Hindi po ito inedit at baka makulangan din po kayo. Tambak sa project kaya palusot lusot nalang ako. XD
DEDICATION? Uhhh, sa mga nagvote at nagcomment. ^_^
|☆~☆~☆~☆~☆~☆|
Nakatingin lagi si Carlo kay Anna habang sumasagot sa reviewer.
Hindi niya mapigilang alahanin kung paano niya nakilala ang dalaga.
|Flashback |
Sa tanang 16 years ni Mark ay lagi siyang binabasted. Kesyo masyado siyang corny. Masyado daw clingy saka matamis.
Eh ganun naman kasi siya magmahal! Saka kahit naman anong gawin niya baka talagang talbog ang kaguwapuhan niya sa mga kaklaseng lalaki.
Kung bakit kasi ulan ang buhos ng mga kalalakihan na guwapo dito. Tuloy, hindi mapansin pansin ang kaguwapuhan niya! Aish -_-
Pero ngayong taon? Susubukan niyang bumawe sa mga girls. Lalo pa at may kaibigan siyang babae. Si Anna.
Mark POV
Napakabait nun saka mahinhin. Napaka down to earth. Pero kasi. Kaibigan ko siya saka ayokong mawala un ng dahil lang sa lablyp di ba?Masisira un kapag hindi kami nagwork out.
"Bes! Anong ginagawa mo diyan? Nag iisip ka ng i pipick up line nanaman?"
Tumawa lang ako sa sinabi ni Anna. Nasa cafeteria kasi ako at parang lugmok sa mga papel.
Minsan akala nila puro love letter ang sinusulat ko. Psh.
Umupo si Anna sa tabi ko.
"Aba, aba! Si reviewer na ba ang bago nating kadate ngayong valentines?"
Umiling ako. Hindi naman porket valentines ngayon ay date date na agad.
Tinignan ko siya. Binabasa niya lang ung mga reviewers ko habang nakangiwi nanaman.
Para tuloy may lumilipad na kung ano sa tiyan ko. Alam nyo na? Ung pakiramdam kapag naapektuhan ka sa isang tao.
Pumapag ibig?
Tsk. Huwag naman sa bestfriend ko!
"Gusto mo tayo nalang date. Kasi wala rin akong date."
Nagising ako sa sinabi niya. "Ano? Ikaw, gagawin kong date?"
Tinignan niya ako na parang ang O.A ko. "Bawal ba? Bestfriends naman tayo, eh. Saka parang bonding lang. Lam mo na. Huling year ko na dito kasi aalis kami."
Kumurap ako at may kakaibang kabog ang dibdib ko. Sheet. No, huwag kay Anna! Kaibigan ko siya, eh.
"Si-sige."
"Sabi mo iyan ah! Sige pasok na ako sa next class."
Umalis na siya at naiwan naman akong nakikipagdebate sa sarili ko. "Bakit ako pumayag???"
=_=_=_=_=_=_=
Valentine party ngayong gabi at ako ang escort ni Anna. Hinintay ko siya sa living room nila.
Pagbaba niya ay lumundag nanaman ang puso ko. Aish! Tinamaan na yata talaga ako sa bestfriend ko.
Natatagpuan ko na kasi ng sarili kong kinukunan siy ng litrato na paranhg birubruan lang namin.
Sandamakmak na iyon sa kuwarto ko. Pero tinago ko siyempre. Baka mamaya niyan, eh, mahanap niya.
~~~~~

BINABASA MO ANG
Obsessed
RomantikAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.