Chapter 42: It's over

76 1 0
                                    

PROPERTY OF PANDORA'S HEART

Ilang linggo na sa aking ganito si Enne. Palagi niya akong pinapangiti. Palagi niya akong pinapasaya.

Every day he always made me feel so special. And I never felt this from anyone before.

“Ok class. For this project, the partnering will be the same as the marriage project before. Still remember it? Ok. Go to you partners”

“Bessy! Ok ka lang?” bulong sa akin ni Juli.

“Huh?”

“I mean. Ano ba yan! Tinatamad lang si Sir na mag-partner ulit eh”

“Ano ka ba! Ok lang noh. Sige. Pupunta na ako sa partner ko” at ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din pabalik sa akin si Juli. I know she knows that the smile I replied to her is real. Kasi alam niyo naman na kapag hindi eh malungkot na mukha lang yung ipapakita niya sa akin di ba.

“Ah! V-Vera. Andyan ka na pala?”

“Huh? Ahaha! Oo. Hindi ka nakikinig noh?” tanong ko kay Gab.

“H-Hindi ah” umupo ako sa tabi niya. Mukhang nagulat naman siya.

“Ok. Ano na ang gagawin natin? Powerpoint presentation or visual aids lang?”

Nakatingin lang siya sa akin.

“Gab?”

“Huh?! Ah. Oo. Ahm… Ano… Ano ulit yung tinatanong mo?”

“Ha?” napatawa ako. Hay nako! Etong si Gab eh ganun pa rin. Pag tinamaan ng antok eh walang pake sa klase. Kaya nakakapagtaka eh bakit to palaging nasa top eh.

“Tinatanong ko kung powerpoint presentation ba or cartolina lang yung gagamitin natin sa reporting”

“Ahh… Ahmmm… Cartolina na lang. Mahirap magpareserve ng schedule para sa LCD”

“Sa bagay”

Kinabukasan…

“Sabay na tayong umuwi?”

“Ay! Tatapusin pa namin ni Gab yung report namin eh. Sa Wednesday na yung reporting namin eh”

“Ganun? OK.”

“Wee. Galit?”

“Hindi ah. Bakit naman ako magagalit?”

Nilapitan ko siya at pinisil-pisil yung pisngi niya.

“Ano ba Vera!”

“Yieee. Ngingiti na yan. Konting tiis, bibigay na si Enne!” kinukulit ko talaga siya.

“Itigil mo nga yan”

Pero dahil pasaway ako eh tuloy pa rin ako sa pagpisil sa mukha niya.

“Aray! O-Oo na. Eto na. Ngingiti na” tapos ngumiti siya kahit nasasaktan siya sa pagpisil ko sa pisngi niya.

Tumawa naman ako.

Napatigil ako ng pagtawa ng tumigil sa pagtawa si Enne at nakatingin siya sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Gab.

“Ay Enne! Sige. Mauna na ako ha. Itetext na lang kita pag-uwi ko. Babay!” sabi ko habang lumalapit ako kay Gab pero nakatingin pa rin ako sa kanya.

Kumakaway lang ako hangga’t di pa nakakalabas ng school si Enne. Nung di ko na siya matanaw eh tiningnan ko na si Gab.

“Tara na?”

Tahimik lang kami ngayon sa library. Ginagawa lang namin yung hinati naming gawa sa report.

“Isusulat ko rin ba to?” lumapit ako sa kanya at ipinakita yung page kung saan may details.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon