Property of Pandora's Heart
"Bessy!"
"Bakit?"
"Ang bangag mo namang sumagot"
"Sori"
Nako guys! Pagpasensyahan niyo na ako. Kasi hanggang ngayon eh hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari nung congratulatory project.
"Vera naman. Isang linggo na ang nakalilipas. Di pa rin maka-move on?"
Hinarap ko si Juli. Nakaharap kasi ako sa bintana kanina habang nakangiti sa ulap. Mukha ni Gab ang nakikita ko.
Hinawakan ko ang dalawang braso niya at yinugyog siya.
"Tell me Juli! Tell me! How am I supposed to move on that easily kung yung lalaking gumawa sa akin nun eh yung lalaking mahal ko. Yung ilang taon ko ng minahal. This time... he got my first kiss! My real first kiss!"
Nako! I'm partly masaya kasi hinalikan niya ako. Partly na hindi kasi hindi pa naman kami pero nagkiss na kami. I mean that's one of my goal in life. Pero mukhang inunahan niya na.
Waaah! Pero nangingibabaw pa rin ang kasiyahan.
Ano ba naman! Nakakabadtrip huh? Ikaw kaya ang nakawan ng halik? Sa labi pa! Ang unfair naman nun. Kailangan kong gumanti kay Gab. Joke lang! Ahaha! Landi much ko talaga?
*flashback*
"Vera?"
Habang kumakanta sina Juli at Jason ng Unwell eh nangibabaw pa rin ang boses na yun. Ang tumawag sa pangalan ko. I'm very certain who that person is. Lumingon ako.
"Gab" nakangiti kong tawag din sa kanya.
Finally, nakita ko na rin siya. Ang gwapo gwapo niya talaga ngayon.
But I'm not crazy, I'm just a little unwell
I know, right now you can't tell
But stay a while and maybe then you'll see
A different side of me
I'm not crazy, I'm just a little impaired
I know, right now you don't care
But soon enough you're gonna think of me
And how I used to be, me
Lumapit na ako sa kanya. Gusto ko siyang makita ng malapitan.
Habang lumalapit ako. Yung mukha niya... hindi yung usual na mukha na ipinapakita niya sa akin. Yung nakakunot ang noo. Salubong ang kilay. Yung tipong parang ayaw na ayaw niya akong makita.
Yung mukha niya ngayon. Sobrang gwapo. I mean gwapo naman talaga siya kahit masungit siya sa akin. Pero ngayon eh iba na. Nakatingin lang siya sa akin. Parang hinihintay niya akong makalapit sa kanya. Yung mukha niya rin parang nagtataka na ewan. Ang amo niya tuloy tingnan.
Nakalapit na nga ako sa kanya. Nakangiti pa rin ako. Sa dami ng taong gwapong nakita ko dito. Siya ang number 1.
"Hi Gab! Kanina pa kita hinahanap. Ang gwa--"
"Hmmm...?" hindi na ako makapagsalita. At yung puso ko. Kanina pa nagiiskip a beat.
He is kissing me.
Yung matinong halik ha. Still lang.
Pero ang mukha ko.
O.O
Ganyan all the time. Halos kalahating minuto na nga yun eh. Pero siya eh nakapikit.
Kahit hindi yung gumagalaw na kind ng halik. Kahit yung naka-still lang. The mere fact that I felt his lips. It's the best.
Lumayo na rin kami sa isa't isa. Ako ang unang tumulak. Hindi na kasi ako makahinga.
Nako! Baka isipin niya na ayaw ko. Na ayaw ko dun sa halik. Or ayaw ko sa kanya.
"Gab..." hindi ko naman alam ang sasabihin ko.
Ano sasabihin ko?
Ay sorry Gab. Actually eh gusto ko talaga nun. Hindi lang ako makahinga.
Ano ba naman yun? Masyado naman akong malandi nun. Nakakainis naman!
Nakatingin lang siya sa kabilang side. Hindi na siya tumitingin sa akin.
Nako! Ang awkward! Ganito ba pag after kiss? Lalo na pag biglaan? Hindi alam kung anong gagawin or sasabihin man lang after. Naman o!
Maya-maya eh nagulat na lang ako at may biglang naglagay ng jacket sa akin. Ay hindi pala to jacket. Tuxedo pala. Ipinatong sa shoulder ko. Yung parang nakasuot sa akin pero hindi totally.
Pag tingin ko si Gab. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Kung masyado lang ako sa pagka-feeler eh mukha siyang nahihiya at nagbblush. Pero ewan.
Gusto ko talaga lagyan ng malisya yung paghalik sa akin ni Gab. Kaso ang hirap. I mean... alam ko namang ayaw na ayaw niya sa akin.
"Gab... why?" yun na lang ang natanong ko. Mukhang nagulat siya at tumingin ulit sa iba. Hayy. I want to know.
Hinarap ko siya. Gusto ko talaga malaman ang dahilan.
"Gab. Please. I want to know. What's the meaning of that ki--?"
"No. Not now" nagulat ako sa mukha niya. Parang nagsusumamo na mukhang bata.
Hindi ko na pipilitin. I just heaved a sigh.
"Let's just go home" at umalis siya. Sinundan ko na lang siya.
Hinatid niya ako sa bahay ko.
Habang nasa daan eh wala pa ring nagsasalita. Ako lang ang tumitingin sa kanya. Pero siya eh hindi. Ohwell. Natural. Nagddrive eh.
*end of flashback*
"Nakakainis bessy! I want to know why" bigla na lang akong nagsalita.
"What's the problem Vera?" Nako! Nagkaklase na pala.
"No ma'am" at nagtawanan naman yung mga kaklase ko.
Si Gab eh kasama sa mga kaklase kong lumingon sa akin. Nagulat ako. Ngingitian ko na sana siya kaso humarap na ulit siya sa board.
"I think mas naging worst ang case mo" bulong naman ni Juli.
Hayy. Oo nga. After that kiss. That unknown reason kiss. Hindi na ako pinapansin ni Gab. Iniiwasan na niya ako.
Baka naman nagsisisi siya sa ginawa niya. Baka may something na sumapi lang sa kanya at nagawa niya yun at nandidiri siya. Kasi ang alam ko eh ayaw niya sa akin.
Naman o! Ang hirap naman ng ganito.
Mas gusto ko pa yung tinatarayan at sinusungitan niya ako. Kaysa yung ganito. Yung parang walang pakialam sa isa't isa
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?