Yugto XVII

6.4K 189 66
                                    

"A-alexander Dakota?"

Napalingon si Alexander at si Anna sa nagsalita.

Si Carlo iyon ay paika ika pang lumapit. Naka alalay sa kanya si Julia.

Ngumiti si Alexander sa sarili.

Ang lampa naman pala ng kakumpetensya ko, eh. Panalo na ako agad.

"Okay ka lang ba pare?" Tanong ni Alexander na parang nag-aalala.

Naningkit lang ang mata ni Carlo.

Tsh. Ang peke! Porque nanalo siya? Buwisit! Isip isip ng binata.

"Ayos lang. Salamat..." sa pagsipsip... gusto niyang ituloy.

Tumango lang si Alexander.

"Kailangan mong magpagamot. Baka mapanu ka niyan," pagseseryoso ni Alexander. Sayang naman kung 'di ka makatagal.

Umiling si Carlo. "Kaya ko namang gamutin ang sarili ko, eh."

"Ikaw bahala. Kaso, hatid ko na kayo? Baka may back up yang pinatulan mo," pagpuna ni Alexander sa naknock out na lalaki.

Ipaglandakan talagang pinatulan ko?? Punyemas ito, ah!

"Pumayag ka na, Carlo. Baka di mo kaya, eh."

Napatingin ang dalawang lalaki kay Anna.

"Hayy... sige..."

Walang nagawa si Carlo kundi sumama sa kanila. Kahit naman mahina ang katawan niya... hindi niya papalampasin ang mestisong hilaw na ito kung may binabalak.

-=-=-=-=-=-

Naiinis na talaga si Carlo kanina pa.

Eh paano! Sumisipsip itong hilaw kay Anna!

Tawa sila ng tawa... kuwentuhan sila ng kuwentuhan.. magkatabi kasi sa harap. Tapos si Julia nasa tabi ni Carlo at ginagamot siya.

Bumili kasi ng first aid kit sa may pharmacy.

Masyadong ''concerned'' itong labanos sa kanya, eh.

Umiling tuloy siya...

"Kanina ka pa iling ng iling. Selos ka, ano?" Bulong ni Julia kay Carlo ng mapansin niya ang ginagawa nito.

Sinamaan siya ng tingin ni Carlo. "Masama?"

Napalakas yata ang sabi ni Carlo dahil natahimim ang dalawa sa harapan.

"Okay ka lang ba, pre?"

"Tss." Sabi nalang ni Carlo at hinayaan niyang gamutin siya ni Julia.

"Sa may kanto," malamig na saad ni Carlo ng mapansing malapit na sila sa kanila.

Sa dinaanan kasi ni Alexander.. mas mauunang lalabas si Carlo kaysa kay Anna.

Sinasadya ba ng mukong na ito? Buwisit, ah.

"Ingat."

Hindi pinansin ni Carlo ang sabi ni Alexander. Bagkus ay tinungo niya si Anna sa bintana nito.

Binigyan niya ng kapirasong papel ang dalaga at kinindatan pa ito.

Lihim na kumulo ang dugo ni Alexander.

Talagang babanat pa ito.

Nang maka alis na sila ay nanatiling nakatayo si Carlo at pinapanuod ang sasakyan...

Habang hawak ang binendang tiyan ay naningkit ang mata ni Carlo rito...

Hindi ko hahayaang may makalapit sa'yo, Anna... Hindi ko papalampasin ang pagkakataong naging malapit tayo... nang dahil lang sa isang estranghero...

Pinangako ko na hinding hindi ako mananakit... pero ngayong may nagbabalak na agawin ka sa akin... babaliin ko iyon... babaliin ko iyon para sa ating dalawa...

Ganoon kita kamahal aking irog....

///////////////////////

May napansin ba kayo??? Kung meron, i comment na iyan at idededicate ko ang next chap sa makakahula! ^_^

Hehe... i just love rollercoasters =P

Love lots to all. Hope you'd like my twists and turns ^_~

Vote... Comment... CRITISIZE(tama ba spelling xD)

::sorry sa maikling chap!::

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon