Chapter 46: Her Confessions

142 2 0
                                    

“Vera! Vera!”

“Hmmm?”

“Gumising ka na nga Vera!”

“Kuya naman eh! Ang aga aga pa”

“Vera!  Nasa baba si Enne”

Kahit tinatamad ako eh umupo ako. Kinukuskos ko pa yung mga mata ko.

“Bakit naman nandito yun? Wala naman kaming pasok ngayon ah”

“Ewan ko. Badtrip naman o! Hirap mo namang gisingin” tapos umalis na si kuya. Eh dahil sa tamad at antok pa talaga ako kasi nagpuyat ako kakapanood ng Pitch Perfect sa dvd. Nakakaadik kaya yung movie na yun.

Maya-maya eh may naramdaman akong parang umupo sa kama ko. So humarap ako sa kabilang side at tiningnan gamit yung nakabukas na isang mata ko.

Napadalawa yung bukas ng mata ko sa gulat.

“Enne?!” nakatitig at nakangiti kasi tong si Enne eh. Parang baliw talaga to!

“Naman o! Feel free ka na lang laging pumasok sa kwarto ko ha?”

Tumawa siya. “Eh kasi ang tagal mong bumaba eh. Kanina pa kaya ako dun”

“Eh bakit ba naman kasi ang nandito ka? Wala naman tayong pasok ngayon ah. Tsaka ang aga aga pa”

“Unang-una eh hindi na maaga. 12:00 na kaya. Pangalawa eh wala ka na talagang klase kasi graduate ka na. At pangatlo eh may pupuntahan tayo”

“Oo nga pala noh? Graduate na ako! Hayy. Parang kahapon lang...”

“Ang drama mo naman masyado ata Vera. Eh di sana nagrepeat ka na lang”

“Eto naman! Nagrereminisce lang eh. Eh saan ba tayo pupunta?”

“Dami mo namang tanong eh...”

At nagulat ako ng bigla niya akong kargahin. Yung bride’s carry.

“Ahhh! Anong trip mo Enne?! Ibaba mo nga ako”

Binuksan niya yung pinto ng cr ko at pumasok kami sa loob.

“E-Enne! Anong balak mo?!”

Narinig ko na namang tumawa siya. “Ikaw talaga kahit kailan ang sama ng isip mo sa akin”

Ibinaba niya ako at lumabas siya. “Maligo ka na. Maghihintay ako sa baba” at isinara na niya ang pinto.

Okay. I’ll zip my mouth. And next time, I promise to clean my mind. Kainis! Napahiya na naman ako kay Enne.

So ayun na nga, naligo na ako. Nagbihis. Casual clothes lang naman dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Enne. At isa pa eh casual din naman yung suot niya kanina.

Pagkababa ko eh nagbulakbol na naman ako.

“San ba talaga tayo pupunta Enne?”

“Sige po tita Iza. Mauna na po kami”

“Kumain muna kayo Enne. Hindi ko pinapalis ng bahay ang anak ko ng walang breakfast eh”

Tiningnan lang ako ni Enne at tumingin na ulit kay mommy. “Sige po”

“Dito ka na rin kumain ha iho”

“Maraming salamat po” at eto namang SWEET kong nanay eh inalalayan pa si Enne papunta sa kitchen. Di naman baldado si Enne noh! Kaya niya namang maglakad mag-isa. Pssh. Hindi pa pinansin ni Enne yung tanong ko sa kanya kanina.

Katabi kong kumakain ngayon si Enne. Tahimik lang siya... at ako na rin.

“Masarap yung omelette ni tita Iza”

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon