Chapter 48: Am I too late?

78 1 1
                                    

O/////O Ganyan pa rin ang reaksyon ko. Nakatingin lang ako sa kisame ko at shemay kinikilig ako!!!!!!

“MAGDADATE KAMI NI ENNE! WEEEE!” Sigaw ko habang nakatakip yung unan sa mukha ko para hindi malakas yung pagsigaw.

Tiningnan ko ulit yung text niya at mukhang tanga dito na kinikilig.

Tinawagan ko si Juli. I’ll share my happiness. Lol!

“Hmmm?” mukhang tulog to ah. Aga naman niyang matulog.

“Hoy! Tulog ka na agad? Ang aga mo namang matulog! Wala na namang pasok ah!” sigaw ko. Hahaha! Hyper ako masyado eh.

“Langya naman Vera eh! Kinidnap mo ako mula sa dreamland ko. Ayun na eh. Magkikiss na kami ni Jaso---“ at tumahimik sa kabilang linya. Ngumiti ako ng nakakaloko. Naku! Pinapanaginipan niya na naman si Jason.

“Ayieeee! Ikaw ha! Hinahalikan mo na naman si Jason sa panaginip mo noh. Pervert ka talaga!”

“Eh bakit ba? Alamang gawin ko in real life noh. Kahit kami na eh pakipot effect pa rin ako”

“Asus! Landi mo talaga”

“Tseh!” Tinawanan ko lang siya.

“Hoy ikaw na babae! Ano bang dahilan ng pagtawag mo? Dali na! Game na ako sa ikukwento mo. Ginising mo na yung katawang lupa ko eh”

“Okay. Wait lang ha” and I composed myself. But I can’t stop myself.

“KYAAAAAAAAAH!”

“Eff! Bessy? Anong problema mo? Bigla-bigla kang sumisigaw diyan!”

“NAK/VERA/ATE VERA!” sabay-sabay na sigaw ng pamilya ko. Pagkatingin ko eh bukas na yung pinto at mga worried ang mga mukha nila.

“Anong nangyari? May magnanakaw ba?” tanong ni kuya.

“W-Wala. Ha ha ha. Okay lang ako. M-May... may ano... ah! May chinika lang si bessy na kung ano”

“Hoy! Gagamitin mo pa ako Vera ha!” rinig ko sa kabilang linya. So medyo nilayo ko muna dahil alam kong dadaldal pa siya.

“Ahh! Hay nako anak! Pinakaba mo naman kami eh” sabi ni mommy.

“Sige po mommy. Pasensya na po. Same to you dad, kuya, and Angelie” then kiniss ko sila.

“Yuck! Kadiri ka naman Vera o!” rinig kong sigaw pa ni kuya bago ko isara ang pinto.

So back to my phone...

“Hoy! Ikaw bessy blah blah asdfghjkl chevarlu chenes”

“Di ko na nga ikukwento” sabi ko in a monotone voice.

“Ay! Hindi na. I-chika mo na! Kaloka ka! Bakit ka ba sumigaw?”

“Eh kasi... first date namin bukas ni Enne” kinikilig na sabi ko.

“OMG! Naglevel up na nga kayo! Congrats naman bessy!”

“IKR. Ang saya lang”

“Pero teka nga lang. Bakit ba kinikilig ka? Hindi ka pa ba nasanay sa presensya ni Adrienne? Eh di ba... lagi kayong magkasama?”

“Ha? Oo nga noh... Hmm”

Napaisip ako sa sinabi ni Juli.

“Told ya. Parang nakakapagtaka naman na dati pa naman kayong magkasama. Pero bakit biglang nag-iba yung nararamdaman mo towards him? Hindi ka ba nagtataka?”

“Huh?”

Narinig kong huminga siya ng malalim.

“Bessy. Kung tutuusin eh dapat walang ganung kilig ang mararamdaman mo kapag hahawakan ni Adrienne yung kamay mo, may date or whatsoever. Halos isang taon kayong magkasama. Mas naging close na nga kayong dalawa kaysa sa atin eh. Selos nga ako eh. Hayy. Pero kung bakit ngayon eh kinikilig ka dahil may date kayo bukas ni Adrienne”

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon