo ito.
--------------
Hindi makapaniwala ang apat na lalaki na ang kaharap nila ay ang lalaking nagngangalang Alexander Dakota.
Kinakabahang ngumisi ang lider nila. "Imposible naman ata iyan."
Naghahamong ngumisi rin naman si Alexander. "Bakit naman?"
"Kasi- Kasi kung tutuusin ay mas matangkad ka! At-at... Ang katawan mo ay mas payat."
Umiling si Alexander at inilayo ang kanyang sarili sa apat. Hinarap niya ang pulis na kasama nila. "Sinasabi ko na. Ginagamit ng tunay na may pakana ang pangalan ko para lang siraan ako kay Anna."
Kumunot ang noo ng pulis at saka pinagkrus ang kamay sa kanyang dibdib. "At bakit naman niya iyon gagawin?"
Saglit na nanahimik si Alexander. Dapat nga ba niyang aminin ang kanyang relasyon sa dalaga para lang masagot ang pulis?
"Boss, negosyante itong kaibigan ko. Hindi man ganoon kakilala dito dahil sa dulo ng bansa ang kinaroroonan ng pamilya nila." Lihim na nagpasalamat si Alexander sa kaibigang si Adien na sumagot na sa tanong ng pulis. Pero nang tignan niya ang pulis ay hindi pa ito sapat na sagot.
"Eh, bakit ang anak ni Molina ang dinukot nila? Ano bang koneksyon mo kay Anna?"
"Boss-"
Natigil si Adien sa pagsagot dahil sinamaan siya ng tingin ng pulis. "Hayaan mo na siya ang sumagot. Hindi naman siguro siya bingi para hindi niya marinig ang tanong ko na para sa kanya, di ba?"
Pinaloob ni Adien ang mga labi sa loob ng bibig saka tumingin sa ibaba. "Samahan mo na nga ang kaibigan mo sa labas," dugtong pa ng nakakatandang pulis.
Tumango-tango nalang si Adien at lumabas.
Bumalik ang tingin ng pulis kay Alexander. "Anong koneksyon ni Anna sa may pakana at sa iyo? Bakit siya ang dinukot?"
Huminga ng malalim si Alexander at saka bumuntong hininga.
"Nakilala ko lang si Anna nung binubugbog ang kaibigan niyang si Carlo noong nakaraan lang. Nahatid ko na siya ng ilang beses sa kanila at kagabi nga ay naimbitahan pa akong makihapunan sa kanilang tahanan. Kung nakita iyon ng may pakana ay paniguradong si Anna ang kanyang gagamitin dahil baka akala niya, meron kaming relasyon." Mahabang sagot ni Alexander.
Tumango-tango ang pulis at saka binalingan ang apat na nagtitinginan at parang may binabalak pa.
"Kayo diyan."
Natigil ang tinginan ng apat at sa pulis napunta ang kanilang atensyon.
"Magsabi kayo ng totoo nang mabawasbawasan ang parusa niyo, hmm?"
Sa tindi ng titig ng pulis ay mabilis napatango ang mga lalaki.
Mga duwag pala ang mga ito, eh. isip-isip ni Alexander at lumabas na kasama ng pulis.
"Ikaw na bahala na kumuha ng statement nila."
Tumango ang pulis na nasa labas at pumasok.
"Halika, Alexander. May kailangan pa siguro sila sa iyo para mapatunayang inosente ka."
"Sige po."
Pinuntahan nila ang isang opisina na kinaroroonan ng iba pang mga pulis.
Sa dulo ng kuwarto ay makikita si Adien at si Jonas na kinaka-usap ang isang babaeng pulis.
BINABASA MO ANG
Obsessed
Storie d'amoreAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.