Chapter 1: Love at First Kiss

352 5 4
                                    

Property of Pandora's Heart

"Kyaaaa!" sigaw ng mga babae sa auditorium. Nasa classroom ako. Grabe naman. Rinig na rinig ko mga hiyawan nila. Ano ba meron? Kung di lang ako busy eh naki-usi (usisyo / usisera) na rin ako. Di pa kasi ako tapos koyahin yung mga notes na iniwan sa amin ng teacher namin. 

"Vera!!!" ui. May tumatawag sa akin. Galing sa likod. Nakaupo kasi ako sa harapan eh. Lilingon na sana ako ng biglang may sumalpok sa mukha ko.

"Aray!" 

"Sori Vera" ngiti sa akin ni Sandra. 

"Wow ha? Salamat sa sorry na may ngiti. Sakit nun ah"

Si Sandra ay isang magandang babae. Mas maganda pa sa akin. Hay! Asa pa ako. Hindi naman ako ganun kagandahan eh. I only have a typical face. Asset ko lang talaga ay ang mata ko. Makakapal ang aking mga pilikmata. Sa taas at baba. Well :) Ay wait... Nu ba naman yan. Si Sandra ang dinidescribe ko pero napunta sa akin ang description. Isa lang ang na describe ko sa kanya. Pero medyo matalino siya kumpara sa akin. Hindi kasi ako bumababa ng top 5 tapos--- nu ba! Stop! Napupunta na naman sa akin ang description. Hay! Matuloy na nga ang kwento. 

"Sorry talaga Vera" she smiled again.

"Hayy! Ayos lang. Eh bakit ba nagmamadali kang pumunta sa akin?" Ano daw? Teka! Mahilig kasi ang author sa underlying meanings eh. Palitan natin ang sinabi ni Vera.

"Hayy! Ayos lang. Eh bakit ba nagmamadali ka at nabunggo mo pa ako? May sasabihin ka ba?" 

"Ay! Oo nga pala! Vera! Vera!" -___- Nu ba naman Sandra. Kanina ko pa naririnig pangalan ko eh.

Ngumiti na lang akong tumingin sa kanya. Kahit pilit. "He he he. Ui. Sandra! Sandra!" Naki-ride ako sa katopakan niya.

"Vera--"

"Sige! Isa pang tawag mo sa akin... sasapakin na kita" di na ako nakapagpigil. Bukod sa nagulo niya ako sa pagsusulat ko, nasaktan ako, eh na curious na ako kung ano ba ang sasabihin niya. Oo. Isa po ako usi. Inaamin ko po :<

"Sori. Anyway, grabe! Naglalaro yung grade 3 B sa audi!" sabi niya. Ang saya saya niya huh.

"Oh. Eh ano naman? Ano nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong ko.

"Andun yung new student na cute! Grabe! Ang cute cute niya. Siya nga yung tinitilian ng mga babae sa taas eh. At kasama na ako dun" kinikilig niyang ikinuwento. Grabe! Sila pala yung mga malalanding babaeng nakakarinding tumitili. Dumagdag pa itong si Sandra sa polusyon ng mundo. Noise pollution! Kaya di umuunlad ang Pilipinas eh!

"Oh? Eh ano naman? Tss. Kung wala ka ng ibang sasabihin eh itutuloy ka na itong pagsusulat ko" sabi ko sabay harap sa isinusulat ko. Magsusulat na sana ulit ako nang hinila ni Sandra ang kamay ko. "Anak ng tokneneng oh!" sabi ko dahil nagkaroon ng buntot yung a ko -___-

"Tara na nga! Samahan mo ako sa audi! Promise! Titilian mo rin yun pag nakita mo na siya!" sabi niya then hinihila niya na ako. Takte! Ang payat payat ng babaeng to tapos ang lakas lakas.

"T-Teka! Wait lang! Aray!" sabi ko kasi masyado siyang nagmamadali. Nabubungo na ako sa mga upuan eh. Ilang stairs ang inakyat namin para makapunta sa auditorium. Nasa 2nd floor pa kasi kami ng school eh. Pagdating namin dun ang daming tao. Mostly eh mga babae. Grabe naman tong mga batang babaeng to. Nagsusumiksik para lang makita yung lalaking yun. Hmm... Ano kaya itsura ng lalaking yun? Siguro nga cute talaga. Sumiksik din kami sa crowd hanggang sa makarating kami sa harapan at makita ang mga naglalaro.

"Ayun siya oh Vera! Ayun!" sabay turo sa lalaking nakatalikod na tumatakbo. Tapos humarap siya. Muntik na akong mahulog sa kinatatayuan ko. Grabe! Grabe! Ang... ang... wait. I'm speechless. Ang... pangit naman niya!!! What the? Mukhang ipinunas yung mukha niya sa maduming sahig kasi nawalan ng basahan kaya napagkamalan ang mukha niya. Ang itim niya sobra. Ok lang sana kung maitim eh. Di naman ako nang-iinsulto ng maitim kasi ako rin naman medyo maitim eh. Pero yung kanya eh maitim na nga puro pimples at bakbak pa ang mukha. Ang bata bata pa niya. Paano nangyaring naging ganyang ang mukha niya? O.o

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon