Dedicated to: chin_jomar
------
Minanmanan ni Aries ang lalaking may hawak kay Julia.
Matangkad ito ng limang guhit sa dalaga. Litaw ang ulo... litaw rin ang binti at braso.
Hmph. Kaya ko itong mapatumba nang hindi nasasaktan si Julia.... kailangan lang na sapul para wala nang doble.
Kaso ang nabuong plano ng binata ay nasira nang mas mabilis pa sa alas quatro ang putok ng baril sa kanyang tagiliran.
"Aries!!!"
Napakabilis ng lalaking ito! Iginalaw pa lang ni Aries ang braso ngunit nakabaril na ang isang ito.
"Huh? Iyan ba ang tinatawag niyong Infinite? Eh, wala ka pala sa infinite ng baril ko dahil lipad na ang bala, tatantsa ka pa lang!"
//ang Infinite na binabanggit niya ang ang grupo ni Alexander at ang infinite ng baril ng lalaki ay ang butas sa baril na nilalabasan ng bala at ang butas na nasa ilalim nito.//
Nakahawak sa tagiliran si Aries at bahagyang bumibigay ang binti.
Nakahawak pa rin sa armas niya si Aries sa likod nito.
Pikit ang isang mata dahil sa init na tinatamo sa sugat.
This is Bullsh*t. Sino ba ang lalaking ito?
"Ano? Luluhod ka na? Hmph! Asan na ang mga kasama mo? Iniwan ka?"
"Ta-tanga! Narito nga ang motor tapos iniwan? Bu-bulag ka ba? O... o sadyang tanga??!" Buong lakas na banat ni Aries habang nakangisi.
Babaril na sana uli ang lalaking nainis ngunit may taling pumulipot sa kanyang kamay.
"Anong-?"
"Aba, ginoo! Masyado mo yata kaming minamaliit, gago ka!"
Hinila ang kanyang kamay at nabitawan niya ang kanyang baril.
Agad humiwalay si Julia at lumapit kay Aries.
"Jusko... Bangon ka, please. Ha-halika..." umiiyak na saad ni Julia habang hawak ang pisngi ng lalaki at naka agapay ang kamay niya sa balikat nito.
Tinignan siya ni Aries na parang nakakita ito ng anghel. Siya ba o sadyang nahihilo na siya sa tama ng baril?
"Oy! Aries, huwag kang mawawalan ng malay at baka matilapon ka sa pagangkas!"
Sigaw ng isa nilang kasama.
Hindi ito narinig ni Aries, bagkus ay naka titig lang ito sa lumuluhang dalaga. Ngayon lang ata siya nakakita ng isang napakagandang babae na ang mata'y nag-aalala hindi nagmamakaawa at nananabik sa kanya.
Pumikit ito.
"A--aries....?" Nag aalalang tawag ni Julia sa lalaki.
"O-oyyy! Huwa-huwag kang pipikit!" Niyugyog na rin niya ito.
Agad dumilat ang lalaki.
"Aray!""So-sorry!" Sabi naman agad ni Julia at tinignan ang sugat ng binata kung saan umaagos ang dugo.
"Tsk! Kailangan na nating mauna."
"Julia!"
Lumingon si Julia sa babaeng tumawag sa kanya.
"Anna! My goodness, Anna!"
Nakiyakap si Anna sa dalawa. Este, niyakap lang pala si Julia. Hirap na hirap si Aries dahil may dalawang babae na nakadagan sa isang bahagi ng katawan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/25219183-288-k223769.jpg)
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.