Chapter 30: She's Back

86 1 0
                                    

"Nako! Thank you talaga Gab. Maasahan ka talaga. Nanghihinayang talaga ako kasi ---" 

"Tita Jen. Pwede po ba? Ok na po ang thank you"

"Oh. Ohwell. Hahah!"

"Hon! Let's go" with British accent pa. Tawag sa kanya ng asawa niya. 

"Ok Gab. Thanks ulit. Yung girl na ang ganda ng boses... Si.."

"Vera po"

"Ayun! Vera. Infairness, bagay kayo. Mabait pa. Buti naman at marunong kang maghanap ng ipapalit" sinabi niya habang tumitingin kay Vera na nasa lobby's waiting area.

"Tita!!!"

"Sorry. Fine fine. My hon is waiting for me. You know, excited for a bang!"

"Tita naman!!!"

"Maka-tita naman to. Parang di mo alam yun eh kung alam ko lang kayong mga lalaki eh nanunuod ng po--"

"Hindi ha! Yung tropa ko lang pero di ako sumasali"

"Chill lang iho. Masyadong defensive"

"Hon! What's taking you so long???" 

"Nagagalit na po yung asawa niyo"

"IKR! I'll be going. Bye" then lumapit na sya sa asawa niya. At kung makipaghalikan naman. Parang FK na nga yun eh. Makaalis na nga. Baka nakalimutan nilang nasa lobby pa sila at wala pa sa kwarto. At may bata pa. Ano ba naman yan!

Pinuntahan ko na si Vera na nakaupo dun sa isa sa sofa sa lobby.

"Vera..."

Napatigil ako. She's sleeping. Like an angel. 

Naman. Ang weird ko na talaga these days. 

Poke. poke. poke

"Vera!" 

Napakamot ako sa ulo ko. Ano ba naman yan! Parang ano naman to kung makatulog. Hindi talaga nagigising? 

One more try. Medyo tinulak ko siya kaya napahiga na siya. Kasi nakaupo lang siya eh. 

"Mmmhmm..." yun lang pero tulog pa rin. Ano ba naman!

Ano bang gagawin ko dito? 

"Sir... Kasama niyo po ba siya?" biglang lumapit sa akin yung isang security guard ng hotel.

"Ah. Opo"

"Eh sir bawal po kasi ang matulog dito sa lobby eh"

"Naku. Sorry po. Sige po. Iuuwi ko na po siya" 

"Salamat po sir at pasensya na po" at bumalik na yung security guard sa labas. 

"Badtrip ka naman Vera eh. Pabigat talaga! Tsk"

Kinarga ko na lang siya. Ang bigat. Ang dami naman kasi nung kinain niya eh. Halos ubusin na nga niya yung mga handa eh. 

"Konti na lang... Malapit na..." 

Damn it! Pawisan na ako. 

Ang bigat naman kasi ng babaeng to. Eh ang layo pa naman ng pinag-park ko ng kotse ko.

"Mmhmm..." gumalaw na naman tong babaeng to.

"Ano ba yan! Likot mo naman Vera. Ang hirap mo kayang kargahin!" 

O///O

Pinulupot niya yung kamay niya sa leeg ko so parang nakayakap na siya sa akin. Ang lapit lapit niya. Ano ba naman yan!

After that awkward moment eh nakarating na rin ako sa sasakyan ko. 

"Argh!" Hindi ko maabot yung bukasan ng pinto ng kotse ko. Harang kasi tong babaeng to eh.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon