Dedicated to:---you can gladly insert your name. ILoveYou all!
This is not very great but I hope you'll like it =D
 ̄ε  ̄
…Summer Vacation na at libreng libre si Anna para i-date ni Alexander.
Hindi na tumanggi pa ang magulang ni Anna dahil maganda na rin iyon para mawala ang bahagyang trauma ni Anna sa mga gulo't katakot-takot na naranasan niya sa kamay ni Carlo/Mark.
Kinulong na si Alfonso/Diego dahil sa iba pa niyang illegal na gawain bago pa madamay si Anna. Inilibing si Carlo/Mark ng kanyang ama bilang huling pabor nito bago maikulong. Hindi na inisip ni Alexander na sabihin kay Anna ang iba pang detalye dahil mas gusto niyang mawala na sa sistema ni Anna ang lalaking iyon.
"So, saan tayo magdedate?" Napakahyper ni Anna habang magkaholding hands sila ni Alexander sa loob ng sasakyan ng lalaki.
"Excited ka, ah." Nakangiti naman si Alexander habang saglit na binabalingan ang minamahal na nobya.
"Oo naman! Official date na natin ito, eh."
"Well, it will be a surprise."
Tumawa si Anna saka tumingin sa labas. "Wherever that would be, basta kasama kita, it would be perfect!"
Bahagyang namula ang tenga ni Alexander sa sinabi ni Anna. Nakakakilig naman ang nobya niya. Nauulatz na ata siya, eh. Nakakabading!
"Waah!"
Nanlaki ang mata ni Alexander at agad bumaling kay Anna dahil bumitaw din ito sa kanya.
Nakita niya itong nakaharap sa kanya at nakadaop pa ang mga kamay. Nagniningning din ang mga mata nito. "What?"
"You-you..."
"What?"
"You look... cute."
Napatingin na lamang sa kalsada si Alexander at lalong namula ang kanyang tenga. "Haha!"
"Pinagtatawanan mo naman ako, eh"
"Hindi naman! Ang cute mo kasi, eh. Namumula tenga mo, labs."
Napataas ang mga kilay ni Alexander.
"Labs?"
"Hehe, uhm, endearment?"
"Bakit 'labs'?"
Saglit na natahimik si Anna.
"Ei, baka isipin mo korni ako, eh."
"Mahihiya ka pa ba sa akin, Anna?"
"Fine."
Nag-inhale exhale pa si Anna bago sumagot.
"Labs kasi... pag-ibig ko sa iyo ay lumalagabLAB..?"
Natawa si Alexander sa sinabi ni Anna kaya nasapak tuloy siya sa balikat.
"Ei! Bakit ka tumatawa? Nakakainis ka naman, eh! Huwag na nga!"
Tawa lang ng tawa si Alexander at sinusubukang magmaneho ng maayos dahil nanginginig na siya.
"Pa-pasensya na... hahaha! Eh, kasi... eh, kasi! Hahaha."
Nagkrus ng kamay si Anna.
"Sige, tawa ka pa! Mamatay tayo sa kakatawa mo, eh."
Sinubukan ni Alexander kumalma. "Huwag ka ng magtampo... labs."
Tawa nanaman si Alexander kaya nagmaktol si Anna sa tabi. "Hmph. Di na tayo bati. BU na!"
"B-BU?"
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.