Dedicated to: namishaina10191
------Akyat baba na si Alexander sa kakahanap kay Anna. Maging ang kaibigan naman nito ay hindi niya mahagilap.
Nahuli ba siya ng dating?
Pero ang sabi naman ng mga teachers, wala daw lumabas ng school matapos ang dismissal hanggang natapos ang basketball game.
Nakaramdam ng kaba si Alexander.
Nalingat lang siya, nawala na si Anna sa mga mata niya!
Aish.
Ipinagpa alam pa naman ni Alexander si Anna sa tatay niya kanina bago pumunta ng eskuwelahan.
Balak kasi niyang dalhin ang dalaga sa isang lugar kung saan sila unang nagkita. Malamang, dadalhin niya ito sa dating bayan.
Kaya nga sana, ngayon na para maibalik niya agad ang dalaga sa linggo, gaya ng pangako niya sa ama nito.
Nang madaanan ni Alexander ang parking ay may tumawag sa kanya.
Paglingon niya'y si Julia ito.
Eh, asan si Anna??
"Si Anna?"
Hinabol pa ni Julia ang hininga bago sumagot. Namumula ang mata nito. Galing sa iyak ang kutob ni Alexander. Lalo siyang kinabahan.
"I-iyon na nga, eh! May- may dumukot kay Anna!!" Humahagulgol na sigaw ni Julia at napa upo na sa sahig.
"ANO????"
Inilabas ni Alexander ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang tauhan.
"Hanapin mo agad si Anna. May dumukot sa kanya."
Nanggigigil na ibinalik ni Alexander ang cellphone sa kanyang bulsa.
"Halika na, hahanapin natin siya."
Inangat ni Julia ang tingin kay ALexander.
"Mahahanap din si Anna. Ang kailangan ko ay ang katatagan mo, okay?"
Tumango tango si Julia at tinanggap ang nilahad na kamay ni Alexander.
Pinanusan ni Julia ang luha at sumama kay Alexander nang tunguhin nito ang sasakyan.
"Ipangako mong atin atin lang ang magaganap sa araw na ito," malamig at tila nag-ibang tinig na saad ni Alexander pagkabuhay ng makina.
Naguguluhan at kinakabahang sumagot si Julia. "Pa-pangako."
Tinignan siya ni Alexander at saka deretsong tinignan ito sa mata. "Para kay Anna."
Tumango si Julia.
Hindi na nagtanong si Julia nang pinaharurot ni Alexander ang sasakyan nito.
Para kay Anna, gagawin kong magtiwala sa hindi ko naman kakilala.
××××××××
Nagkakamalay naman ang dinukot na dalaga. Kahit pa minulat na niya ang mga mata'y dilim pa rin ang kanyang nakikita. Nahihilo pa ito dahil sa gamot na nalanghap.
Sinubukan nitong ikusot ang mata ngunit hindi naman niya naigalaw ang kamay.
Nanlaki ang mata niya nang mapagtantong nakagapos siya paupo.
A-anong nangyayari?
Sisigaw na sana siya ngunit may nakatali sa kanyang bibig.
Tumaas ang lahat ng balahibo ni Anna at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.
Ito nanaman.
Nararamdaman nanaman niya ang kakaibang takot na nagmumula lamanh kapag natatanaw o nararamdaman niya ang kanyang stalker.
Siya ba ang may pakana nito? Siya ba ang dumukot sa kanya
Hindi niya alam ngunit ito lang ang pinagdududahan niyang may pakana nito.
Isang pangalan ang biglang sinigaw ng kanyang isip.
ALEXANDER!
*****
Bibitinin ko na muna! XD para mahaba haba mamaya. =D
Mismong ako naeexcite sa magaganap. Weeeiiiii.So, makakararing on time ba si Alexander?
Magpapakilala na ba ang may pakana nito kay Anna?Parating na si Next Chapter! Whooo!
Comments?
Or votes? XD
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.