Yugto XLII

3.4K 61 7
                                    

Dedicated to:lemzy10
____________________

Ikinabit ni Alexander ng wireless phone sa tenga at tinawagan ang mga kaibigan.

Agad siyang umangkas ng motor at tinungo ang kanilang lugar panlibangan.

Sina Adien, Jonas, Axis, Draian at William lang ang sumagot. Hindi na nag-abala na tanungin ni Alexander kung asan si Hayden dahil alam niyang masama ang loob nito.

"Magkita tayong lahat sa libangan. Simula na ng giyera."

Copy that-Adien

Okay-Draian

Sa wakas!-William

Oh yeah, resbak na 'to.-Jonas

'Lex, paano si Hayden?-Axis

"Kailangan niya ng break, Axis. Dapat nating intindihin."

*sigh* yes, sir.-Axis

Pakaraan lamang ng ilang minuto ay nakarting na si Alexander sa mansyong nakatago sa gubat.

"Yo, bro!" Bati ni Adien kay Alexander nang tanggalin ng nauna ang kanyang helmet.

"Sino pang kasama mo?"

"Ahh, nariyan na si Draian. Pakabusy nanaman."

Umiling iling pa si Adien nang banggitin ang pagiging abala ng kaibigan. Isang katulad din ni Alexander na masyadong seryoso sa buhay. Ang pinagkaiba, sa negosyo nakatago ang puso hindi sa babae.

Pagkapasok ay natanaw na nila ang lalaking naka de quatro at may laptop na nakapatong sa hita at binti.

"Bro, take it easy!"

Kukunin na sana ni Adien ang laptop ng lalaki ngunit nahuli ni Draian ang kamay nito.

Umiling si Draian at inadjust ang salamin gamit ang isa pang kamay.

Tumawa lang si Adien at binawi ang kamay. Sumalampak siya sa sofa.

"Anong baril kailangan mo, boss?" Napalingon sila nang sumigaw ang bagong dating na si Jonas.

Kinasa pa niya ang dala nitong baril.

Nabatukan naman siya ng sumusunod sa kanyang si Axis. "Baliw ka talaga."

"Tsk!" Ibinalik ni Jonas ang baril sa lalagyan nito sa kanyang sinturon at inayos ang buhok.

"May plano ka ba?" Tanong bigla ni Draian kay alexander habang nag-aasaran ang tatlo.

Umupo si Alexander sa tabi nito. "Wala pa. Kaya kailangan ko ng tulong niyo."

Sinara ni Draian ang laptop niya at itinabi.

"Gusto ko lang malaman mo na walang atrasan ang gagawin mo."

Tinanggal nito ang suot na salamin at inilapag sa ibabaw ng laptop niya.

"Alam ko naman."

"Kung gayon. Kilala mo ba ang makakalaban mo?"

Humarap si Draian sa kanya.

"Kilala mo lang siya bilang Carlo Mendoza. Anak ng isang sugarol na ina at tahimik na lalaki. Sa tingin mo ba sapat na iyon para makalaban ka?"

Ngumiti lang si Alexander.

Sakto namang dumating si William na kasama si Federiko, ang pribadong imbestigador ng pamilya Dakota.

Sinalubong ni Alexander ang detective at iniwang umiiling si Draian.

"Magandang umaga, Sir Alexander," seryosong bati ng nakakatanda.

Napaderetso si Alexander. May kakaiba siyang nararamdaman sa lalaki.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon