Special Chapter

7.5K 169 19
  • Dedicated kay want malaman ang first meet nila
                                    

Umuulan ngunit hindi na nag-abalang maghanap ang lalaki ng masisilungan. Masyado siyang malungkot... pagod... nasasaktan..

Hindi niya mawari kung bakit lahat nalang ng maibigan niya... iniiwan siya. Tinataksilan.

Lahat ng minahal niya... tinapon lang siya.

Madilim sa kalye at tanging mga poste ng ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa kanya. Liwanag na hindi naman niya makapa sa sariling buhay.

Labing anim na taong gulang na ang binata ngunit talo pa ang trienta'y anyos sa dami ng pinagdaanan.

Iniwan siya ng ama sa ina... ang ina naman niya ay iniwan siya sa tiyo... lumipat sa tiya... dinala sa iba't ibang kamag-anak hanggang tinapon lang siya sa kung san..

Pinag-aral niya ang sarili nung katorse pa lamang siya... dahil may mabuting loob na kinuha siya bilang kargador. Oo, katorse palang ngunit mulat na sa kasamaan at kahirapan ng mundo.

Katorse palang ngunit buhat na niya ang daigdig...

Nanginginig na siya sa lamig ngunit binalewala niya iyon... ganun nalang naman parati...

Malamig at mag-isa pa siya. Kahit ilang hikbi naman niya ay walang makakarinig. Walang mangengealam. Dahil wala namang dahilan ang mundo upang mahalin ang tulad niya, eh.

Kita mo nga, maging ang pangatlong nobya ay niloko lang siya! Ginawa niyang magpakatanga sa babaeng nangongolekta lang ng nobyo.

Tumigil siya saglit sa gilid ng kalsada at umupo na lamang sa malamig na semento. Hindi niya na kaya ang lahat ng pagdurusa...

Habang humahagulgol ang binata ay napansin niya ang pagtila ng ulan.

Pero nang tignan niya ang paligid ay umuulan pa rin naman...

Tiningala niya ang taong sumilong sa kanya...

Isang babae... isang babaeng mas bata pa sa kanya kung titignan.

"Kuya... bakit po kayo nagpapaulan? Baka po magkasakit kayo."

Pinunasan ng binata ang basang mukha at tinignan ang inosenteng dalaga na nakatayo sa tabi niya. "Hayaan mo lang ako. Umalis ka na," pagtaboy niya.

Nagmatigas ang dalaga at umiling pa. "Hindi po pwedi un. Dapat po tulungan kita... ayoko pong may umiiyak lalo na sa gitna ng ulan."

Bumuntong hininga ang binata. "Ang kulit mo naman. Bakit ba hindi mo ko iwan, ha? Ang galing niyo namang mang-iwan, ah? Bakit ba di mo ko iwan tulad nilang lahat!!"

Hindi napigilan ng binata ang sakit na nararamdaman niya kaya't nasigawan niya ang dalaga at ngayo'y harapharapang tinitignan ng masama.

Halata naman sa mata ng dalaga na natakot siya ngunit tumayo lang siya run. Binabalik niya lang ang tingin sa binata.

Wala siyang paki alam kung nahulog na rin ang payong niya dahil sa pagtayo ng binata dahil matangkad ito.

Maputi at matikas...

Ang mukha'y namumutla at pinapaligiran ng itim ang mata nitong namumula sa pag-iyak.

Nababasa na rin ang dalaga ngunit ang atensyon niya ay nasa poot at sakit na basang basa sa mata ng binata.

"Kasi, iba ako sa kanila... kung kaya ka nilang iwan... ako, iintindihin kita. Kasi alam kong nasasaktan ka... kasi ayokong may nasasaktan..."

Natahimik ang dalawa at nagkatitigan...

"Sino ka ba? Bakit mo ba ako nilapitan?" Hindi napigilang magtaka ng binata sa paglapit nito.

Ngumiti ang mas batang babae, "Ako si Anna."

-/-/-/-

Naging magkaibigan ang dalawa. Hindi man lang nila napansin malalim na ang gabi at kailangan na ni Anna na umuwi.

Matagal ng tuyo ang kanilang damit dahil sa inimbitahan ni Anna ang binata sa isang cafe.

Sa hiya ng binata ay siya na ang bumili ng kanilang maiinum na pampainit.

Nagkaroon sila ng matagal na kuwentuhan ngunit ni minsan ay hindi man lang tinanong ni Anna ang pangalan ng lalaki. Hinayaan lang ni Anna na magkuwento ang binata tungkol sa buhay niya. Hinayaan niya lang na magkuwento siya ng kung ano ano na patungkol sa kanya...

Napakasaya ng binata habang kausap ang babae. Kaya naman nalungkot siya nang malamang aalis na ang dalaga sa kanilang inuuwian sa susunod na linggo.

"Kuya, di man tayo muling magkita, gusto kong malaman mo na may nagmamahal sa iyo. Kaya huwag ka sanang mawalan ng pag-asa sa buhay. Parang ulan na darating rin ang liwanag."

Iyon ang mga huling sinabi ni Anna sa kanya. Bago pa ito tuluyang lumayo ay nginitian siya ng kay tamis tamis....

Na hanggang ngayon ay hindi niya malilimutan. Kaya ngayong abot kamay na niya si Anna. Ngayong malapit na niyang makuha ang babaeng pinapangarap niya noong labing anim na gaong gulang pa siya...

// // // //

*nahihiyang ngumiti*

Ang short alam ko. Hehe. Kaso busibusy tayo sa school ngayon, eh. Bawi bawi ako. Pramis. Kaso baka matagal.

#^_^# thank you sa mga naghintay, nyehehe

>>inedit q ulit. Lucresia ang otor. Di kasi nag eedit haha
>>Anna sa taas! xD

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon