“Hmmm...” nasabi ko nung tumama yung sinag ng araw sa mukha ko.
Grabe! What a beautiful day!
“Uy! Mukhang in a good mood ka” bati sa akin ni kuya pagbaba ko.
“He! Ikaw lang naman panira” bara k okay kuya. Lagi na lang eh!
“Lagi namang good mood yan eh” dagdag pa ni mommy.
“Oo nga! Dahil sa bolpren niya!” nakoo! Ang cute cute talaga netong si Angelie.
“Alayyyy!” angal nung kapatid ko.
“Kain na tayoooo!” so ayun. Kumpleto naman kami ngayon kasi Sunday naman at walang pasok si papa.
Pagkatapos kong kumain eh nagbukas muna ako ng fb ko. Tingin tingin muna sa timeline.
Uy! May notif sa page ng school namin. So tiningnan ko.
ANNOUCEMENT!
WHAT : Early Reunion of Wattpad Highschool Batch 2012-2013
WHERE: TBA
WHEN : TBA
WHO : All of the graduated 4th year students
WHY : To earn closeness between the students before entering a new phase of life – college.
Comment your numbers so we can contact you.
Thank you!
From your Batch President, Ms. Pandora
Oh? Ayos to ah! Buti naman at makikita ko ulit yung mga batchmates namin.
Kinuha ko yung cellphone ko. Napangiti naman ako nung makita ko yung text ni Enne.
“Good morning girlfriend ko. Smile lang :)” Yun lang tinext niya pero napangiti na ako.
Tinawagan ko si Enne.
“Uy! Reply lang okay na eh. Tinawagan mo pa ako” bungad niya agad sa akin.
“Baliw! Eh nakita mo ba yung post ni Pandora sa fb?”
“Ah! Oo. Kagabi niya pa pinost yun. Yung sa reunion di ba?”
“Oo. Pupunta ka?”
“Oo naman noh! Hindi lang ako. Ikaw rin dapat”
“Ganun? Siyempre naman. Sige na. Bye bye na”
“Hala?! Yun lang ba tinawag mo”
“Oo”
“.....” bakit nanahimik yun?
“Oi! Nandiyan ka pa ba Enne?”
“Oo” mahinang sabi niya. Bakit parang ang lungkot neto.
Ano bang? Ahh!
“Good morning din Enne ko. I love youuuuu” sigaw ko sabay baba ng phone. Nakakahiyaaaa! >///<
Pero mas kinilig ako sa tinext niya.
“Kinilig ako din Vera :”> Pasensya. Ang gay ba? Eh sa totoo eh”
WAAAAAAAAAH!
Sarap sa feeling ng nagpapakilig. Mas kinikilig ka pa eh.
Biglang binuksan ni kuya yung pinto.
“Kuya naman ehhh! USONG KUMATOK!” sigaw ko sabay bato ng unan. Kainis eh!
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?