Dedicated kay: @Danileloveskim
--------------++++++++++++++++Palakad lakad si Carlo sa kanyang kuwarto habang malalim ang pag-iisip.
Sa kanyang pader ay nakalantad ang kanyang minamahal na mga litrato ng kanyang iniirog.
Kanina pa kasi siya nag-iisip kung paano nga ba niya mababawian ang hilaw na sumisipsip sa buhay ng kanyang minamahal.
Kailangan kong maka-isip agad. Hindi pupuweding nakakalamang agad ang lalaking iyon.
Ginulo na niya ang kanyang buhok dahil sa inis.
"AISH!! Kung lamang kilala kita, Dakota. Matagal na kitang pinabagsak!"
Ibinagsak nalamang niya ang sarili sa kama at huminga ng malalim.
"Alexander Dakota... Dakota..."
Umiling siya at hinilamos ang mukha gamit ang kamay. Kinuha niya ang isang unan at isinigaw ang pagkayamot rito.
Tinapon niya iyon matapos sa kabilang bahagi ng kuwarto.
Kakausapin na lamang niya ang ama. Tsk.
Baka may maitulong pa iyon. Sana lang talaga.
Tumayo siya at tinungo ang pinto.
Pagbukas nga lang niya'y nakatayo ang kanyang ama sa kanyang pinto at nag-aakmang kakatok.
"Pa?"
"Anak," saad lamang nito.
"MAy kailangan po ba kayo?" Tanong ni Carlo dahil napakadalang nitong bisitahin siya sa mismong kuwarto niya.
"Papasukin mo muna ako."
Napakagat sa labi ni Carlo. Nakalantad pa kasi ang kanyang pinakanatatangi at baka makita ito ng ama.
"Alam ko ang tinatago mo. Huwag ka nang magpalusot o matakot. May pag-uusapan tayo."
Iyon lamang at ito na ang nagtulak ng pinto ng anak at pumasok.
Walang nagawa si Carlo kaya't sinara na lang niya ang pinto ng kuwarto.
"Pa-paano pong alam niyo?"
Nilingon siya ng ama.
"Wala kang maitatago sa akin. Anak kita at pamamahay ko rin ito."
Hindi kaya'y pinasok ng ama niya ang kuwarto niya dahil narito rin lang naman ang susi sa lahat ng kuwarto ng bahay.
"Pero, labas iyan sa usapan natin ngayon. Umupo ka at mahaba pa ang gabi."
Sumunod naman siya.
Ano bang meron?
×××××××××
Habang nagkakakuwentuhan patungkol sa negosyo ni Alexander ay may kumatok naman.
Agad tumayo si Anna.
"Ako na po ang kukuha."
Sinundan nalang nila ng tingin ang dalaga.
"Ang asawa ko na siguro iyan," nakangiting saad ni Amanda kay Alexander.
"Mukha nga po," sagot ng binata dahil narinig niya ang pagbati ni Anna sa ama nito.
Maya lang ay parehong pumasok ang mag-asa sa hapagkainan.
Humalik ang nakakatandang lalaki sa kanyang asawa at tinignan ang bisita.
"Manliligaw mo, Anna?"
Nanlaki agad ang mata ng dalaga.
"Naku, pa! Hindi po. Siya po si Alexander," pagkakaila agad ni Anna.
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.