Chapter 3: Switter Encounter

178 2 0
                                    

Property of Pandora's Heart

"Bessy!" tawag sa akin ni Juli. Napatigil ako sa paglalakad. Tapos ay sumabay na siya sa akin.

Siya ang bestfriend ko dito this highschool. Si Juli Fernandez. Siya lang ang nagtiyagang makinig sa mga kwento ko about kay Gab. Kaya hindi tumatagal ang mga tao sa akin kasi bukambibig ko eh Gab. Grabe! Masisisi niyo ba ako? Eh inlove na inlove ako dun.

"Ui. Musta na yung brownies na ginawa natin kahapon? Nagustuhan ba ni Gab mo?" tanong sa akin ni Juli na may pang-aasar na ngiti.

Ako naman eh kinilig nang matandaan ko yung reply sa akin. Isang mala-anghel na ngiti. Hayy. Kung bakit ba ang perpekto ng mga ngipin niya? Siya na! Siya na ang perfect!!! :">

"Ahh. Gets ko na. Mukhang maganda ang nangyari. Kwento ka naman" Shinake ako ni Juli na namimilit. Nakita niya ata yung reaksyon ko. Hindi ko mapigilan eh :"">

"Osige" pagkatapos ay ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Kinilig din siya pero nakulangan daw siya sa kwento. Sabi niya bitin. Nginitian lang ako. Eh bakit ba? Kinilig na ako dun eh.

Di ba kayo nagtataka kung bakit wala lang sa kanya na nagkukwento ako about kay Gab? Wala kasi siyang gusto dun. Si Jason ang gusto nun. Na inlove siya ng kumanta ito sa classroom namin para ligawan ang isa sa kaklase namin. Pero isang linggo pa lang eh nagbreak na agad sila. Heartbreaker talaga yun. Natatakot nga ako para kay Juli pero nagpromise siya na hindi hahantong sa love niya para kay Jason.

Habang nagkukwentuhan kami nakasalubong namin ang "Apple of the Eye". Hayy! Nakakainlove talagang tingnan nun. Hayy! I'm dyin'

Napatingin ako kay Juli. Nakita kong nagkakatinginan sila ni Jason. Nakita ko reaksyon ni Juli. At promise! Ang mukhang yun eh hindi pang-gusto lang. We have the same look. She's inlove! With the heartbreaker, Jason. Kawawa naman si Bessy. Tumingin ako kay Jason at nakita kong kinindatan siya neto. Ok. Eto yung kamay ko sa likod na Juli para pag hinimatay siya eh masalo ko. Medyo napaatras lang naman etong si uli at naramdaman ang kamay ko. Bumalik na ulit siya sa katinuan at napansin ang nagtatakang tingin ko sa kanya.

"Ahm... Ano... Uh. What are you looking at?" tanong niya sa akin na nauutal at hindi makatingin sa akin. "T-Tara na nga! Pasok na tayo sa next class natin" sabi niya tapos nauna na siyang maglakad. Nag-chuckle lang ako. Sus! Halatang-halata naman siya eh.

"Ok class! Everybody sit down!" sabi ni Mr. Cruz. Asawa ng adviser namin na physics tracher namin. Nandun na si sir kaya nagmamadali kaming nagpunta sa mga upuan namin. Ginawa ko ang nakagawian ko. Ang panandalian tingin kay Gab na nasa pinakalikod ng classroom. Kung bakit ba naman ang layo ng upuan niya sa akin. Napatingin din siya sa akin. Yan yung huling tingin ko bago ako tumingin ulit sa harapan. 

After ng class, paalis na sana ako ng tinawag ako ni Sir Cruz. 

"Why sir?" I asked nung lumapit na ako sa kanya.

"Can I assign you to go to the student council office? Just clean there since you are a comelec. It's your day today to clean ir" 

"Ah! Oo nga pala. Yes sir!" reply ko nung naalala ko yung na ako nga pala maglilinis ng office namin. Pinauna ko na si Juli kasi maglilinis pa ako kaya umuwi na muna siya... ata? Ewan. Nagpunta na ako sa student council office pagkatapos kong ayusin yung classroom ko.

Pagdating ko dun nakabukas yung pinto.

"Hayy nako! Iniwan na naman bukas ang pinto. Paano kung may mawala dito?" sabi ko sa sarili ko. Tapos pumasok na ako sa loob. Sinara ko na ang pinto at ni-lock muna para walang ibang makapasok habang naglilinis ako. Baka madagdagan pa ang kalat eh

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon