Panglimang Yugto

13.3K 295 23
                                    

Si-sinong naglagay nun sa bag ko?

Si-sino ba siyang sumusunod, nagmamatyag?

Wala akong maisip na tao....

Lalo pa at wala naman akong naging kasintahan!

Napasabunot ako sa buhok ko. Walang pigil sa pagbaha ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko.

MY ANNA....

... BE MINE AGAIN..

...I'LL FETCH YOU....

HINDI! Hindi ito maaari... naprapraning lang ako... nananaginip...?

Pagod lang...

Pero nadismaya ako nang tignan ko ang kinalalagyan ng regalo... mas lalo akong naiyak dahil totoo nga. Andoon iyon. Andoon ang kuwintas. Bukas ang locket at tila ba sinasaksak sa puso ko ang katakot takot na katotohanan...

Kung sino man ang nagbigay nito sa akin...

Hindi ako ligtas....

May kumatok sa pinto kaya agad akong nagpunas ng luha.

"Anna?"

Hindi ko pweding ipakita kay mama ang pinagdadaanan ko...

"Anak?"

Tumikhim muna ako upang maalis ang bara sa aking lalamunan. Ngunit bago pa man ako makasagot ay nagsalitang muli si mama.

"Anak, kami na maghahatid sa iyo bukas, ha? Wag ka ng magreklamo," saad ni mama.

Kumurap ako. Napatingin ako sa kahong nakabukas lang at ang locket na kinaroroonan ng aking litrato. "Good night, anak," pagpapaalam ni mama at humina ang tunog ng kanyang paalis na yapak.

Tinago ko ang mukha ko sa mga kamay ko habang humihinga ng malalim... Ano bang nangyayari?

Naguguluhan talaga ako...

Sinilip kong muli ang nakakalat ng regalo at huminga ng malalim.

Huwag dapat akong magpadala sa takot. Hindi ko hahayaang isang estranghero lamang ang sisira sa buhay ko. Hindi mananaig ang takot...

Kung sana lang kaya ko iyong panindigan...

Tinabi ko ang kuwintas at sulat sa loob ng kahon at itinago sa drawer ko. Mas ligtas siguro ako kung hindi ko iyon masisilayan. Mamatay pa ako sa takot.

Nagbeep ang cp ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang mata. Tumaas ang mga balahibo ko sa tunog na iyon. Dahan dahan... binalingan ko ang cellphone ko.

Unknown

Napalunok ako...

Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang cellphone ko. Nang mahawakan ko na ito ay parang babagsak ito sa sahig dahil sa nanginginig kong kapit.

Kumakabog ang dibdib na binuksan ko ang message...

(Sana suotin mo ang iniregalo ko sa iyo, mahal ko, at labis ko itong ikakasaya.)

Nang mabasa ko ay may isa pang mensahe na dumating...

Unknown

Pigil hiningang binuksan ko ito.

(Alahanin mo, Anna... Akin ka lang.)

Tuluyang bumigay ang aking katawan kaya't napaupo ako sa sahig. Mga kamay ay nasa bibig at pilit pinapahina ang aking paghikbi. Tinitigan ko lang sa malabong paningin ang cellphone kong nagpapakita pa rin ng mensahe sa aking harapan.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon