Isang linggo.
Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin kami nagkikita ni Enne. After that day...
Hayy. Namimiss ko na siya. Ilang beses ko na siya tinext pero no reply. Pag tatawagan ko eh hindi naman sinasagot.
Tiningnan ko ulit ung cp ko. Kainis! Wala pa rin!
Humiga ako sa kama ko at nakatingin lang sa kisame.
“Enne naman!!!” sigaw ko.
Bumaba na muna ako.
“Ma! Punta lang akong grocery ha” sabi ko pagkababa ko.
“Bakit?”
“May bibilhin lang ako” sabay halik kay mommy.
“Nak! Di ka pa nagbbreakfast! Kumain ka muna!” pero hindi ako tumigil sa paglabas. Sumakay na ako sa kotse ko.
First time kong lumabas ng bahay na walang laman ang tiyan. Sorry ma! Gusto ko lang lumabas. I’m so stressed! Kainis!
Tanghalian na akong nakauwi.
“Nak! Kain ka na” aya sa akin ni mommy. Kumakain na kasi sila ng lunch.
“Busog pa po ako mommy” at diretso na akong umakyat. Actually, wala pa akong kinakain pero talagang wala ako ganang kumain.
Nakakainis ka naman Enne eh! Hindi na nagparamdam. Miss na talaga kitaaa! Sobraaaa!
Tiningnan ko cp ko. Nagulat ako ng makita kong 5 missed calls! Si Enne kaya to?
Agad-agad kong binuksan phone ko.
Pero ung ngiti ko eh nawala agad ng makita ko na kay Juli pala.
I texted her.
To: Bessy
Why bessy?
Hayy. I was about to heave a sigh ng magring phone ko. Napaubo tuloy ako. Nalunok ko ung buntong hininga ko eh.
Naman!
“Hel—“
“BESSY!!!” nilayo ko ung phone ko sa tenga ko. Loko!
“Ano ba! Makasigaw to!”
“N-Nasan ka?”
“Nasa bahay?”
“Ha?! BAKIT NANDIYAN KAAAAA?!”
“Huh?! Baka dito ako nakatira”
“E-Eh... k-kasiii”
“Ano ba?! Ano bang sasabihin mooo?!” nakakainis eh! Ang daming tinatanong na obvious naman ang sagot at nambibitin pa.
“S-S-Si... Si Enne” Nang marinig ko ung pangalan niya eh napatayo ako.
“A-Anong?!”
“Paalis na siya. Papunta na siyang ibang bansa.”
Halos tumigil ung tibok ng puso ko. Parang tumigil din ung oras. Nanigas ako sa kinakatayuan ko.
“Vera? Andiyan ka pa ba? Vera!”
“Sang airport?!”
“NAIA. Ver—“ hindi ko na pinakinggan ung sasabihin niya. Tumakbo ako pababa ng bahay.
“Anak! San ka pupunta? Kakara—“ hinarap ko lang si mommy. Mukhang napatigil siya at gulat. Ewan ko kung bakit.
Tumakbo na lang ako papunta sa kotse ko. Pinatakbo ko agad.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?