Pangatlong Yugto

16.1K 342 13
                                    

Buong umagang lumipad ang isip ko. Hindi ko magawang ituon ang atensyon ko sa pinag-aaralan namin.

Binabagabag pa rin kasi ako ng lalaking nakasakay ko kanina. Sino ba siya at saka bakit ganoon nalang siya kung umakto... Nakakatakot talaga.

May tsansa kayang iisa lang sila? Na siya ang taong laging nagmamasid sa akin? Ang lalaking palaging bumabangungot sa akin kinagabihan. Hindi ko alam kong paano ako makakatakas sa takot na nararamdaman ko.

"...Anna."

Paano kung bigla niya akong dukutin? O baka naman, aabangan niya ako sa gate at papatayin? Baka sa paglabas ko palang ng kuwartong ito, mamatay na ako?

"...Anna!"

Wala akong matatakbuhan kung hindi ko alam kung sino ang humahabol sa akin! Mabubuhay nalang ba ako sa takot habang nagtatago siya at pinapanuod ako?

"...ANNA!"

May tumama sa noo ko kaya nawala ang katakot-takot na mga conclusion sa utak ko.

Bumulaga sa akin ang galit na mukha ng professor namin. Nalaman kong tisa pala ang tumama sa noo ko. Tinatawanan ako ng karamihan pero natulala pa rin ako.

"Excuse me, Anna, but my class is not the place for you to daydream!" Sigaw ng teacher ko.

"S-sorry , ma'am."

Tumungo lang ako at narinig ko ang mabigat na buntong-hininga ng professor ko.

"Solve the equation, Anna," utos ni ma'am. Umangat ang tingin ko sa kanya papunta sa equation na nakasulat sa pisara. Mukhang ito ang lesson na pinag-aaralan namin kanina lang.

"I'm sorry po. I don't know how, ma'am," nahihiya kong sagot kay ma'am. Naningkit ang mata niya sa akin. Ramdam ko ang pagbaon ng tingin niya sa buong pagkatao ko.

"Then, I guess, you are better out of this class this instant!" Bulyaw niya at itinuro ang pintuan.

"Arnold, open the door."

Sumunod naman ang kaklase ko na malapit sa pinto. Nahihiya man at naiiyak ay naglakas loob na akong tumayo at tumungo sa pinto.

Sinundan nila ako ng tingin habang palabas. Laking gulat ko nalang nang makita ko ang pagtayo ni Carlo sa likod.

"Why are you standing up, Carlo? Do you want to follow Anna out this room, hmm?" Taas kilay na hamon ni ma'am.

"No, ma'am-"

"Then. Why. Are. You. Standing. Up??" Nagpipigil na tanong ni ma'am. Dahan dahan akong naglakad. Matatawag pa akong assuming kapag tumigil ako at hintayin ko siyang magsalita.

Imposibleng ipagtanggol ako ni Carlo. Masyado siyang mataas para magpakumbaba para sa akin. Sikat kaya siya.

"Ma'am, I think it's better if you let her redeem herself than throw her out. Besides, it's because she's bothered by something that she's acting this way. Anna's not like this normally, is she not?," sabi ni Carlo. Natigil ako sa pagtapak sa labas ng room.

Bakit niya ako pinagtatanggol?

"Do you think I care? I teach and you learn. Your problems are none of my business. Or did you think you can do better than me, Mr. Mendoza?" Naghahamong tanong ni ma'am. Gustong gusto ni ma'am ang paghahamon sa mga estudyanteng pumupuna ng mga kamalian niya. Hindi siya tumatanggap ng pagkatalo. Wala siyang sinasanto sa paghahamon niya kapag sinasalungat ang mgadesisyon niya.

"I wonder why they hired a professor like you. You have an attitude not worthy of respect and clearly with that attitude, you're not fit to teach," sabi ni Carlo. Napakatapang niya sa pagsagot at sa pagtayo niya. Minanmanan lang namin siya. Walang pumatol o sumipsip sa bangayan nila.

"If you know so much about being a teacher, I challenge you to replace me right now," sumbat naman ni ma'am.

"Why should I? Pointing out your mistakes doesn't necessarily mean that I was better. You should learn to accept correction, ma'am, if you really want to be a good teacher." Iyon lang at umupo na siya habang nakade quatro pa at nakakrus ang kamay. Inaantay ang pagsumbat ni ma'am.

Pero hindi na sumagot pa ang teacher. Bagkus ay inalis niya ang pagkrus ng kanyang braso at tumikhim.

"Anna, go back to your seat," utos nito na nakikipagpaligsahan sa mata kay Carlo. Lumingon ako at nakayukong umupo sa aking upuan. Nahihiya sa tensyong ng kuwarto.

"Anna," tawag ni ma'am. Umangat ang tingin ko at nakatuon na sa akin ang nakakatakot niyang mata. "Don't you dare repeat your behavior. This is the first and last that I tolerate your action."

"Y-yes, ma'am..."

Simula noon ay bumalik na sa dati ang klase. Nakinig na ako at siniguro iyon ni ma'am dahil lagi niya na akong tinatawag para sumagot. Hindi ko mapigilang lingunin si Carlo paminsan minsan. Hindi niya ako binabalingan ng tingin. Lihim akong nagpasalamat sa kanya.

Lumipas pa ang dalawang klase bago kami nagkaroon ng break. Naglabasan na ang nga kaklase ko at agad naman akong siniko ni Julia.

"Ibang klase ka, Anna! Si Carlo, pinagtanggol ka, ha? Sa tingin ko may gusto na siya sa iyo," nag-iintrigang saad niya.

Napa-iling ako. "Binibigyan mo naman agad ng kahulugan, Julia. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao kapag bibigyan natin ng ibang kahulugan ang ginawa ni Carlo? Na assuming ako?"

Tipid na tumawa si Julia. "Serious? Malay mo lang..."

"Julia," sabi ko habang nakatingin ng deretso sa kanya.

"Oo na. Kain na nga tayo."

Kalagitnaan ng kainan namin ay nakaramdam ako ng mga matang nanunuod sa akin. Tumaas ang balahibo ko sa leeg dahil dito.

"Carlo! Lika na!" Narinig kong sigaw mula sa likod ko. Bahagya akong lumingon. Sa bintana ng room ay nakasandal mula sa hallway si Carlo at kung hindi ako namamalikmata ay nakatingin siya sa akin bago nilingon ang tumawag sa kanya. Maya lang ay pareho na silang umalis.

"Uy, Anna."

Napatingin ako kay Julia. "Uh ?"

Nakakunot ang noo niya. "Bakit ka natutula nanaman?"

Kumurap ako at umiling. "Wa-wala, may-may naalala lang."

Nababaliw na ako.

"...kaya dapat kasama kita, ha?"

"Oo sige," wala sa sariling sagot ko sa sinasabi ni Julia.

"WALA ng bawian, okay?"

Tumango ako.

"Pwes, samahan mo ako sa mall at bibilhan kita ng damit!"

Na alarma ako sa sinabi niya. Teka, saan ba ako pumayag?

"Ha?"

Bumagot ang tingin niya sa akin. "Sa 13, birthday ko? Naalala mo? Debut ko? Naalala mo? Bestfriend kita, naalala mo? Nali--"

"Ahhhh... oo. Oo. Hehe. Naalala ko naman siyempre," putol ko sa pangungunsenysa niya. "Pero bakit kailangang bilhan mo pa ako, di ba?" Pag aalibi ko.

Lumawak ang ngiti niya at hiniwakan ako sa kamay habang nakatingala na parang nangangarap. "Dahil sa debut ko? Magiging prinsesa tayo!"

Gagawin nanaman niya akong manika. Buti nalang para sa birthday niya. hay.

- - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note:

Sorry kung ang iikli, ah? Saka kung madalang man akong mag-upload. Nag-aalburuto kasi ang mga teachers sa pagbibigay ng project, eh. Hehe.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon