THIRD PERSON
Pina alam ni Anna sa kanyang ina ang tungkol sa debut ni Julia sa gabing iyon.
Sa tuwa ng ina sa gaganaping party ay pinasukat niya kay Anna ang gown na binili nila.
"Ma, kailangan pa ba?" Pagrereklamo ni Anna. Lahat kasi ay ipapasukat...
Maging ang buhok ay aayusan at mamake up-an pa raw siya.
"Oo naman. Para pagdating ng kaarawan ni Julia, handang handa ka na," maligayang tugon ng kanyang ina. Walang nagawa si Anna kundi sumunod.
Nang maisuot na niya ang kanyang gown ay pinagmasdan muna siya ng kanyang ina.
Biglang nanahimik ito at napatingin sa leeg ng kanyang anak. Kumunot siya kaya't nakaramdam ng kunting kaba si Anna. Hindi naman kasi mahilig sa alahas si Anna kaya nakakapanibago sa kanyang ina na magkaroon ito ng kuwintas...
Locket pa man din at mukha ring mamahalin dahil sa disenyo. "San mo naman nakuha yang kuwintas mo, anak? May nanliligaw na ba sa iyo?"
Naginhawaan si Anna dahil mukhang nang aasar lang ang kanyang ina. "Ah, hindi po, ma.. Natanggap ko lang po siya bilang regalo."
"Birthday mo ba, anak? Hindi naman, ah...."
Napakagat sa labi si Anna dahil hindi niya masabing isang stalker ang nagbigay nun sa kanya.
"Uhmm...."
Hindi na siya nakasagot nang umiling ang kanyang ina at ngumiti. "Hayaan mo na nga. Basta, anak. Wag mo na munang sasagutin ang manliligaw mo. Nag-aaral ka pa, eh."
Tumango na lang si Anna para hindi mawalan ng saysay ang pag-iiba ng kanyang ina ng napag-uusapan.
Pina-upo si Anna sa harap ng salamin at inayusan siya ng ina. Hindi pa nakakauwi ang kanyang ama kaya nama'y walang nang-abala sa kanilang ginagawa.
Umabot ng kalahating oras ang pag-aayos sa kanyang buhok at mukha. Natahimik na lamang si Anna nang makita ang kinalabasan niya sa salamin.
Hindi na niya makilala ang sarili sa suot na maskara at ang pagkakakulot ng kanyang minsang deretsong buhok. Tila alon sa dagat ang pagkaka agos ng buhok ng niya. Papasok ang ikot ng kanyang buhok at ang kanyang maiikling buhok sa harap ay mas maliliit ang pagkakakulot. Tila anghel nga kung titignan.
"Wala ba kayong biniling pakpak?"
Kumurap si Anna sa tanong ng ina. "Ah.. eh... subra subra naman po yata kay Julia kung bibili pa kami.. saka po, siya ang may kaarawan, baka naman po masubrahan ako sa ayos kaysa sa kanya, eh."
"Oo na nga lang."
Malapad ang ngiti ng kanyang ina habang pinagmamasdan siya. May naalala ang kanyang ina kaya nagpaalam muna itong kukunin ito sa kanyang kuwarto.
Nang maiwan si Anna sa loob ay tahimik niya lang na pinagmamasdan ang kanyang repleksyon. Ngayon niya lang nakita ang sarili na ganito ang ayos...
Puro puti at ayos anghel. Nakakatuwa nga, eh. Dahil sa maganda pala siyang tignan kapag naka-ayos anghel siya....
Wala pang dalawang minuto ay nakabalik na ang kanyang ina. May hawak na siyang kamera.
"Selfie tayo, anak ko. Ang ganda mo ngayon, eh. Sayang naman kung hindi natin kunan ng litrato."
Tumawa si Anna sa kakulitan ng kanyang ina ngayon. Naka sampjng litrato na rin ang mag-ina sa kaka pose.
May mag-isang kuha si Anna habang nakatalikod sa bintana. May naka dungaw rin naman, na pinilit ipagawa ng kanyang ina sa kanya.
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.