Yugto XLIII

3.3K 65 10
                                    

Dedicated to: purpleeeNa
_________________

Nakasandal sa kanyang inuupuan si Alfonso habang nakatanaw sa bintana. Kasalukuyan siyang nasa malawak nilang lupain sa kagubatan kung saan malayong makita sila ng kung sino lang.

Dito nagsanay ang mga tauhan niya. Dito rin naman nanggaling si Carlo kahapon bago pinuntahan ang kinababaliwang babae.

Habang nakatanaw ay naisip niya kung bakit maging ang mga anak nila ay naglalaban para sa iisang babae.

Nakadaloy na ba sa kanilang dugo ang nakaraan.

Kung gayon, malaki ang tsansa na si Alexander ang mananalo. Ngunit bilang ama ni Carlo ay hindi niya iyon hahayaan.

Tumayo siya at sakto namang may kumatok sa kanyang pinto.

Lumingon siya at narinig ang pagpapaalam ng nasa kabilang pinto.

"Buksan mo na lang."

Mula sa pinto ay pumasok ang isa niyang tauhan.

Nang makalapit sa kanyang mesa ay yumuko ito ng kunti saka ini abot ang isang envelope.

"Nakita ko po itong nakalagay sa gate, boss."

Kinuha ni Alfonso ang envelop at pina alis na ang lalaki.

Nang maka alis ito ay iniikot niya ang swivel chair saka umupo.

Ano naman kaya ito?

Nang punitin niya ang selyo ay inilabas niya ang kapirasong papel mula sa loob.

Napangisi siya nang mabasa ang papel na ito.

Pinunit niya ito saka ipinagdaop ang mga kamay.

Aasahan kita sa iyong libing, Alejandro. Ngayon palang ay patay ka na.

--------------------

"Tandaan niyo. Kailangang nakabantay tayo parati kay Anna. Lalo pa at binisita pala siya ni Carlo kahapon."

Tumango sila sa sinabi ni Alexander.

"Kailangan ko munang tapusin lahat ng trabaho sa negosyo. Draian, samahan mo na ako."

Tumango na rin si Draian at nauna na sa kanyang sasakyan.

Kasalukuyang nasa bahay ni Alexander ang Infinite. Puyat pa ang mga ito dahil sa mga kailangan nilang ayusin.

Alam nila na kapag tumugon si Diego sa sulat nila ay magsisimula ang giyera. At iyon ang pinakahihintay ni Alexander.

Hindi siya makapaghintay na pagbayarin ang walang kuwenta at walang hiyang lalaking iyon at ang anak niya na nagdala ng panganib sa kanyang minamahal.

Nang maka alis si Alexander ay siyang dating naman ng isang liham na mula kay Alfonso.

Ito ay liham pagtanggap.
************************

Nasa daan pa si Alexander nang makatanggap ng tawag mula sa kaibigan.

"Bro, tinanggap niya ang hamon."

Napangisi si Alexander. "Hintayin niyo ako mayang gabi. Sinabihan niyo na ba si Draian patungkol rito?"

"Tinawagan na siya ni Jonas. Bye, bro!"

Naghang na ang kabilang linya.

"Drive faster."

************

Nasa simbahan si Anna at taimtim na nagdadasal kasama ang ina at ama.

Pinapanalangin niya ang kanyang naghahalo halong damdamin. Hindi niya alam kung ano ang tinatakbo ng isip at puso niya.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon