So eto na nga. This is it! This is our day!
First date namin ni Enne. Parang ang haba ng gabi kagabi eh. Hindi ako nakatulog ng maaga. Hindi tuloy na complete yung beauty rest ko. Pagkatapos ng dramahan with Juli eh landian naman with my Enne. Ba iyan! Maka-landian naman ako.
Hayy. Buti na lang talaga eh maganda na ako. Joke. Average girl lang ako di ba? Pero iba na kasi ang nagagawa ng inspired or should I say in love.
May kumakatok sa pinto pero di ko pinapansin kasi nag-aayos pa rin ako. I should look pretty infront of Enne.
Nagulat ako ng may maramdaman akong yakap. Lumingon ako pero hindi ako makalingon ng masyado kaya yung ulo lang. Nagulat naman ako ng makita ko si Enne na nakangiti *O*
“Excited ka masyado. Wait ka nga lang sa baba. Di pa ako tapos”
“Ano ka ba! Wag ka na kasi masyadong magpaganda” then umalis siya sa pagkakayakap niya sa akin at hinarap ako sa kanya. “I fell in love with Vera who have her natural beauty”
Ay shemay! Eto na naman si Enne. Ang poetic. Kinikilig na naman aketch!
“B-Baliw! Sige na. Tara na” tapos kinuha ko yung necklace ko para isuot.
“Wait! Ano yan?”
“Ha?!” then tinuturo niya yung necklace na sinusuot ko. “Necklace?”
“Alam ko! I mean... ugh! Wag ka na magsuot niyan”
“Bakit?”
“Ah... eh... D-Di bagay sa iyo”
“ANO?!!!” napasigaw ako. Loko to! Kakasabi pa lang kanina na maganda ako tapos necklace lang di bagay sa akin?
“Ah basta!” then kinuha niya yung necklace ko at binalik sa jewellery box ko.
“Hoy!” bago pa ako makabalik eh hinila niya ako pabalik at palabas ng kwarto ko.
*poke *poke *poke
“Ui! Kausapin mo na ako”
Kanina pa sinusundot ni Enne yung mukha ko pero hindi ko siya pinapansin. Badtrip ako eh!
Nagpaganda ako para sa kanya. Kahit na ayaw ko magnecklace eh nagnecklace ako kasi nabasa ko na nagpapadagdag sa kagandahan ng isang babae ang kwintas. Sus! Tapos sinabihan lang ako ni Enne na hindi pala bagay sa akin. Bahala siya! Hmph!
Binilisan ko ang paglalakad.
“Ui! Hintayin mo naman ako!”
Tse-- >////////////<
Tiningnan ko siya pero nakatingin lang siya sa side. Tiningnan ko naman yung kamay niya nakahawak sa kamay ko.
>///////<
Hinayaan ko na lang. Hindi ko alam kung bakit ko ba hinahayaan eh tampo pa rin ako sa kanya.
Tahimik lang kami ngayon...
Habang naglalakad kami sa hindi ko alam kung saan. Saan ba niya pinark yung kotse niya? Parang ang tagal na naming naglalakad.
Bakit ganun? Tuwing magkasama at magkahawak ang kamay namin eh parang humahaba yung nilalakaran namin.
Pero napag-isip-isip ko eh ang babaw ko naman kung dahil lang dun eh magagalit na ako sa kanya. I don’t want to ruin our official first date.
Hayy. Kausapin ko na nga—
“S-Sorry”
?_? Huh? Napatigil ako sa sasabihin ko. Napatingin ako kay Enne. Nakatingin lang siya sa akin nang seryoso.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
Storie d'amorePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?