Hindi ko maintindihan. Andoon siya... Binulungan pa niya ako...
Pero paano siya nawal bigla? Paanong parang walang nangyari. Hindi naman siguro ako pinaglalaruan ng imahinasyon ko, di ba? Kinausap niya ako, eh.
NArinig ko ang boses niya...
At... tila ba pamilyar sa akin..
Bumuntong hininga ako dahil sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip ng ganitong bagay.
Nangyari na iyon. Hindi ko na siya puweding balikan upang malaman kung sino man ang lalaking iyon. Nakahood siya, eh. Para siyang natural na loner sa kahit saan.
Hindi nakakapagtakang hindi na siya pinansin ng mga estudyante.
"Ano bang iniisip mo, Anna?"
Nagulat ako sa tanong ni Julia sa tabi ko. Lunch na at narito kami sa classroom, kumakain.
TInignan ko siya at nakakunot ang noo niya sa akin. Gusto ko sanang sabihin sa kanya, eh. Kaso, baka makahalata ang lalaking iyon. Nakakatakot, eh. Kung kanina nga ay nagawa nung lalaking iyong na banggahin si Julia sa kung anong dahilan, eh, panu pa kung nalaman niya?
Baka mas malala pa iyon? Baka ikapahamak pa ni Julia.
"Oh, ano na?" tanong niya ulit.
"Uhm, wala... nakakainis lang kasi ung bumunggo sa iyo. Hindi man lang siya nagsorry, ano?" pag aalibi ko.
Mukhang natuon ang pansin niya sa nangyari noong umaga kaya sumungit ang mukha niya. "Tsk. Oo nga! keguwapo guwapo pero walang modo!"
Nakuha ng kanyang sinabi ang aking atensyon. Nakita niya ang mukha nung lalaking iyon? "Na-nakita mo iyong mukha niya?" singit ko sa pagrereklamo niya tungkol sa lalaki.
Tinignan niya ako at tumango. "Hay, alam mo ba? Ang puti niya, eh. Saka halatang napakatikas dahil na rin sa tigas ng dibdib niya nang mabangga niya ako," sagot nito. Lumapit pa siya sa akin. "Saka, alam mo ba? pamilyar pa nga ang mukha niya sa akin, eh."
Naningkit ang aking mata sa sinabi niya. Pati sa kanya ay pamilyar ito. Ngunit para sa akin ay ang boses. Tila narinig ko kasi dati.
"Tsk. Pero baka nagkakamali lang ako. Halos kasi magkakamukha na ang mga guwapo sa paningin ko, eh. Saka, ayoko na siyang isipin. KAhit pa napaka guwapo ng lalaking iyon at matikas, paniguradong masungit at mayabang iyon! Hmph. May pa gangster effect pa ng damit, eh, bubunggobungo lang naman pala ng babae."
Hindi ko na napansin ang ilang sinabi ni Julia dahil natali ang aking isipan sa description na binigay ni Julia. PEro , wala namang tinulong dahil guwapo lang ang sinabi niya.
-8-8-8-8-8-8-8-8-
THIRD PERSON
Malalim ang pag-iisip ni ANna patungkol sa lalaking mysteryoso. Alam niyang siya nga ang lalaking sumusunod at nangmamanman sa kanya.
Pero, isang bagay lamang ang gumugulo sa kanya ngayon. Bakit siya nagparamdam ng ganoong kalapit? Ang kausapin na siya? Ang magpakita sa kanya ng malapitan? Katabi na nga niya, eh..
Napa iling siya sa naiisip. Kailangan niya munang kalimutan ang nangyari. Nagiging dahilan iyon upang malito siya lalo, eh.
Hindi alam ni Anna na habang naguguluhan siya sa nangyayari ay nakangisi naman ang mysteryosong lalaki. Naramdaman na siya ni Anna. Dama na nito ang kanyang presensya ng ganung kalapit.
ALam niyang mas naguguluhan na ito dahil sa biglaang paglapit ngunit mas nagugustuhan na nito ng binata. Ito ang matagal niya nang inasam. Ang magtaka ang dalaga sa kanya. Hindi sa takot kundi kuryusidad lamang.
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.