Nagulat ang lahat ng tauhan ni Alejandro nang malaman na ang binatang hinuli nila ay anak niya. Agad humingi ng dispensa ang lalaking namalo kay Alexander ngunit pinatawad siya agad...
Maikli lamang ang pagpapakilala spagkat kaunti sila sa lugar na pinaggapusan nila kay Alexander.
"Maaaring nagtataka kayo kung paano ko siya nakilala, ngunit huwag kayong mangamba sapagkat ako ay siguradong siya nga ang nawawala kong anak."
Iyon lamang at pinahayo niya muna ang kanyang mga tauhan. Kailangan niya pang makakuwentuhan ang anak... at mapakilala man lamang niya ang sarili dito.
Sa isang pribadong kuwarto ay dinala ni Alejandro ang anak upang maka usap ng masinsinan.
"Anak, ilang taon ka na ba? At ano bang kalagayan mo ngayon.. basi sa iyong kisig ay mukhang mabuti ka?"
Inunahan na agad ni Alejandro ang anak sa pangangamusta. Hindi pa rin naman niya mapigilan ang saya na kanyang nakapiling muli ang hindi nakagisnang anak.
"Ako po ay labing anim na taong gulang pa lamang, itay-"
"labing anim?! Aba't kay tagal nating nawalay sa isa't isa..." malungkot na singit ng matanda. Hindi niya maiwasang magalit sa kung ano ang dahilan ng kanilang pagkakalayo.
"Itay. Mahaba man ang labing anim na taon ay natuto naman po ako. Nakaya kong tumayo para sa aking sarili simula pa pagkabata. Sa edad na katorse ay kumayod na po ako upang makapag-aral. Napakabait po ng aking naging amo sapagkat pinag-aral niya ako kapalit ng aking gawain."
"Mabuti naman, Alexander."
Lumiwanag ang mukha ng matanda ng may maalala. "Nakakatuwa naman at pinangalan sa iyo ni Cynthia ang pangalang ginusto ko noong nasa sinapupunan ka pa lamang niya."
NAgsimula nang magkuentuhan ang mag-ama. Pilit humahabol si Alejandro sa mga naranasan ng kanyang anak.
"Itay," sambit ni Alexander nang mapag usapan nila bigla ang buhay pag-ibig ng binata.
"Mukhang hindi yata ako piangpapala sa bagay na iyan."
Kumunot ang noo ng kanyang ama. "Hindi naman yata maari iyon! Sa iyong taglay na kaguwapuhan at kagisigan ay walang babaeng nahumaling sa iyo?"
"Iyon na yata ang nakasulat sa aking palad, itay. Isang linggo palang po ang nagdaan ay nakaranas na ako ng pang-apat na kabiguan."
"Ikuwento mo anak ko. Baka matulungan kitang mabago ang iyong paniniwala."
"SA una kong iniibig ay inayawan na po ako kaagad ng kanyang pamilya sapagkat ang gaya kong walang pamilya at nag-iisa lamang ay hindi ka naisnais na makalapit sa kanyang anak. Ang pangalawa naman po ay ginamit lamang ako upang pagselusin ang kanyang nobyo ng hindi ko nalalaman..."
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.
