Chapter 51: Naulit na naman...

70 0 0
                                    

September 15 ngayon. And yun yung napadesisyunan na Early Reunion ng Highschool namin. Ang theme eh ‘A Night of Stars’

Dapat daw eh may glitter glitter or kumikinang sa damit namin.

Suot ko lang naman eh simpleng cocktail dress na laced yung baba at sa may dibdib tapos yung glitters eh all around sa may baba ng dress ko. Naka-three inched heels lang ako kasi yun lang ang kaya ko. Yung hairstyle ko eh messy hair bun. Simple make-up lang ako.

Ang ganda ko nga ngayon eh! Hehehe! Assuming lang.

“Hindi ka pa ba tapos diyan ‘na—wow! Ang ganda talaga ng anak ko. Manang-mana sa akin talaga” sabi ni mommy pagkakita sa akin.

“Thanks mommy”

“Tara na. Baba na tayo. Kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo. Yieee” tapos sinsundot-sundot niya pa yung waist ko.

-____- Parang bata tong si mommy.

Nauna nang bumaba si mommy at ako eh bumalik muna sa harap ng mirror ko. Kinuha ko yung special box ko. Nakalagay dun yung... necklace na binigay sa akin ni Enne nung first real date namin. Of course, it’s important. Sinuot ko na. At, oo nga. Bagay sa akin. Bagay na bagay.

Bumaba na ako with a smile.

My life is brilliant.

My love is pure.

I saw an angel.

Of that I'm sure.

She smiled at me on the subway.

She was with another man.

But I won't lose no sleep on that,

'Cause I've got a plan.

At ayun, sinadya ko talagang i-slow mo. Nakatingin lang siya sa akin.

You're beautiful. You're beautiful.

You're beautiful, it's true.

I saw your face in a crowded place,

And I don't know what to do,

'Cause I'll never be with you.

Paglapit ko sa kanya eh hinawakan niya yung kamay ko. At nginitian ko.

“Ang ganda mo Vera... sobra”

Nginitian ko lang siya.

“Hindi ko alam kung bakit pero parang may background music pa habang bumaba ka. Nararamdaman ko lang ba yun?”

I just chuckled.

“Pfft... HAHAHAHAHAHAHAHA!”

+____+ Binigyan ko ng death glare si kuya Nico.

“Bakit po? Sobrang cheesy ba?” sabi ni Enne habang kinakamot pa yung ulo niya.

“Hindi. HAHAHAHA! Wew Vera! GANDA mo talaga! Biro mo yun? NagkakaBACKGROUND MUSIC PA. HAHAHAHA!” naka-death glare pa rin ako sa kanya pero siya eh maiyak-iyak na sa kakatawa.

“Tara na nga Enne” hinila ko na siya palabas ng bahay pero binulungan pa ako ni kuya.

“Nakoo! Yung plano mo. Mukhang successful ah. HAHAHAHA!” kainis! Hindi ko ba alam kung bakit sa kanya ako humingi ng tulong eh.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon