Yugto XXXVIII

3.3K 71 6
                                        

Dedicated to: _Althea_Kei_
____________________

Nakarating ang apat na kasamahan ni Alexander makalipas ang kalahating oras.

Sa kalahating oras na wala pa ang mga ito ay napag-usapan nina Alexander at nakakatandang Molina kung ano ang mga nangyari maging kung sino ang hinihinalaang may pakana.

"Ang kulang nala-"

"Alex!"

NAputol ang sasabihin ni Richard nang may dumating na lalaki na may kaparehong suot kay Alexander.

"William," bati lang ni Alexander.

"Asan na sina Axis?" Tanong naman ng isa pang lalaking kakarating. Si Draian.

"Kasama si Julia. Sila ang nag-aasikaso kay Aries ngayon."

Tumango ito.

"Alex, may kailangan kayong pag-usapan ni Hayden. Nasa labas siya."

Napalingon ang mga tao sa kakarating na si Jonas.

"Ilan bang kaibigan mong sumama?" nagtatakang tanong ni Richard. Marami na siyang narinig na bagong pangalan at nakitang bagong mukha.

"Walo po kaming lahat, tito." Sagot ng binata at lumabas.

Ibinulong ni Jonas kung asan si Hayden.

______________

Nakita ni Alexander si Hayden na naninigarilyo sa likod ng ospital.

"Hayden," tawag ni Alexander.

Lumingon ang tinawag na binata at itinapon nito ang sigarilyo saka tinapakan.

"Anong nangyari sa hinuli natin?"

Bumuntong hininga si Hayden.

"Pagka alis niyo, dumating ang back up ng ungas na un. Malamang lang, outnumbered kami dahil armado rin sila."

"Sh*t." Bulong ni Alexander.

"Ang good news, narun pa sa warehouse iyong nahuling apat. Narun na din ang pulis."

Tumango tango si Alexander pero ang isip niya ay nakatuon sa nakawalang lalaki.

Sigurado siya. Sigurado siyang iyon ang may pakana nun.

"Alam mo na, di ba?"

Nilingon niya si Hayden. May panibagong sigarilyo ito at naka ipit sa hintuturo at gitnang daliri.

"Kung sino ang may pakana?" Dugtong niya.

"Meron at sigurado ako. Pero wala akong ebedensya."

Tinignan siya ni Hayden at itinalsik niya ang na upos na sigarilyo.

"Ebedensya? Eh, pundi na ang taong iyon! Anong pultris ba ang nakita niyo sa Anna na iyan at nagkakabaha ng dugo, huh?"

Bigla siyang kinuwelyo ni Alexander.

"Hindi mo kasi maintindihan!"

Tumingin lang si Hayden sa kaliwa habang nakangisi saka tinignan ng deretso ang kaibigan.

"Oo. Hindi ko nga maintindihan. Hindi ko malaman kung paanong naging karapatdapat si Anna para ang isa sa atin mapahamak!"

Sinuntok siya ni Alexander at napahandusay ito sa lupa.

Malakas ang paghinga ni Alexander.

"Sa tingin mo ba hindi ko naisip iyon? Mahalaga kayo sa akin kasi kayo na ang naging kapatid ko!"

Dinuro niya ang nakaupong lalaki. "Konsensya ko ang bawat dugong pumatak sa sugat ni Aries. At paki-usap. Huwag mong kuwestyonin ang halaga ni Anna. Dahil.... dahil siya ang dahilan kung bakit nagawa kong bumangon."

Natahimik si Hayden at iniwan naman siya ni Alexander.

_________________________

Dinaanan lang ni Alexander ang nakikinig at nanunuod na si Axis.

"Alex-"

"Huwag muna ngayon, Axis. Pakibantayan nalang si Hayden," walang kalingon lingon na saad ni Alexander.

Tumango nalang si Axis.

___________________

Bumalik si Alexander sa kuwarto ni Anna at nakitang gising na ang dalaga.

Magkausap ang mag-ama kaya kina-usap nalang niya si William na nakasandal sa mahabang couch.

"Psst," tapik ni Alexander rito.

"Mmm?"

Inangat ni William ang tingin dito. Nang makitang si Alexander ito ay umusog siya.

"Asan si Adien at Jonas?"

"Pumunta sa police station. Narun na iyong mga apat na bubwit."

"Si-"

"Kung si Draian naman. Narun siya sa kuwarto ni Aries. Nakalabas na."

Tumango ito.

Binalingan nito si Anna na kausap ang ama nito.

"Opo, pa. Pangako na po," nakangiting saad ng dalaga sa ama na nagpapangaral sa kanya

"Pinapaalala ko lang, anak. Ma..."

"Alex."

Napunta kay William ang atensyon niya.

Nakatingin pa rin ang lalaki sa mag-ama nang lingunin siya ni Alexander.

"Hanggang kailan? Hanggang kailan mo itatago ang papel niya sa buhay mo?"

Nalungkot si Alexander.

"Kung pwedi lang ngayon, bakit hindi?"

"Pwedi naman, ah. Ano bang nagpapatigil sa iyo?"

Bumuntog hininga si Alexander kaya't nilingon si ni William.

"Kung tutuusin wala ka namang tinatago sa kanya. Wala ka namang kasalanan sa kanya. Bakit ayaw mo?"

"Hindi pa ngayon. Hindi pa ako handa. Hindi pa kami handa."

"Iyon lang ba talaga?"

Nagtinginan sila.

Nang walang makuha si William sa kaibigan ay bumuntong hininga ito.

"Bibisitahin ko na lamang si Aries."

Tumayo na ang lalaki at nagpaalam lang sa mag-ama saka lumabas.

Nakatingin lang sa baba si Alexander. Malalim ang iniisip at magulo ang utak.

Basta. Hindi pa sa ngayon. Masyado pang magulo. Masyadong magulo....

_____________________

Hanggang dito na lang muna! =)

Ano nga bang pumipigil kay Alexander magpakilala?

Saka.... magkakagulo pa ba ang grupo ni Alexander nang dahil kay Anna at sa nangyari kay Aries?

Abangan! Salamat.

Love lots! ♥♥

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon