These past days eh mas napapalagayan ko na ng loob si Vera. Simula nung araw na yun. Ewan ko pero parang nabawasan yung pagkasungit ko sa kanya. Siguro kasi nga lagi ko siyang kasama. Lagi siyang nasa bahay ko. Kilala na nga ako ng mga magulang niya eh kasi laging ako ang naghahatid sa kanya.
Pinapractice pa rin namin yung i-peperform namin sa kasal ni tita Jen. Ang nanay NIYA. Kahit ayaw ko man eh napilitan ako dahil kay Vera. Tch! Kulit kasi eh.
Hindi ko pa siya naririnig. Yung tuloy-tuloy. I want to hear her perform the whole song. Pero napansin ko lang na nagiging seryoso siya pagdating sa music.
"Gab"
Napatingin ako.
"Bakit nga pala ayaw mong tanggapin yung favor sa iyo ng tita mo?"
Nakatingin lang ako. Siya eh patuloy pa rin sa ginagawa niya at hindi ko alam kung ano. Kasi nagmemerienda muna kami eh.
Huminga ako ng malalim. "You don't have to know that"
Mukhang nagulat siya kasi napatingin siya sa akin.
"But... I was just curious"
"Then don't"
"Pero Gab"
*glare*
Parang napatahimik naman siya. Kulit niya kasi eh. Naman o! Bakit ba bigla-bigla siyang nagtatanong ng mga bagay na ganun. Yung mga bagay kahit ako eh ayaw ko ng matandaan.
"Sorry" sabi niya. "F-For intruding. Napasobra ata ako. He he he" then sumubo siya ng doughnut.
Sorry Vera. Ayaw ko lang talagang maalala pa.
Hanggang sa dumating na nga yung araw ng 5th wedding ni tita Jen. Hayy. Di na nagsawa. Dito niya sa Pilipinas balak ngayon kasi sabi niya eh wala na daw silang magbalak maghiwalay. Sus! Asa. Pag dating ata sa kanya eh walang tumatagal na lalaki. Ang childish. Kabaliktaran NIYA.
"Here. Ice Tea" alok sa akin ng nanay ni Vera pagkalapag niya ng tray kung saan nakalagay yung ice tea.
"Thank you po tita"
"Oooh! Hihihi. You're welcome iho" hala?! Pati ba naman nanay ni Vera eh kinikilig sa akin. Iba na talgaa kagwapuhan ko.
"Ok. Ok na siya hon. Balik ka na ulit sa kusina" biglang sumingit yung tatay ni Vera at hinihila paalis si tita sa akin. Kasi nagpapacute pa. Alam ko na kung saan nagmana si Vera. Yun nga lang. Mas babae kumilos nanay niya.
"Ok. Bye Gab" nakangiti pa rin na nagpapacute si tita habang hinihila siya paalis.
Napailing na lang ako.
Ang bagal naman netong si Vera. Oo. Obviously eh nandito ako sa bahay ni Vera. Hindi na rin yun bago sa kanila. Di ba nasabi ko na sa last chapter eh lagi ko siya hatid sundo. Ginawa akong driver!
Ang ako ulit maghahatid sa kanya papunta sa Marriott Hotel. Manila yun eh. At tsaka iisa lang naman pupuntahan namin. Diretso na kami sa hotel kasi dun na agad kami sa reception pupunta.
"Gab! Please! Sige na"
"No! Ugh!" habang tinatakpan ko ang tenga ko at pinapalakas na rin yung volume ng tv.
"Why ba? Kasal yun eh. Corny naman kung sa reception agad tau. Sama na tayo sa simbahan"
"Blah Blah Blah" Bahala siya! Ayaw kong makakita ng ganung mga kadramahan noh!
"Ugh! Nakakainis naman o!" sabi niya habang pumapadyak-padyak pa yung paa niya.
Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Pero yung upo niya medyo nakaharap sa akin. So hindi yung maayos na upo. Gets niyo ba? Ahh! Bahala na. Nakakatamad magexplain.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomantizmPag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?