Property of Pandora's Heart
"Ui pre! Bakit mo tinulungan un? Di ba yun ung babaeng walang pride na habol ng habol sa iyo?" tanong sa akin ni James. Siya yung bumunggo sa babaeng yun na patay na patay sa akin.
"Alam ko. Hayaan mo na. Hindi naman ako ganun kasama. Gusto ko namang mamatay siya sa saya kahit isa beses man lang sa buhay niya. On the contrary part, I am bad. So that she'll deeply fall in love with me... all over again" sabi ko na with evil smile.
Tiningnan lang ako ng tropa ko at nakingisi na rin. They are as bad as me. They know me and they clearly understand what I mean.
I am Gab Conjuanco. Tall, dark and handsome.. and hot. Model material. Almost perfect. Sporty at matalino pa rin ako. Yung grupo ko eh sikat sa school namin. Leader ako sa grupo namin. Ako bumuo nito eh. Ako ang pinakahearthrob sa aming lahat. Well, ako lang naman ang almost perfect eh.
They call our group "Apple of The Eye". Baduy nga eh. Pambakla. Wala kaming tawag sa group namin. Basta tropa. Bahala sila kung ano ang gusto nilang itawag sa grupo namin. Wala akong pake. Basta tropa kami. 6 kami sa grupo namin. Lahat kami model. In long, lahat kami eh may mga katangian ng isang model. Same physical desciptions as mine. Ako lang talaga ang almost perfect.
Fine. Ipapakilala ko sa inyo ang mga ka-tropa ko.
Si James Band. Oo! Band.. at hindi Bond. Pinakabastos sa lahat. I mean rude. Wala siyang pake kung makakabunggo siya ng lalaki kahit babae pa. Nakita niyo naman kanina nung binunggo niya yung babaeng patay na patay sa akin eh. Mukha ngang kinareer niya na yung pangalan niya. Siya ang pinakamagaling na shooter sa amin. As in baril. Nag-aaral kasi siyang bumaril tutal ang daddy niya ay general sa AFP.
Si Adrienne Santos ay ang pinakamabait sa aming lahat. Magtataka kayo kung paano siya nasama sa amin. Kahit nga kami eh. Kanina nung sinabi ko yun tungkol dun sa babaeng patay na patay sa akin eh siya lang ang hindi ngumiti. Pinagsabihan pa ako. Tinawanan ko lang naman siya at sanay na siya dun. Siya lang talaga ang masipag na pagsabihan kami eh. Matalino din siya. Siya ang top 1 ng buong 4th year.
Si Fred Po ay isang half Chinese halp Pinoy. Siya ang pinakamayaman sa aming lahat. Halos angkinin na nga niya yung Pilipinas sa dami ng pagmamay-ari ng pamilya nila. Pamilya din niya ang may pinakamalking share sa school namin. Second lang ako sa kanya. Kahit chinese siya eh makikira mo pa rin sa mukha niya ang pagka-pinoy. Ang galing nga ng pagkakahalo ng dugo niya kasi bumagay sa pagmumukha niya.
Si Yexel Sebastian ay ang pinakapilyo sa aming lahat. Napakahilig niyang gumawa ng mga pranks. Kahit na halos 4 na taon na kaming magkakasama ay di pa rin kami nasasanay sa mga pranks niya. Parang ginawa ang utak niya para makaisip siya ng napakarami at iba't-ibang pranks. Kami ang laging nabibiktima niya. Pero kung siya man ang pinakapilyo ay siya naman ang pinakatapat kung magmahal. Siya ang pinaka-onting naging girlfriend. Nakaka-2 pa lang siya at laging siya ang nakakatanggap ng "break na tayo".
Si Jason Domingo ang music player ng tropa. Kaya niya halos lahat ng instruments at napakagaling din niyang kumanta. Kung gaano kaamo ang boses niya, ganoon naman ka-demonyo ang kaluluwa niya. Siya ang may pinakamaraming napaiyak na babae. Bukod sa siya ang music player eh kasama ko siya sa pagiging sporty.
Ayan. Yan ang tropa ko. Nasa amin na ata lahat ng katangian at uri ng isang tao eh. Pero kahit ganoon eh nagkakasundo kami. Siguro kasi may mga similarities kami. Kagwapuhan. Chix Magnet. Mas bagay pa ngang pangalan yun para sa tropa namin eh. Ang korni ko. Kadiri! Back to usapan na nga.
Nagpunta na kami sa labas ng campus. Pero andun lang kami sa garden kasi bawal lumabas talaga ng school. Dun na lang kami kumain ng lunch namin. Masyadong madaming tao sa canteen. Eh alam naming mas pagkakaguluhan kami dun. Well, hindi ko naman sila masisisi.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomantikPag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?