Chapter 6: His True Colors

151 1 0
                                    

"Ang hirap namang i-maintain ang sarili ko kapag siya ang kasama ko" reklamo ko kay Jason.

Nagstrum muna siya ng gitara niya. "Grabe ka naman pre! Hinila mo ako dito sa bar namin para lang magreklamo ka lang. And take note... Ikaw pa ang nag-aya sa mismong bar ko ha" 

"Tch!" yan na lang ang naging reaksyon ko. Nakakainis naman tong taong to. Siya na ang hinila ko kasi siya lang ang mapagsasabihan ko neto. Well, yung totoo eh siya lang ang nakita ko nung dismissal na namin eh.

*flashback

"Ano ba naman yung babaeng yun! Walang ginawa kundi ang tumingin sa akin. Laging tulala. Di tuloy namin natapos yung pinapaluto sa amin. Tsk!" yamot kong pagrereklamo pagkalabas ko sa kitchen para sa marriage project na yan. 

Tapos nakita ko si Jason na kasama ang gitara niya (as usual) pati na rin ang mga bagong chics na naman niya (isa pang as usual)

"Excuse me ladies ha. But I'll just borrow Jason for awhile" sabi ko sabay kindat sa kanila at hinila ko na si Jason.

"Kyaaa! Yes!" narinig kong tili nila

"Nooooooo!" sabi naman ni Jason na nakatingin pa rin sa mga chics niya

*end of flashback

"Sayang naman yung mga chicababes na kasama ko. Tsk!" narinig kong sinabi ni Jason.

"Ha?! Ano? Pakiulit nga yung reklamo mo" 

"Wala! Ang sabi ko gwapo mo!" sabay strum ulit ng gitara niya.

Nag-iba na ako ng tinitingnan. Nakakainis talaga! May two weeks pang natitira. Bakit ba ang bagal matapos tong project na to!!! Ugh.

"Pero alam mo pre" nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Langya! Pabigla-bigla? "Wala ka na lang ibang bukambibig kundi yung babaeng yun. Puro reklamo pero since these past days eh puro siya naman ang iniisip mo" sabi niya habang nag-sstrum pa rin ng gitara niya at hindi nakatingin sa akin.

"Aba eh loko ka pala eh! Anong ibig mong sabihin ah? At isa pa paano ko hindi magiging bukambibig yun eh asawa ko yan sa lintik na proect na yan! Nakakainis kaya. Halatang-halatang patay na patay yun sa akin eh" di na ako makapapigil eh

"Hahahahha! Chill ka lang pre" natatawang sabi niya.

-----------------------------------------------------------------------------------------

[Jason's POV]

Nakakatawa talaga tong si Gab. Masyadong naiinis sa babaeng patay na patay sa kanya. Baka mamaya eh mainlove siya dun tulad ng nangyari sa kanya dati.

"Uwi na ako pre" paalam ko sa kanya habang siya eh umiinom pa rin.

"Asus! Sige. Umalis ka na. Ganyan ka namang kaibigan ka eh!!! Isa kang tunay na kaibigan Jason!!!" sabi niya habang tinuturo-turo pa ako.

Napakamot na lang ako ng ulo ko at medyo naiinis na. Loko kasi to eh noh. Ang hirap namang magkakonsensya at maging kaibigan. Ohwell, isa naman akong tunay na kaibigan eh.

"Tch! Tumayo ka na pre. Iuuwi na kita sa condo mo" sabi ko sa kanya habang inaangat ko siya para makatayo siya. Inalalayan ko siyang maglakad.

Habang pauwi walang ibang bukambibig itong si Gab kundi yung babaeng yun. Ano nga ba pangalan nun? Masyadong mahaba naman ang tawag ko dun eh. Babaeng patay na patay kay Gab. Tch!

Pagka-park ko ng kotse ko sa parking lot eh inalalayan ko na naman itong si Gab. Leche! Ang bigat naman ng lalaking to!

"Langya yang babaeng yan! Lecheng project yan! Bwisit!" sabi niya pagkahiga ko sa kanya sa kanyang kama.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon