Chapter 10: No meaning at all

138 2 0
                                    

"San ka pupunta?" takte naman o! Bakit ba laging nakasunod tong si Jason sa akin? 

"Ano ba naman yan Jason? Kaaway mo ba yung 'Apple of the Eye' at lagi ka sa aking nakabuntot?" tanong ko. Nakakainis na eh. Eh lagi naman akong inaasar at pinapakanta. Ano ba yan. 

Hanggang sa makahabol na siya sa akin at sumabay na sa paglalakad ko. "Kadiri naman tol. Ang korni niyo talagang mga babae. Tawagin ba namang 'Apple of the Eye' yung tropa namin?" hinahabol pa niya ang hininga niya.

"Ano ba yan. Hindi ka pa nga makahinga ng maayos eh nang-iinsulto ka na naman" sarcastic kong sagot.

"Masama? Eh kung sa trip ko eh" 

"Trip mo mukha mo!" sabi ko sa kanya. Loko talaga to! Nagsisimula na namang mang-asar.

"Period mo ba ngayon? Ang taray mo ah"

"Eh ang kulit mo kasi eh"

"Eh anong nakakasar dun?" langya. Tiningnan ko siya at seryoso ang mukha niya. Langya? Di nga siya nagbibiro. Hala! Anong nakakasar sa pangungulit? Wala. Wala naman!!! Ang saya saya ko nga eh.

Balik ulit ako sa paglalakad.

"Juli!" tawag ko nung nakita ko si Juli. Kinawayan ko siya. Kumaway din siya at lalapit na sana siya nung biglang lumapit sa akin si Jason. 

"Ui" kulit pa ni Jason.

"Ay! May kasama ka pala. Sige. Mauna na ako Vera. Kita na lang tayo mamaya" nakangiting sabi sa akin ni Juli. 

At yan. Isa pa yan sa dahilan kung bakit naiinis ako sa kasusunod sa akin ni Jason. Hindi kami makapagbonding ng Bessy ko. Tsk. Selfish kasi yun pagdating sa akin eh. Gusto niya kaming dalawa lang eh.

Hay nako! At nagpatuloy na ako sa paglalakad. And sumunod naman yung Jason na yun. 

"Huy! Bakit di ka sumagot?" habol niya ulit sa akin.

"Eh kung sa trip ko eh"

"Teka! Pamilyar yang line na yan eh. May nagsabi na niyan kanina ah" Napatingin ako sa kanya. Loko to! Seryoso nga siyang nag-iisip. Eh siya kaya yun.  

Natawa naman ako. Ahahahah! Ang kulit niyang tingnan eh. Ewan ko ba kung bobo lang siya o nagpapabobo lang eh.

"B-Bakit mo ako pinagtatawanan??? Baliw ka ah!" 

"EH--" ahahah! Natatawa pa ako. Ngayon mukha siyang batang inaasar. Ang kulit lang ng mukha niya ngayon.

"H-Hoy! Tumigil ka nga!!! Bakit ba???" sabay pout.

Pinisil ko ang mukha niya sabay ngiti. "Ang cute mo!!!" natatawa kong sabi sa kanya.

 "E-Ewan ko sa iyo!!!" sabay waksi ng kamay ko sa mukha niya. 

"Aray naman!" Loko to ah. Napikon?

Sabay lakad na ulit siya paalis. Ha? Pikon talaga siya? Kalalaki niyang tao eh ang bilis niyang mapikon? Ahaha! Ang kulit. Napangiti na lang ako at hinabol siya.

"Hoy!" tawag ko sa kanya. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin at tuloy pa rin sa paglalakad. Inunahan ko siya. At inunahan niya naman ako. At ayon! Nagkarerahan na kami. Nakarating kami sa gym.

*hingal *hingal (ahahha! hindi ko alam kung paano ko ilalagay yung sfx ng humihingal eh)

Umupo siya sa isa sa mga bleachers dun. Then umupo ako sa tabi niya.

"Hoy!" Ayaw mamansin. Ni hindi nga tumitingin sa akin eh. 

"Hoy!" Pinopoke ko na yung pisngi niya.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon