Dedicated to: Romela Tabones
=D
--------
Dama ni Anna ang lamig ng hangin sa kanyang balat.
Gabi na. Wala ba talagang magliligtas sa akin?
Iyak ng iyak si Anna sa naisip. Hindi pa siya puweding sumuko. Hindi pa puwedi.
Ang tanging naririnig na lamang ng dalaga ay ang tawanan na nagmumula sa labas. Mukhang hindi lamang dadalawa ang naroon.
Tumungo si Anna at taimtim na nagdasal sa itaas.
Hindi niya matiyak kung anong naghihintay sa kanyang kapalaran sa gabing iyon.
--------
Sarap na sarap ang apat habang sila ay naglalaro ng baraha. Hindi nila napansing ang grupo ni Alexander ay lumulusob na sa kanilang kuta.
"Oy, oy! Teka sandali at naiihi ako." saad ng isa sa kanila.
Tinuro nito ang kanyang baraha. "Oy, wag niyong gagalawin yan at yari kayo sa akin!"
NAgsitawanan lang ang mga kasama niya. Hindi naman lasing ang mga ito, eh.
MAy binabantayan at malaki ang datong kaya dapat alerto itong mga ito.
"Hay naku! Psst!"
sigaw ng isa sa kasama.,
"Nagtext na ba iyong bossing natin kung kelan ang dating? Napapatagal na tayo rito, eh."
Umiling ang kanyang kinausap.
"Hindi pa, pre. Nakakangawit na nga, eh."
"SUs! Baka mamaya ay inilaglag na tayo ng gagong iyon, ah!"
"AH, hindi. Nakadugtong ang pangalan niya sa atin, di ba? Kapag ginawa niya iyon, laglag pati siya."
NAgtanguhan silang tatlo.
Lumipas ang ilang saglit ay hindi pa rin bumalik ang isang kasama nila.
"Nanigas na yata si pare sa labas. Ang tagal naman bumalik!" puna ng isa.
NAging alerto ang namumuno sa kanila.
"Shh,"
Nanahimik naman agad ang dalawa.
DAhan dahang tumayo ang malaking lalaki at saka humawak sa gatilyo ng kanyang baril.
Sinenyasan niya ang kaibigan na sumilip sa labas.
Ang isa naman ay pinuntahan ang kuwarto na kinalalagyan ni Anna.
Sa dami ng kahon sa paligid ay maraming mapagtataguan.
At sa mga kahon na nakapaligid sa kanila ay tiyak na may nagtatago.
"HOy, lumabas ka diyan!" sigaw ng pinuno ng mga bandido.
Walang sumagot sa hiyaw nito.
Ikinasa niya ang kanyang baril.
Nagpaputok ito ng minsan sa itaas at saka ibinalik sa harap ang tutok.
Narinig lamang nito ang pagdadabog ng silya ni Anna na halatang nagulat at nagpapanic na.
"Kapag hindi ka nagpakita, tutuluyan namin itong babaeng ito!"
Wala pa ring sumagot sa kanya.
"Pare, ilabas mo nga iyan!"
"Saglit!"
Maya lang ay dala dala na ng kanyang kasama si Anna na nakatali pa rin ang kamay, bibig at nakapiring.
NAgpupumiglas ang dalaga habang mahigpit ang hawak ng lalaki sa kanyang braso.
![](https://img.wattpad.com/cover/25219183-288-k223769.jpg)
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.